Chapter 30

34 2 0
                                    


Chapter 30 : Postcard

Nang dumating ang Sabado ay umalis si Papa ngunit hindi mo alam kung saan. Tinanong ko si Mama tungkol sa pag-alis ni Papa pero sinabi niyang may bibilhin lang daw sa palengke. Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya dahil sa oras na ito ay mainit sa labas, hindi mahilig si Papa na mamalengke kapag mainit ang panahon.

Napanguso ako. Nang dumating ang Linggo ay nagising ako sa isang balita na nagpa-mulat kaagad sa aking mga mata. 

Umagang-umaga ramdam ko ang panghihina ko sa aking katawan nang marinig ang sinabi ni Mama. 

“Anak, Inalis namin si Mr. Villorejo sa trabaho.” My mother delivered the news first thing in the morning. Hindi ko alam kung bakit umagang-umaga pa nila ibabalita sa akin ito?

It will surely make my day twisted. 

I blinked my eyes. “Ma, umaga pa. Hindi ako sanay na nagbibiro ka.” I said while slightly pouting. Not believing a word she said. 

Nasa higaan pa ako at hindi pa ako nakapag-tooth brush at hilamos pero naririnig ko na kaagad ang balitang ito? 

I saw how my mother made a little effort to smile at me. “Seryoso ako, ‘nak..” 

Kumunot ang noo ko at umiling ako. “Hindi, nagbibiro ka lang, 'ma...diba sinabi mo magaling si Angelu—Mr. Angelus sa trabaho niya, kaya bakit?” 

Napalunok siya at huminga ng malalim. Iniwas ang tingin sa akin. “Your father observed that you're getting good at Gen Math at halos gamay mo na sila. So, what's the use of tutoring lessons if alam mo na lahat diba?” She asked me, giving me a tight smile, as if persuading me to believe her.

Napanguso na lang ako nang maramdaman na naniniwala sa kanyang sinabi.

“P-Pero, ma..” 

“Anak..”

Napanguso ako at napalunok. “Ma, naman...dapat sinabi niyo muna sa akin na paalisin niya si Mr. Villorejo sa trabaho, how are you sure that I learned all the lessons already?” sabi ko sa mahinang boses. 

Naramdaman ko ang pagkadismaya ko sa narinig. 

Bakit agad-agad? Hindi man lang ako nila tinanong ang opinyon ko tungkol roon. 

Bumuntong hininga si Mama. Her hands drifted to my shoulder and I slowly looked at her, she had these dimmed eyes as she wondered her eyes on my face. 

“You like him..” She murmured. 

Napaawang ang mga labi ko ngunit sinarado ko rin naman nang may kaunting napagtanto.

 “S-Sinabi ba sa iyo ni Papa, ‘ma?” 

She smiled again, her lips smiled but her eyes did not. “H-Hindi, alam ko na noon pa...hindi ko lang sinabi sa papa mo.” 

Nagbabaga ako ng tingin. “Si Papa ba ang nagsabi na paalisin siya, Mama?” 

Umiling siya at suminghap. “No, anak. Desisyon naming dalawa iyon ng papa mo.” 

Napalunok ako at nagluluhang napatingin kay Mama. “Pinaalis niyo ba siya, ‘ma dahil nagustuhan ko siya?” 

Kaagad na umiling si Mama bago bahagyang lumapit sa akin. Before she cuffed my face and intently looked at my eyes. “No, no anak..hindi mo pa maintindihan.” 

Napaawang ang labi mo at naramdaman ko na bumabasa na ang aking mga mata. I could feel the lump on my throat. 

“A-Ang alin, ‘ma?” 

Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓Where stories live. Discover now