Chapter 24

1.2K 12 1
                                    

ARMIE POV

"Ang hirap palang sumakay dito." Sabi ko.

Ilang jeep na ang dumaan at punuan pa rin. Kahit mga bus ay punuan din. Ano bang meron sa araw na ito?

"Ang init." Reklamo ni Nav.

Nasabi ko bang ang gwapo niya sa suot niya. Very summer ang outfit. Bet na bet ko ang V-Neck white shirt niya partner sa khaki short at crocks niya. Gumanda na ang katawan niya ngayon. Hindi naman dati ganyan yan eh. Ngayon napaka firm na.

"Done checking me out?" rinig kong sabi niya.

Tsss! Line ko lang yun kahapon sa kanya ah.

"gwapo mo kasi eh" sabi ko sabay kindat.

Di ko alam kung dahil init o dahil sa sinabi ko kaya siya namumula. Mas lalo tuloy siyang cute tignan.

Ang cute lang kasi partner kami sa suot. Gaya-gaya daw kasi ako. Pero anong magagawa ko favorite color ko din ang white. Tsaka para terno kami, eiiii nagmumukhang couple shirt tuloy.

Valentines ngayon pero naka-white kami. Okay lang kasi same naman kami ng color eh, mas mainit kasi pag nakapula. Tsaka andito kami para mag adventure at hindi para magdate.

Ako rin ay naiinitan na rin pero wala naman kaming nagawa dahil bukod sa madalang ang sasakyan ay punuan pa.

Pinara ko yung jeep na paparating. Ngunit sumenyas yung driver na isa nalang ang masasakay niya. Pero pinara ko pa rin dahil wala ng choice.

"Mie isa nalang daw." Tutol ni Nav.

"tatagal tayo dito kapag di pa tayo nakaalis. Kanina pa puro punuan at least to may bakante. Malalate na tayo ng checking time. Actually late na tayo. " tinawagan ko na rin ung resort na malalate lang kami ng konti dahil hirap kaming makasakay.

"to be clear it's not my fault" sabi niya.

Hay naku! Alam ko namang kasalanan ng tyan ko eh. Pero may magagawa pa ba kami e andito na to.

"I know. Sorry na nga diba? Kaya mo bang sumabit?" Tanong ko.

Nanlaki naman yung mata niya sa sinabi ko. Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon ay tinawanan ko na siya.

"there's always a place for first time" sabi ko at huminto na ang jeep sa harap namin.

"No Mie, No!" pagmamatigas niya.

"edi akong sasabit. Halika na."

umiiling-iling pa rin siya kaya hinawakan ko na ang kamay niya at hinila papunta sa jeep.

Isinakay ko ang maleta namin. Mababait naman ang mga pasahero at ipinapasa-pasa ito hanggang makarating sa dulo.

Pinauna ko siyang sumakay.

"Mie hindi tayo kasya" katwiran niya.

"Kasya yan" pagpipilit ko

"ikaw na." sabi niya at tinuro ang jeep.

Umiling ako at pinauna ko na siya.

"hoy! Anong akala mo papayag akong sumabit ka!" sigaw niya.

Kahit kailan talaga to di mabiro. Hindi ako sasabit no. Mabuti pang umupo sa paanan kesa sumabit. mahulog pa ko. Naman tong si Nie minsan ang hirap biruin. Nakatingin na tuloy yung mga pasahero samin.

"kasya tayo. Mauna kana pumasok." Sabi ko.

Pinagtulakan ko na siya sa loob kaya naman wala na siyang nagawa.

Tumingin-tingin si Nav ng pwedeng maupuan at ganun din ako. Isa na nga lang talaga ang available. Pinilit niyang lingunin ako.

"Umupo kana." Sabi ko. Nag-aalinlanagan siya kaya naman "kandungin mo ko. Alangan namang ako ang kakandong sayo." Pagtataray ko. We're taking so much time kasi. Pinagtitinginan pa kami.

REBEL DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon