Chapter 51

1.5K 18 0
                                    

DAY 5 Sunday

ARMIE POV

I woke up feeling light.

I moved my hands ng may maramdaman akong masakit.

I tried to open my eyes and the first thing I saw is my IV tubings.

Biglang nag flash back sakin ang mga nangyare kahapon. Halos mamula ang buong mukha ko at tumingin sa tabi ko. tulog pa pala ang may kasalanan ng sakit ng katawan ko ngayon.pero di ko mapigilang mapangiti dahil naalala ko ang sobrang pagaalala niya sakin kagabi.

Well nagkamali siya na isiping sasakit ang tyan ko kagabi dahil sa isaw na kinain ko, dahil mas lumala ang fever ko kagabi. Yun ang mishap na inatay namin pareho.

Hays! Buong bakasyon may ininda ako, buti nalang may personal doctor ako.

Waaaah! Naalala ko pala ang sinabi ni Nav kagabi, no more itineraries for today.

Hmmp! Hinawakan ko ang noo ko at pinakiramdaman ang sarili. I think I can manage today.

Napatingin ako sa wall clock na katapat ng pwesto ko ngaun. Meron pala yun, ngayon ko lang napansin. Tsk! It's quarter to 6am, ang tagal pala ng naitulog ko.

tinignan ko si Nav na mahimbing ang tulog. sa mga nakaraang araw na magkasama kami laging siya ang nauunang magising. Ngayon lang siya nahuli ng gising sakin.

"shit" nabulong ko pagkagalaw ko ng katawan ko, sabay tingin sa katabi.

Kung gising lang to nabatukan ko siguro siya. Ang sakit ng katawan ko eh. Lalo na dun! Nakakatakot tuloy umihe baka masakit.

No choice naman ako kesa dito ako sa kama umihi diba? that's gross, kaya pinilit kong tumayo.

Kinuha ko nalang ung swero na nakasabit at saka nagtuloy sa banyo.

"hays! Okay naman na kasi ako" bulong ko sa sarili.

ang hirap kasing umihi ng may hawak-hawak sa kamay tapos kailanagan pang itaas.

Pagkalabas ko ng banyo ay tulog pa rin siya. Inayos ko ulit ang swero ko at saka umupo sa kama.

Inilabas ko ang itinerary namin ngayong araw. Well konti na lang naman ito kayang kaya bago kami umuwe mamaya.

Iniisip ko kung paano namin imamanage yung time namin ng biglang may kamay na humila sa bewang ko kaya nakarating ako sa may gitna ng kama.

Tinignan ko ang salarin, ayun nakapikit pa rin pero naka side lying na siya. Sumandal ako sa tyan niya at pinagpatuloy ang pag-iisip. Samantalang siya ay nakatulog ulit at yakap yakap ang bewang ko.

Nagpatuloy ako sa pagiisip kung paano ko mapipilit si Nav na puntahan ang mga to at sabihing okay na ko. na kaya ko ng lumabas na wala na kong sakit.

Kahapon nagpabook na ko sa isang hotel sa Laoag para lang babaan ng mga gamit namin habang naglilibot kami sa buong lugar.

Ang sabi ko around 8 or 9 in the morning ang dating namin. Tinignan ko ang orasan pass 6 na.

tinignan ko ulit si Nav, payapa pa ring natutulog. Pagtingin ko sa table malapit sa kanya nakita ko ang ilang ampules ng paracetamol. Napailing na naman ako, wala talaga siyang tulog kung ganyang every 4 hours ay tinuturukan niya ko ng gamot.

Hinawakan ko ang mukha niya, bukas hindi ko na ulit to mahahawakan. Naiiyak tuloy ako bigla, kaya bago pa ko humagulgol dito at magising siya ay dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko at tsaka tumayo.

Kumuha ako ng bulak at tsaka tinanggal ang swero na nakakabit sakin.

okay na ko, hindi ko na kailangan ng IV meds. Tablets would do, yun na lang iinumin ko para hindi na bumalik ang lagnat ko.

REBEL DesireWhere stories live. Discover now