"Dalhin mo ako kay Mommy" wika nya dito.


"I will. Pero gusto kong pakalmahin mo muna ang sarili mo. Are you even aware of what you're doing?" Tanong nito sa kanya na ikinagulo nya "Amaris nagising ang kakayahan mo bilang isang Barize. At dahil doon, naaapektuhan ang mga tao sa paligid mo sa mga emosyon mo. You're unconsciously releasing a dominant aura that's making them submit. Lahat ng mas mahina sayo ay mawawalan ng lakas at mapapaluhod. "

She showed no reaction at what he said. Wala syang pake alam sa mga sinasabi nito. Gusto nyang makita ang mommy nya.

"You're very dominant right now. Because of your emotions, hindi mo makontrol ang aura mo. Pati ako naaapektuhan pero hindi gaano dahil sa level ng kakayahan ko but I want you to calm down even just a bit. " Dagdag na wika nito.

"Kung gusto mong kumalma ako, dalhin mo ako kay Mommy" wala syang pake alam sa nangyayari sa kanya. She needs to see her mom right now.

Sinundan nya si Theron nang dalhin sya nito sa kinaroroonan ng kanyang ina.

Tumigil sila sa tapat ng isang malaking pinto. Napansin nyang medyo nag aalangan pa si Theron ngunit sa huli ay binuksan rin nito ang pinto matapos humugot ng malalim na hininga.

But what she saw after he opened the door made her blood boil. Iilan lang ang tao sa loob ng malawak na silid na yon ngunit agad nyang nasabi kung sino ang mga taong yon.

"What the fck do they think they're doing?" Mahina ngunit may bahid ng galit ang tono ng kanyang boses.


Napalingon ang lahat nang marinig a g boses nya.

"Amaris please calm down..." Paki usap ni Theron "They are our family..."

"Family?" Mahina at walang buhay syang tumawa "Si mommy lang ang pamilya ko. At ako lang din ang naging pamilya ni mommy ng ilang taon. Kaya anong pamilya ang sinasabi mo? Kung hindi sila aalis within ten seconds, papatayin ko silang lahat."

Agad na tumingin si Theron sa mga tao sa loob at sinenyasan ang mga to. It didn't even took five seconds to clear the room. Dumaan sila sa ibang pinto at hindi sa kinatatayuan nya.

Dahan dahan syang naglakad papunta sa lugar kung saan nakahimlay ang kanyang ina. Napapalibutan ito ng mga mgagandang bulaklak. The place is decorated grandly. Pero anong silbi pa non?

Nang makita nya ang kabuuan ng ina, isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

"Sabi sayo mommy.....bagay sayo ang red dress......" Wika nya dito habang pinagmamasdan ang napakagandang ina na parang natutulog lang. "You're the perfect definition of sleeping beauty momma....."hinaplos nya ang mga kumikinang na dyamante sa leeg nito.....

Akala nya iiyak pa sya, na baka may luha pang lalabas sa kanyang mga mata. Ngunit habang nakatingin sa walang buhay na katawan ng nanay nya, ni isang butil walang tumulo.

Maybe because she's emotionally tired? Or maybe because she feels empty. Na naging manhid na sya sa lahat ng sakit na naramdaman. Napapatulala nalang sya. Pakiramdaman nya may malaking parte sa puso at pagkatao nya ang nawala. Buong buhay nya ang kanyang ina lang ang meron sya, ngayong wala na ang nanay nya ano na ba ang dapat nyang gawin. She's just lost......

"Amaris...."hinagod ni Theron ang likod nya "you'll be fine. Nandito kami para sayo....."

Umupo sya sa tabi ng kabaong ng ina at pinagmasdan ito tulad ng ginagawa kanina.

"Si mommy lang ang meron....."mahinang sambit nya "Now she's gone......."

Lumuhod sa harap nya si Theron at hinawakan ang mga kamay nya "Wag mong sabihin yan. You have us..."

Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now