Chapter 55

1.3K 20 0
                                    

NAVI POV

Nang marating namin ang lugar na tinutukoy ni manong ay pinasadahan ko ng tingin ang lugar. Okay naman siguro ang gagawin namin.

Tinuruan muna kami ng tamang paggamit ng board. dahil natry na namin kahapon ang surfing ay madali na lang ito para samin. Gaya kahapon ay sabay kami ni Mie sumakay at nagsagwan.

"it's kinda boring" komento ko nung medyo nakalayo na kami. parang wala lang kasi, ang kalma ng tubig tapos nagsasagwan lang. isama mo pa ang sikat ng araw. Hindi talaga masaya.

"then let's make it more exciting" ngisi niya.

"I don't think-wooooh Mie" saway ko. tinulak niya ang sinasakyan ko gamit ng pansagwan niya.

"Mie alam mong delikado to" saway ko

"sabi mo boring diba. edi gawin nga nating exciting" sabi niya at unulit ulit ang pagtulak.

Medyo mas malakas ito compare kanina kaya naman nilugawan ko bigla ang base of support ko at pinilit lumalayo sa kanya.

"coward!" sigaw niya

"Mie kapag tayo nahulog sa ginagawa mo-"

"edi mahulog, marunong ka namang lumangoy diba" hinabol pa niya ko.

"ano ba Mie!" pigil ko sa pansagwan niya gamit din ang pansagwan ko ng makitang itutulak na naman niya ko.

"ito napaka-KJ mo, where's the fun kung ganyan ka. Gusto mo tulak mo din ako." Sabi niya.

Gusto ko sanang gawin pero knowing Mie, gaganti lang siya at worst baka mahulog kami pareho.

"kagagaling mo lang sa sakit,"sabi ko naman.

"KJ, korni, koward. KKK ka Nie"

"I don't care" isnab ko sa kanya.

"KKK, KJ, korni, koward. KKK, KJ, korni, koward. KKK, KJ, korni, koward." Ulit-ulit niyang sinasabi.

"KKK, KJ, korni, ko- Ahhhhhhh" gamit ang sagwan ay hinagisan ko siya ng tubig

"kadiri ka Nie, nainom ko! waaaahhhh"

tawa naman ako ng tawa sa reaksyon niya.

"Ahahahahahahah- Pwe!" bigla kasing may tubig na tumama sa labi ko ng tignan ko ang salarin, siya naman ang tawa ng tawa.

Hinagisan din ako ng tubig. Kadiri galing pa naman yun dito sa lawa.

"Ah ganun ah" sabi ko sabay sabog ulit ng tubig sa mukha niya, this time mas marame, bago pa siya makaganti ay nag sagwan na ko palayo sa kanya.

nang makarecover siya ay hinabol niya ko at patuloy na binabasa. Hindi rin naman ako nagpatalo dahil binabasa ko rin siya.

Ganun lang ang ginawa namin hanggang matapos ang oras namin sa board paddle. Mas okay na yun kesa naman magtulakan kami ng board, mas may tyansa pang mahulog kami. ito nga lang basa na naman kami.

"I had a lot of fun, boring pa rin ba?" tanong niya ng makaalis na kami.

"there won't be a boring time when you're around Armie" sabi ko na kinatawa naman niya.

Buti nalang at nagdala ako ng extra t-shirt kundi baka magkasakit na naman itong si Mie.

"Sabi ko naman sayo magdala ka ng damet diba?"

"wala na kong damet no. tignan mo nga tong suot ko. pasalubong ko dapat to kaso isinuot ko na. di na ko nakapaglaba kagabi kasi nga nagkasakit ako."

"tss! Kahit kalian ka talaga. O ito" sabay hagis sa kanya ng shirt ko.

"anong gagawin ko dito?" tanong niya

REBEL DesireWhere stories live. Discover now