Chapter 32

1.2K 11 0
                                    

NAVI POV

"Asawa" sabi ni Mie.

Naubo naman ang MC, Pati ako muntik na ring maubo sa sinabi niya.

"bakit di mo sinabi agad?" tanong niya.

"ayaw kasi kitang masaktan" walang kagana-ganang sagot niya.

"bitch" sabi nung MC

ngumiti lang si Mie at tinapik tapik ng daliri niya ang pisngi niya.

Natawa na tuloy ako ng malakas. Pinapakita nito ang sing sing na suot niya sa pamamagitan ng pag-tap sa pisngi niya.

"ang sama mo teh" sabi nung MC, pero bakas na ang pagkamangha sa boses nito.

"I know." Nakangiti niyang sabi.

"buti natatagalan mo to?" tanong sakin ng MC sabay turo kay Mie.

"No choice eh." Sabi ko

"nakatali na" sabay pakita ko din ng sing sing ko.

Rinig kong nagtawanan ang mga tao.

"gaano katagal na kayong kasal?" tanong ng MC kay Mie.

"nung Thursday lang" sagot ni Mie.

Napapangiti ako. Akala mo totoo ang sinasabi niya. Hindi mo mababakasan ng pagsisinungaling ang sinasabi niya. Natural lang. Dapat talaga sa kanya mag lawyer kayang magsinungaling eh.

"on honeymoon pala kayo." Sabi nung MC.

"oo" sagot naman ni Mie.

"malay mo dito sa Pagudpud mabuo ang baby niyo." Sabi nito.

"sana nga." Sabi ni Mie

"pagsisikapan namin" dagdag pa niya.

Natatawa ako, ang sarap totohanin ng sinabi niya.

"oh simulan mo ng kumanta para maka-exit na kayo at makabuo na." namula naman bigla si Mie sa sinabing iyon ng MC.

Hahahaha.

Siya ang nagsimula nito tapos siya ang mahihiya.

"anong song ateng?" tanong sa kanya.

"kakanta talaga ako?" tanong niya.

"hindi ba pwedeng umexit na kami ng asawa ko?"

"excited lang?" natatawang sabi sa kanya.

"kahit isang song lang. dedicated to your yummy husband" sabay tingin pa nito sakin.

"Baka pwedeng pa-touch naman. Kahit sa abs lang." hirit nito.

"i-take home mo pa kung gusto mo" sagot ni Mie.

Loko talaga tong babaeng to. Pinamimigay na ko eh kakakasal lang namin.

"pwede?" kumikinang na ang matang tanong niya kay Mie

"oo naman, kung sasama siya" turo sakin ni Mie.

"ay pogi. Sasama ka ba? Pinapahiram ka ng asawa mo oh"

nagthumbs up naman ako. Makiride lang sa trip nung dalawa.

nagsitawanan naman ang mga tao.

"Ay pumayag si yummy husband. Walang bawian ha?" sabi nito sa asawa ko. feeling lang. hehehe

"Sige 10,000 na lang may discount na yun. panalo ka na. maganda katawan niya." Sabi ni Mie na nagpatawa sa mga audience.

At binubugaw talaga ako nitong wife ko ah.

REBEL DesireWhere stories live. Discover now