Chapter 6

42 5 0
                                    

 
Chapter 6 : She knows

Judy
Angela, may answers ka na ba sa stats?

Kumunot ang noo ko nang tumunog ang aking cellphone sa chat ni Judy.

Angela
Oo

Reply ko at inayos ang aking buhok. Kinuha ko ang dryer sa lamesa ng vanity mirror ko at nag-simula na pamalahin ang buhok ko.

Judy
Oh? Saan ka nagpaturo? Himala :)

Napangiti ako pero kaagad ko naman iyon naglaho. Huminga ako nang malalim nang dumaan na naman sa aking memorya ang nangyari kahapon. I let out a sighs at nagreply kay Judy.

Angela
nag-search lang ako sa youtube about the topic :)

I replied pagkatapos ay inayos ko na ang dadalhin ko sa eskwelahan. Bumaba na rin ako ng aking kwarto at nadatnan ko si Mama na nag-aayos na rin.

“Sayo ako sasabay, ma?”

Tumango naman kaagad siya.

Nakasakay na kami sa sasakyan namin at nagmamaneho na si mama nang magsalita siya. “Exam niyo sa Thursday tsaka Friday, tama ba anak?” she asked habang nagmamaneho siya. Tumango naman kaagad ako.

“Opo ma..”

“Kumusta ang Stats mo na subject? Any improvements ba anak? Just asking. Ayaw kong mapressure ka masyado sa sub na ‘yan. I want to know if you really needed a tutor to help you in that subject.” mahabang sinabi niya.

Ngumuso ako nang maalala ang kahapon.

That rude guy, he taught me about our topic in Stats and prob. Seryoso talaga siya sa pagtuturo niya kahapon and I couldn't help to just listen as he talks. Na-answeran ko din ang mga assignments ko, letting my knowledge about our topic exercised. Kapag nagkakamali ako kaagad naman niya akong tinatama kaya madali kong na-answeran iyong assignment ko kahapon.

I'm very thankful about what he did. It helped me a lot.

I smiled a bit.

Hindi naman pala siya masyadong masama.

“So?”

Napakurap-kurap ako nang magsalita ulit si Mama. My mother glanced at me, curious.

I cleared my throat. “Meron naman po, hindi na ako nangongopya kila Judy. Ako na ang sumagot ng assignment ko,” I smiled.

My mother's eyes widen. “Really? That's a big step anak! I'm proud of you!”

Napangiti ako nang malawak. I'm proud of myself for not letting my pride take over me. Kung hinayaan ko iyon ay baka hindi na ako turuan ng lalaking ‘yon. I was then thankful to myself and especially for him.

He did a great job.

* * *

“Miss Lopez, good job.” sabi ni Sir Gomez nang natapos na ako makapag-sagot sa board. He smiled at me. He knows too well na hindi ako masyadong magaling sa math basing on my score in our previous prelim exam.

“Is there any answers?” tanong ni Sir sa mga kaklase ko.

Napaupo ako sa aking upuan at may munting ngiti sa labi. I feel proud of myself, first time kong mag-participate sa klase ni Sir na mag-susulat sa board.

“Hoy angela, ano yon? Ang galing ..” I heard Judy called from my side. Dahil period ito ni Sir Gomez ay may karapatan siyang i-rearrange ang mga seating arrangement namin. I am then, sitting beside Judy na hindi makapaniwala sa ginagawa kong pagsagot sa board.

Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓Where stories live. Discover now