Chapter 11

1.9K 23 1
                                    

DAY 2 Friday

ARMIE POV

Ayoko na. sabi ko sa sarili ko. Pang ilang beses ko na ba itong bangon? Bakit ako nag-didiarrhea? Bakit ngayon pa? di nalang after ng vacation namin. unang gabi pa lang minalas na ko.

Uminom muna ako ng Oresol na nasa mesa. Ayoko ngang maubusan ng tubig sa katawan. Ito ang maganda kapag may doctor kang kasama at lalaki pa. nauutusan at alam ang gagawin.

Ginising ko siya para bumili ng gamot at syempre ng marameng tubig.

Nahabag naman siya sakin at lumabas para bumili ng kinakailangan. Tinignan ko ang oras sa phone ko. 4am na, wala pa akong matinong tulog, pero at least naglessen na ang pagtatae ko.

Baka mamaya mailabas ko na lahat ng toxins na ito at okay na ako.

Pahiga na sana ako sa kama ng magsalita si Nav "di ka pa rin ba okay?" tanong niya.

"okay na ko." Sagot ko.

Which is true kasi last na bangon ko kaninang 1am pa. kesa kagabi na every 30 mins na lang bumabalik ako sa banyo. halos di na ko umalis ng banyo eh. Ang saklap talaga.

"Ang takaw mo kasi." Pang-aasar pa niya.

Bwisit to, hihilain ko sana ang unan niya at ihahampas sa kanya ng hawakan niya ang wrist ko.

"Matulog na tayo" sabi niya sabay higit sakin papunta sa kanya.

Ayan tuloy napayakap ako sa kanya. Heaven tuloy ang feeling.

Inayos ko ang pagkakahiga ko, umurong naman siya para bigyan ako ng space.

OMG! Magkatabi kami.

kinikilig ako. gusto kong sumigaw ang kaso nanghihina ako.

"nagsabon ka ba ng kamay?" tanong niya bigla.

Tss! Ang arte talaga.

"hindi! Napagod na ko kakahugas ng kamay kasi paulit-ulit ako sa pagbalik sa CR." Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit.

"Ano?" napalakas ang boses niya na kinatawa ko.

"ang dugyot mo rin talaga. Umalis ka na nga dito." Sabi niya pero nakahawak pa rin ang kamay niya sa bewang ko. Paano ako aalis?

"e sino ba kasi ang naghatak sakin dito." Sabi ko sabay angat ng sarili ko sa pagkakahiga mula sa braso niya.

Tsss. tapos ngayon pikit-pikitan siya.

Tatayo na ko ng hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko kaya napahiga na naman ako sa kanya.

"kahit kelan ang ingay mo." Sabi niya.

"kahit kelan ang arte mo" sabi ko naman.

"bawas bawasan mo na ang katakawan mo, tignan mo tuloy ang nangyare sayo."

"oo na!" inis na sabi ko.

"bakit ako lang ang nagkakaganito eh pareho lang naman tayo ng kinain." Reklamo ko.

totoo naman kasi, share kami sa lahat ng food pero bakit ako lang nagtatae samin.

"kasi andami mong kinain."

"anong kinalaman nun? Wag mong sabihing hindi ako natunawan, dapat impatso to." Sabi ko at narinig ko siyang tumawa.

"ang theory ko" umpisa niya "sa dame ng kinain mo baka isa dun ang ayaw ng tyan mo. Akalain mo may pagkasensitive din pala ang tyan mo. Nagwala siguro yung anaconda mong alaga kaya ka nagkaganyan, di trip ang mga kinain mo."natatawa niyang sabi.

REBEL DesireWhere stories live. Discover now