Chapter 7

41 4 0
                                    

Chapter 7 : Thank you

Sa mga nagdaang araw bago ang exam ay napansin ko na sobrang busy nga ng mga STEM student kaya hindi na ako nag-isip na puntahan ‘yung lalaking ‘yon sa room nila para ayain kumain, para makapag-thank you ako ng maayos sa kanya.

Exam day and I guess I was slightly prepared. Nag-pray muna ako sa bahay bago ako pumasok ng school. I saw my friends sitting on the usual bench kung saan ko sila nakita noon. May mga hawak silang reviewer at mukhang nag-mememorize sila.

Lumapit ako sa kanila at siguro hindi nila napansin ang presensya ko dahil busy sila kaka-recite ng mga keywords nila.

“Hi, anong sub, nirereview niyo?” I asked them at nilapag ang bag sa libre na pwesto. Magkatabi kasi sila Lyka at Judy kaya empty ang bench na kaharap nila.

Parang naiiyak si Lyka na sumagot sa akin. “EAPP, Angela! Napapagod na ‘ko! Baka hindi na naman ito lalabas sa exam natin! Baka papasulatin tayo ng Concept paper kesa mag exam!” Bahagyang iyak niya at inihulog ang ulo sa likod ni Judy.

Kumunot ang noo ni Judy at mukhang nagkakaproblema din, mangiyak-ngiyak din na tumingin sa akin si Judy. “Sa Kompil Angela, napapagod na ‘ko kaka-review, hindi ko pa rin gets.”

Napangiwi ako sa kanilang sinabi.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nang napagtanto na kung noon ay namomoblema ako sa exam namin sa 1st prelim sa Stats and prob ngayon ay parang guminhawa ang dibdib ko. Wala na akong masyadong inaalala.

The days flies so fast at last day na nang exam namin. Nasa last period na kami ngayon ng friday at ang e-examin na lang namin ay ang P.E. Mabuti na lang nasagutan ko ng maayos ang aking modyul at naging madali lang sa akin ang exam sa P.E. Nang nag-deklara si Sir na ipasa na ang sinagutan namin ay kaagad akong tumayo at pinasa sa kanya.

Pagkatapos ay nagpaalam ako sa aking mga kaibigan na may pupuntahan muna ako sa second floor. Nagtaka sila pero nagrason na lang ako. Hindi ko alam ano ang rason kung bakit  sa ibang tao'y hindi naman ako nag-sisinungaling pero sa mga kaibigan ko ay nakakapagsinungaling ako. Siguro..I just don't want them to tease me?

Nang umakyat ako ay nasiguro ko na nasa room ang mga STEM Student ngayon. Kaya tahimik akong nagpunta sa gilid ng bintana nila at bahagyang dumungaw.

Mukhang nag-eexam pa sila. I searched for someone and I instantly saw him sa pinaka-gilid na side ng room. Mukhang tapos na siya sa kanyang exam dahil pinaglalaruan niya na lang ang kanyang ballpen.

Ang malapit sa bintana na kinatatayuan ko na estudyante ay tulog kaya hindi niya ako napansin na nakatayo ako roon. Ang iba naman ay busy sa kakasagot ng kanilang test papers. But my eyes remained on the guy who's playing with his ballpen and before I got to tore my eyes from him ay bigla siyang napatingin sa aking pwesto. Halos tumalon ako sa gulat dahil roon.

I blinked twice bago ako ngumiti sa kanya at bahagyang kumaway. Blanko ang tingin niya nang makita ko siya pero nang makita niya ako ay bahagyang kumunot ang noo niya siguro nagtataka kung bakit ako naroon.

I smiled because I saw some emotion danced in his eyes. Noon ay blanko ang tingin niya ngayon ay parang nasasaya ako sa pagpakita niya ng kaunting emosyon sa akin. He looks confused.

Nag-senyas ako sa kanya na kumakain at tinuro ang gilid ko before I mouthed.

“Hintayin kita sa labas.”

His thick brows just meet na parang hindi maintindihan ang sinasabi ko. Ngumuso ako at mas lalong inigihan ang pag-sasalita ko nang walang tunog.“Hintayin kita sa labas.”

He stopped furrowing his brows na para bang pinapuzzle ang sinabi ko and minutes later feeling ko ay nagets niya naman ang sinabi ko pero bago pa siya tumingin sa akin ay nagsalita ang kanilang teacher.

Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓Where stories live. Discover now