Chapter 58

1K 16 0
                                    

ARMIE POV

Hindi makokompleto ang bakasyon ng walang mga pasalubong. Kaya naman nagpahatid kami ni Nav sa bukas pang store dito.

Marame ulit akong nabili sa pagtitingin ko. Mostly pagkain.

Bumili na rin ako ng damet na maisusuot ko para mamaya, wala akong balak na umuwe na ito ang suot ko. Magcecelebrate pa kami ng birthday ko.

sana magkasya lahat ng ito sa bagahe ko. Ayokong mag excess baggage.

madilim na ng matapos kami ni Nav sa pamimili umabot din kami ng mahigit isang oras.

Agad kaming nagpahatid kay kuya sa hotel para makapag-ayos na.

"thank you kuya" sabi ko at kumaway.

"kapagod" sabi ko kay Nav habang umaakyat kami papunta sa room namin.

Siya na ang nagbitbit ng mga pinamili namin kaya naman ako na ang nagbukas ng pinto.

Pagkakitang pagkakita ko ng kama ay gusto kong mahiga na lang. ngayon naramdaman ko na ang pagod.

"gusto mo ba munang magpahinga?" tanong niya.

Umiling nalang ako. Mag-aayos pa kasi ako ng gamet. Di ko nga alam kung paano to magkakasyas sa maleta ko.

Umupo ako sandali sa kama, ngunit walang pang isang minute ay humiga na ko at ipinikit ang mata.

Ang galing lang Armie sabi mo ayaw mong magpahinga muna at marame ka pang aayusin e anong ginagawa mo?

After 15 minutes ay binuksan ko ulit ang mata ko at nakitang nagbibihis si Nav.

Bumangon ako at nagsimula ng pag-iimpake ng aking mga gamit, natutuwa ako dahil sa dami ng pasalubong ko. sigurado akong matutuwa sila Cass dito. Pati na rin si Mama sa pasalubong ko. sana hindi na siya magtampo sakin.

Habang nag-aayos ay napatingin ako kay Nav na nagsimula na ring magayos ng mga gamit, pero di tulad ko ang konti lang ng pasalubong na dala niya.

"bakit ang konti ng binili mo?" tanong ko

"konti lang din naman ang pagbibigyan ko. at tsaka konti lang naman ang nakakaalam na nag-ilocos ako"

"diba alam ni Air?" tanong ko.

"hmmmp"

"edi malalaman yun ng mga katrabaho mo, sa daldal ba naman nun" natatawa kong sabi.

Sa tagal ng nakasama ko si Air alam kong madaldal ang mokong na yun. Hanep din mang-asar yun eh.

"sinabi mo pa pero okay lang. hindi na rin naman kasi kasya sa bagahe ko" sagot niya

tinignan ko naman ang maleta niya. Ang dame kasi niyang dalang gamet eh, tapos hindi naman niya nagamit lahat ng iyon.

Tss!Ang arte pa rin talaga niya.

Habang nag-aayos ng gamet ay nakita ko ang boteng pinaglalagyan ng rose petals ko, napangiti na naman ako.

Bago pala kami umalis ng Pagudpud kanina ay ibinigay ko kay ateng nagtitinda ang mga lobo ko, sa tuwa niya hindi na niya pinabayad pa yung 20 pesos na balance ko. O diba nakadiscount pa, nagtampo pa nga tong si Nav dahil pinamimigay ko daw ang bigay niya.

Takte siya, gusto pa atang tanggalan ko ng hangin o putukin isa isa ang mga lobo niya at itago ang mga yun. Tss!

Okay na sakin si Mr ted at itong rose petals. Dito pa lang bawi na. May mga kuha na rin naman ako sa nga lobo niya.

Badtrip tuloy siya buong trip kanina dahil dun isama mo pa yung napilit ko siya sa pagtour sa Laoag. Pero ganun talaga! Ang maganda ang nasusunod.

Habang nagliligpit ako ng gamit ay nakita ko ang dalawang tabacco na binili ko sa Vigan. Hindi na namin nagawang sindihan kaya naman ibinigay ko ang isa sa kanya.

"aanhin ko to?" tanong niya

"kakainin" isnab na sabi ko. tinaasan naman niya ko ng kilay.

"malamang sisindihan pero kung ayaw mo, edi souvenir na lang."

"ang baho kaya nito. Didikit sa mga damet ko"

"hanggang ngayon maarte pa rin?"

"kung gusto mo sayo na lang yan" sabi nya sabay abot ulit sakin.

"kaw na nga binibigyan ng remembrance ayaw mo pa."

"ano ba naman kasi naisip mo at bumili ka nito?"

"diba sabi ko naman sayo itatry natin yan ang kaso nakalimutan ko, tapos wala na tayong oras kaya naman itago mo na lang yan" sabi ko

"ayoko nga" tanggi niya

"pag di mo yan tinaggap ngayon din sisindihan natin yan. Anong gusto mo mag yosi tayo dito o itatago mo na lang yan bilang rememberance?"

nakita ko ang pagbuntong hininga niya bago kinuha ito.

"aarte pa kasi" bulong ko.

kumuha siya ng plastic at maingat na ibinalot iyon dun. hays! Mabuti pang ganun din ang gawin ko sakin at baka mangamoy ng sobra ang maleta ko.

bawal kaya to sa airport? Hindi naman siguro.

Matapos kong balutin iyon ay nagtuloy na naman kami sa pag-aayos ng mga gamit namin.

Punong-puno na ang maleta ko ng matapos ako. Andame ko rin pa lang pasalubong na nabili. Kanina ay bumili ako ng banig na shoulder bag na panregalo ko kay Mama, dahil hindi na magkasya ang iba kong mga dala ay ginamit ko na ito para lagayan ng gamit.

Bibitbitin ko na rin lang si Mr Ted.

Inihanda ko na ang toiletries na gagamitin ko, mamaya ko na lang ito isisiksik sa mga gamit ko pag paalis na talaga kami.

Hinayaan ko si Nav na ayusin ang kama at nagdiretso na ko sa banyo.

Syempre maaga pa, lilibot muna kami bago tuluyang umuwe.

Aja!

REBEL DesireWhere stories live. Discover now