Chapter 13

1.7K 14 0
                                    

NAVI POV

Present time...

Nakita kong may inilabas siyang maliit na papel mula sa bag niya.

"Ano yan?" tanong ko.

"mapa dito. Tapos ito yung mga tourist spot oh."pakita niya sakin yung leaflet.

"dito muna tayo. Dapat lahat to puntahan natin ah." masayang masayang sabi siya at tinuturo ang magagandang tanawing makikita dito.

"okay sige. Saan tayo sasakay?" tanong ko.

"maglakad tayo hanggang dun sa kanto tapos trike. Or pag may dumaan dito, sakay na tayo." Sabi niya.

We're fortunate kasi may huminto sa harap namin na trike at nagtanong kung saan kami pupunta.

Sumakay kami at sinabi ang pupuntahan namin.

Ang ganda ng panahon. Mainit pero tama lang para makagala kami.

Mukhang okay na si Mie kasi di na siya maputla.

Pagkababa namin ng trike ay napamura ako "shit"

"bakit?" takang tanong ni Mie.

Ano ba naman to oh. Mukhang mamalasin na ang araw ko ah.

"yung wallet ko." Sabi ko.

"bakit? Nawawala?" tanong niya. At tinignan ang inupuan namin.

"naiwan ko ata sa room natin. Balikan natin." Sabi ko.

Hays na friday the 13th ata ako.

"wag na ako ng bahala" sabi niya sabay bayad sa trike. "halika na" aya niya at hinawakan na niya ang kamay ko.

"Mie balikan natin" pilit ko.

Hindi ako komportable na siya ang gagastos para samin. Okay pang KKB pero hindi yung siya ang magbabayad lahat.

"wag na. kasya na tong dala ko. Mostly ng pupuntahan natin ay free entrance naman eh, so no need to worry."

"pero kahit na. ayoko na-"

"wag ka ng magulo kundi iiwan kita jan. ano ngayon kung ako gagastos satin? Kung natatamaan ang ego mo, edi bayaran mo ko mamaya. Tss" sabi niya sabay pasok sa loob ng? ano ba to? Bahay na bato?

Tinignan ko siyang patuloy sa paglalakad.

Siya naman ngayon ang galit? Di lang kasi ako sanay na iba ang gumagastos sakin. Kung parents ko okay pa. Kaso hindi at ang malalala babae pa.

Hayaan na nga. Wala naman na kong magagawa.

"hoy! Antayin mo ko." Sigaw ko sa kanya.

Wala akong pera no, kaya dapat nasa tabi ko lang siya. Inakbayan ko siya ng maabutan ko.


First destination: Siquia Mansion

Isang malaking bahay. Mansyon nga kasi kaya maluwang din. Masasakop na ata niya ang buong block kung saan ito nakatayo.

Two-storey na bahay na bato at makalumang makaluma ang desenyo.

Kumuha muna kami ng mga pictures sa labas bago pumasok. Nagbayad kami ng tig-20 para malibot ang buong lugar.

Pagkapasok namin ay may nakita kaming sasakyan na nakaparada, sasakyan ito nung unang panahon.

Si Mie ay patuloy lang sa pagkuha ng pictures. Ito kasi ang pinakauna naming pinuntahan.

Meron kaming guide na nagsasalita tungkol sa history ng bahay. Nakikinig lang kami habang naglalakad.

Umakyat kami sa second floor.

REBEL DesireWhere stories live. Discover now