Chapter 37

29 2 0
                                    


Chapter 37 : Drunk

Kahit nakarating na ako sa bahay ay hindi ko pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Sinabi ko na ang lahat sa kanya, lahat ng pinagdaanan ko. Siguro pwede naman niya siguro akong huwag nang pansinin diba? He wanted me to talk and I did. Siguro iyon lang ang gusto niya wala nang iba. Never minding the last moments he said he wants me back. Honestly, I can not force myself to trust him again..pagkatapos ng lahat. Hindi ko na alam.

“Anak, kumusta iyong under construction na gym sa inyo?” tanong ni Mama nang nasa hapag na kami. 

I blinked my eyes when I realized I spaced out a bit. 

“Ano p-po?” 

Tumaas ang kilay niya. “Bakit nakatulala ka na naman, may nangyari ba?” she asked. I glanced at me father who obviously threw me a glanced as he examined me. 

Sa loob ng mga taong nagdaan ay naging sensitive na sila Mama sa akin. Na kahit pagiging tulala ko ay isang clue na iyon sa kanila na may masamang nangyari at tama sila. Meron nakakapagpabagabag sa akin. 

“W-Wala..ah, mauuna na ako sa ibabaw. Mama, bukas na lang ako maghuhugas ng pinggan.” 

“Angela, anak. 'Wag ka munang umalis. Sagutin mo muna kami, may nangyari ba?” seryoso na tanong ni Papa sa akin nang ambang tatayo na ako. 

Napalunok ako. “Pa, bukas ko na lang sasabihin, pwede?” I murmured. 

He raised his brows and my mother's eyes slightly widened before she nodded slowly. 

“Alright, anak. Pero ‘wag siguraduhin mong wala akong maririnig na iyak mula sa kwarto mo, maliwanag?” 

I instantly nodded para pumayag na sila. Kaagad akong nagpunta ng kwarto ko at ini-lock ito. Nagpunta ako sa wardrobe ko at binuksan iyon bago bumaba ang tingin ko sa carton sa ilalim ng mga bestida kong nakahanger. 

I crouched and reached for it. Nang makuha, umupo ako sa sahig at binuksan ito. Sumabog ang amoy na hilo at kaagad kong nakita ang pamilyar na jacket. 

Ang mga gamit na nasa loob ay puro galing sa kanya, na ang ilan ay hindi ko pa nababalik. Kagaya na lang ng jacket niya and it's about time, I'll give it to him. Hindi pwedeng nasa puder ko 'to habang buhay. 

I sigh. 

“Why did you turn out to be just like my friends, Angelus?” I murmured as I slightly caressed the jacket. 

“I could have love you more..” I uttered silently. 

Naputol ang iilan ko pang sasabihin nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko bago napatingin sa ibabaw ng aking orasan. 

It's 8:34, sino kaya ang tumatawag? 

Dahan-dahan akong tumayo mula sa sahig at kinuha ang phone ko sa bedside table. The caller ID revealed a unknown number. 

Tinignan ko iyon mabuti. Pinag-iisipan kung sasagutin ko ba ito. However, I kind of remember this number last year. Tumawag din ito sa akin noon, sinagot ko, nagsalita ako, ngunit hindi nagsalita sa kabilang linya. Bahagyang kinabahan ako roon baka isang scammer or predators ang nasa kabilang linya.

Should I answer this or no? 

Tinignan ko ng maigi ulit ang pag-ring ng phone at nang nakapag-isip isip ay sinagot ko iyon. Knowing that maybe, hindi talaga ito scammer. 

“Hello..” Paunahing sinabi ko. Narinig ko kaagad sa kabilang linya ang naghahalong mga tunog. May kumakanta, may sumisigaw, may umiiyak at iba pa.

Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓Where stories live. Discover now