Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko. nahiya naman ako bigla sa ginagawa ko.

"are you checking me out?" nakangising sabi niya.

Tuluyan na kong lumabas ng kitchen at naglakad papalapit sa kanya.

"what if yes? Anong gagawin mo?"

bigla naman siyang ngumiti at tumayo.

"do you like what you see?" sabi niya at umikot pa.

"hmmp" pag-iisip ko kunware. "parang pumayat ka, tapos ang haggard ng itsura mo, natutulog ka pa ba? Ang putla mo pa, lalo ka tuloy pumanget" syempre joke lang lahat nun.

"Ah ganun" sabi niya sabay lapit sakin. Napaatras naman ako.

"Dyan ka lang" sabi ko sabay harang ko sa kanya ng kamay ko. baka paglumapit pa siya sa iba pa mapunta ang paguusap namin."amoy ospital ka pa. ewwww"

Ngumisi naman siya at hinawakan ang kamay ko. next thing I know, nahila na niya ko at nakayakap na siya sakin.

"God I miss you" sabi niya

napangiti naman ako.

Baka may pag-asa kami.

"bakit kasi di mo ko tinatawagan o kaya pinupuntahan kung namimiss mo ko" sabi ko

"after what you said sa airport, baka ireject mo lang ako pag ginawa ko yun" sabi niya at lalo pang hinigpitan ang yakap sakin.

Wala naman na kong balak pang Makita ka Nav, kundi lang dahil sa baby ko at pamimilit ng mga kaibigan ko.

pinilit kong kumawala sa kanya at hinawakan ang braso niya.

"hindi pala kita kayang tiisin eh" nakangiting sabi ko at sinuklian naman niya yun ng isa ding matamis na ngiti.

Nakatingin lang siya sa mata ko, tapos sa ilong, umabot pa sa labi. sa kaba ko bigla kong nabitawan ang pagkakahawak ko sa kanya. bumababa ang tinginn niya sa dibdib ko. aba ito na naman siya ah!

May hinawakan siya, sa may leeg ko. agad ko tuloy nahawakan ang bagay na hinahawakan din niya.

"suot mo pala. Nagustuhan mo ba?"

"Hmmmmp"

"buti naman, nahirapan akong bilhan yan ng di mo napapansin"

ngumiti naman ako bilang tugon. Heart shaped gold necklace kasi yung hinawakan niya. His gift to me nung birthday ko. akala ko nakalimutan niya. Nagulat na lang ako na may isang box na hindi pamilyar ang nakaalagay sa bag ko. ng buksan ko to isang necklace ang nakalagay at may note na kasama.

To: Mie

Happy Birthday! I will miss you. Let's stay friends. Take care of my heart.

Fr: Nie

Hindi ko nagawang magtext o kontakin siya dahil once ginawa ko yun bibigay ako. Kaya isinuot ko nalang ito. Hindi ko na to tinanggal simula nung birthday ko.

Aatras na sana ako ng higitin niya ako at biglang halikan.

Waaah! Ito na naman ang nakakapanghinang mga halik niya. Wala akong nagawa kundi tugunan din ito.

Hanggang sa lumalim ng lumalim. God I miss him too.

Pusang gala naman oh! Paano kami maguusap kung ganito ang ginagawa niya?

Bigla ko nalang naramdaman ang pader na dumikit sa likod ko. tumigil siya sandali at tinignan ako. Pareho kaming habol sa paghinga. Ngumiti siya sakin at napansin ko nalang nakangiti rin ako.

TING

Isang malakas na tunog ang naka-agaw ng pansin ko. bigla kong naalala yung pinainit kong pagkain.

Tsss! Armie talaga oh! Inuuna kasi ang dessert eh.

"dun na lang tayo kumain" turo ko sa table na katapat ng sofa at biglang umalis sa pagkakakulong ko sa bisig niya. "or gusto mo sa may kitchen?" tanong ko.

"Sala or kitchen?"

sinilip naman niya ang kitchen na nasa kanan ko. grabe naman yan oh! Nakarating kami sa pwestong to ng di ko namamalayan. Patunay ng epekto ng halik niya.

"sa kitchen nalang, para mas malapit" sabi niya at nauna ng pumasok doon.

Inilabas na niya sa microwave yung ulam at iniayos ko naman ang mga pinggan.

Kumuha ako ng baso at Kinuha na rin niya ang bowl para lagyan ng kanin. Umupo na ko sa high chair at pinanood siya sa ginagawa niya. It all seems so natural. wala pa ring nagbago. Pero ang totoo meron, after 3 years ng mawala ako, ikakasal na siya. After Ilocos I got pregnant. Ang dame ng nagbago.

"what are you thinking?" tanong niya habang tinitignan kung wala na bang kulang sa mga nasa lamesa.

"you" nakangiting sabi ko.

"andito na nga ko sa harap mo, ako pa rin ang iniisip mo?ang gwapo ko talaga"

"kapal"

"sabihin mong di totoo"

"di totoo"

tinaasan niya ko ng kilay.

Oh My I miss those eye brows.

ngumiti na lang ako. "gutom lang yan. Kumain na tayo." Sabi ko.

"Ahay! Idedeny pa." hirit niya tapos umupo na rin sa harap ko.

nagkwentuhan kami habang kumain, work niya, mga ginawa ko this past days. Hindi na nga namin namalayan ang oras eh.

"are you alone?" tanong niya.

"not anymore" nakangiting sagot ko. "I don't know what time uuwe si Diane, and if uuwe pa siya. Ang sabi ko itext niya nalang ako."

"so its just the two of us?" nakahulugan niyang tanong.

Lechugas talaga tong si Nav kahit kelan.

"yap! And we need to talk"

"now?"

"yes now! Leave all the dishes at the sink. Ako na maghuhugas mamaya?" Sabi ko

"at talagang ako pa ang pagaayusin mo? Ganito ba ang pagtrato sa bisita."

Ngumiti ako ng matamis "syempre special ka kaya ganyan."

Magrereklamo na sana siya pero pumasok na ko sa banyo na katapat lang din ng kusina.

Humarap ako sa salamin at naghilamos ng mukha. Huminga ng malalim at kinausap ang sarili.

"this is it" kinakabhan ako sa magiging pag-uusap namin. Ano kayang kahihinatnan nito? Malalaman natin mamaya.

REBEL DesireWhere stories live. Discover now