Chapter 28- His side..

Start from the beginning
                                    

"Lachlan!!! Bring her! We need to know her!!" dinig ko pang sigaw ni Tita Inday pero hindi na ako nag-abala pang lumingon.

JANJIE KANE SOCRATES POV

Ng nailabas/ nailuha ko na yata lahat ng luha ko ay nagdesisyon akong bumalik na sa cottage namin. Kukunin ko na mga gamit ko at magco-commute na pauwi.

"Hoy te! Bakit sambakol yang mukha mo?? Kinagat ka ba ng alimango sa daan?" salubong sa akin ni Allan.

Ang mga barkada naman ni Chua ay kumakain na ng barbeque kasama sila Ulo at Budah. Si Maitta at Red ay hindi ko makita kung asan sila.

"Mag-istay ka pa ba dito?" walang ganang tanong ko.

"Aba! Syempre no? Hindi pa nga ako nakakapag-saimming." -Allan.

"Where is Maitta? Siya nalang ang yayayain kong uuwi." ako habang inaayos ko ang mga gamit ko.

"Hey! What's happening? Nag-away kayo? Tara! Ako nalang sasama sayo. May family reunion kasi kami at kailangan kong umattend." singit ni Relk.

"Talaga?? O sige. Sayo nalang ako sasabay." masayang pagpayag ko. "O kayo, pahatid nalang kayo sakanila mamaya. Uwing-uwi na kasi talaga ako. Sabihin mo nalang kay Maitta na nauna na ako" paalam ko kay Allan.

Hindi napansin na bihis na din pala talaga si Relk. Dala-dala na niya ang bag niya.

"Tang-ina mo pre. Pag nalaman yan ni L na inuwi mo si Jake lagot ka!" Sigaw ni Davon ng naglalakad na kaming paalis.

Si Relk ay pansin ko na nung una na mabait sa akin. Lalo na nung about sa race. Sinabihan pa ako non na siya na daw.

At ngayon nga ay mukhang naiintindihan naman niya ako dahil hindi ako umiimik ay hindi siya nangungulit at nagtatanong kung ano bang problema ko or kung ano ba ang nangyari.

"Saan kita ihahatid? Hindi ko alam address ng bahay mo." Siya ng palabas na kami ng resort.

"Sa mall mo nalang ako ibaba. Doon nalang muna ako magpapalipas ng oras." sagot ko na hindi tumitingin sakanya.

"Hindi ko man alam kung ano ang nangyayari. Ito lang masasabi ko, always listen to his side. Dahil dyan kung minsan nasisira ang relasyon. Ang hindi pakikinig ng paliwanag ng nagkasala." siya na hindi din tumingin sakin at tutok lang sa pagda-drive.

Ang lalim pala ng isang to. Hindi nalang ako umimik. Sinusubukan kong intindihin ang sinabi niya.

E paano na yong galit ko? tsssss. >.

"Shit!" napatingin ako sakanya dahil napamura siya.

"Ba-bakit?? Anong nangyayari??" nag-aalalang tanong ko.

"Tumingin ka sa side mo!" pagtingin ko...

Ano na naman bang eksena ng lalaking to!? Hindi pa ako nakaka-get over sa mga narinig ko tapos eto nanaman siya!? Talaga yatang binibwisit niya ako ng todo! Badtrip!>.

Si Chua lang naman na panay ang busina sa amin. Akala mo ay naka-hit and run kami kaya kami hinahabol.

Pero mas lalo lang akong na-badtrip ng itigil ni Relk ang sasakyan. shit!

Magsasalita na sana ako ng bumaba na si Relk. Kaya naman bumaba na din ako. Kainis naman oh! Ano bang problema niya at tumigil siya?

Pagtingin ko kay Chua ay humahangos siyang lumapit kay Relk at.....

booooogsh!

booooogsh!

"Shit!Hoy! Ano ba!! Ano bang problema mo!? Shit ka!!" tulak ko kay Chua dahil bigla nalang niyang sinuntok si Relk. Napahiga tuloy siya.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now