Chapter 29

35 2 0
                                    


Chapter 29 : Mrs. Lopez

Tumagal ang usapan namin. It was almost eleven when we finished talking and after I ended the call ay nakatulog kaagad ako. 

When the morning came, a knock on my door woke me up from the oblivion

“Ano ‘yun?” I said slowly.

“Lumabas ka nak..” 

“Bakit ma?” Mahinang usal ko at dahan-dahan na napaupo sa aking kama. Tumayo kaagad ako at dahan-dahan na nagpunta sa pintuan.

“May regalo ako sa ‘yo!” 

Kumunot ang noo ko at binuksan ang aking pintuan. Nang mabuksan ko iyon ay nagulat ako nang makita ko si Papa na may malaking ngiti sa kanyang mukha.

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking mga labi. May isang luhang lumabas sa aking mga mata nang makita ang malawak na ngiti ni Papa. 

“Papa! Umuwi ka!” I instantly hugged him. 

My father laughed. “Of course, anak. Pasensya na anak, kung na delay ha? Ngayong araw ako nakauwi na dapat kahapon pa!.” 

“Papa naman, okay lang. Napagod ka ba sa byahe pa? Nakakapagod kaya mag-biyahe kapag nag-iisa ka lang sa sinasakyan mo!” I pouted. 

He smiled before I felt him pat my head. “Gagawin ko lahat para sa‘yo ‘nak..” He said gently and I could not help but to shed a tear. 

This is the most special gift I received this year for my birthday.

“Kumain na tayo! Gutom na iyang si Papa mo anak, maya na iyang lambing na yan!” Narinig kong boses ni Mama na nakangiting nakatingin sa amin.

I pouted at napatingin kay Papa. “Nakakagulat ka talaga pa! Wala pa akong ligo ‘no!” I said, pouting. 

He just chuckled and messed my hair with his hands. 

“Tara na sa hapag kumain na kayo, para makapag pahinga na si Papa mo.” 

“Ikaw ba ang susundo sa akin mamayang hapon, pa?” Tanong ko nang nasa hapag na kami kumakain. Napapansin ko ang malalim na eye bags sa mga mata ni Papa habang kumakain siya. 

“Pwede naman hindi na..” I murmured after noticing the bags under his eyes.

“Ako ang susundo sa iyo ‘nak, matutulog at magpapahinga lang ako sa ngayon. Pagkatapos kumain.” He informed and I smiled. 

Pagkatapos naming kumain ay nag-ayos na kaagad ako ng aking uniporme. I was brushing my hair when I went out of the room but before I could step my foot down on the stairs, indistinct voices caught my sense of hearing and I instantly stopped on my tracks. 

“Hindi mo naman kasi sinabi sa akin ang apelyido ng naging nobyo ni Lily kaya hindi na ako nakapaghanda!” 

“Sinabi ko naman sayo diba na maghanap ka ng mas matanda sa ating anak para maging tutor? Pero Villorejo pa?!”

“Matanda naman iyong tutor niya! 2years ang tanda sa kanya! And he's professional! He would not do that!” 

“Hindi natin alam ang isip ng nila Anna! Kaya dapat ngayon, paalisin mo na siya para hindi mabingwit ang anak natin!” 

Nang nasa gitna ako nang pakikinig ay kaagad kong napagtanto na parang ako ang pinag-uusapan nila at si Angelus. 

I pursed my lips. Anong pinag-uusapan nila?

I have the urge to go to their room to ask my parents what their arguments are about but I stopped myself before I get to do it. I respect their privacy. Siguro meron lang silang hindi pagkakaintindihan. 

Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon