Chapter 31

39 2 0
                                    


Chapter 31 : Bobo

Tulala ako pag-uwi ko. Hindi ako makapagsalita o makipagbati rin sa mga magulang ko. Kung noon ay bahagyang tahimik lang ako ngayon sobrang tahimik ko na na mukhang alam na rin ng mga magulang ko ang nangyari. 

Napalunok ako habang kumakain kami sa hapag. My eyes stared at my food but I didn't touch nor move anything on it. I'm dazed. I feel like my body's energy got drained after what happened. 

“Anak...” Narinig kong boses ni Mama habang kumakain kami. I blinked my eyes slightly at napaawang ang mga labi bago dahan-dahan napatingin kay Mama. 

Her eyes look sad. “Kain ka na, ‘nak..” 

Naramdaman ko rin ang tingin ni Papa sa akin pero hindi ko na lang iyon pinansin at sinubukang galawin ang aking pagkain pero dalawang subo ko pa lang ay parang nawalan na ako ng gana. 

Tumayo ako ng hindi nagsasalita.

“Anak, hindi ka pa tapos kumain..” 

“Busog na ako ma, mag-aayos na ako para makatulog na ‘ko..” I replied to him, with my tone drained. Hindi na ako nagsalitang muli at umalis sa hapag namin at umakyat sa aking kwarto ng nakapasok ay kaagad akong bumuntong hininga. 

Dumiretso kaagad ang tingin ko sa photocard na nasa vanity table ko. I saw my soft-smiling face there with my names in bold caps. I slowly walked towards my vanity mirror. 

Nang makalapit ay kinuha ko ito at hinawakan. 

Hindi ko pa nakumpira kung totoo man ito na nagmula sa kanya. Kailangan ko pa ng kumpirmasyon sa kanya, pero kahit ganun ay hindi ko pa rin maiwasan mag-isip ng mga kung ano-anong makakasakit sa akin. 

Is he just fooling me? Bakit may ganito siyang postcard? Saan niya ito kinuha? Was he true to me all the time? 

Questions that keep circling my mind when I went to sleep. Hindi ako nakatulog nasa ceiling ko lang ang mga mata ko. Ramdam ko ang bigat ng dibdib ko pero pinigilan kong umiyak dahil hindi pa naman totoo. Ayaw ko mag-isip ng kung ano kagaya ng pagseselos ko sa kanyang step-sister.

I sigh before I look at my bedside table. My eyes caught my cell phone, laying there silently.

Umupo ako sa aking kama at lumapit sa bedside table ko para tignan ang aking cellphone. 

Is he still awake this night? Huminga ako ng malalim nang nakapag desisyon na i-message siya sa messenger. Nagbabakasakali na hindi pa siya tulog at makapag-reply pa siya sa mga tanong ko, kung gagawin niya. 

Kinuha ko sa drawer ang postcard at inopen ang lampshade na nasa bedside table ko bago pinicturan ito. I instantly opened my wifi at dumiretso sa messenger. 

Nasa unahan kaagad ang kanyang pangalan. Wala naman akong ibang ka-chat kundi siya. Nakita ko rin ang recent calls namin noong gabi ng birthday ko at hindi mapigilan na madismaya sa nangyari sa amin ngayon.

I sigh heavily as I typed a message for him. 

Angela Kristle Lopez

good evening, sa ‘yo ba ‘to? 

I sent the photo under the message I sent. 

Hindi siya nag-reply ngunit nakita kong ang bilog sa gilid ng aking mga messages ay nalagyan ng shade. Pinapakita roon na na-recieve niya ang message pero hindi niya binuksan kaya sa pag-aakala na online pa siya ay tinadtad ko siya ng messages. 

Angela Kristle Lopez

Angelus, is this yours? Binigay sa akin ng mga kaibigan ko, na-drop mo daw

Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓Where stories live. Discover now