Chapter 66

1.4K 25 0
                                    

NAVI POV

"hoy! Tulala ka na naman dyan" winawagayway ni Lloyd ang kamay niya sa harap ko.

"may iniisip lang ako" mahinang sagot ko.

"pre ano? maaga pa para sa wedding jitters. Lagi kang lutang alam mo yun"

"may iniisip nga lang"

"edi wow! Tsss! Ilang linggo ka ng ganyan. Akala mo ba di namin napapansin. Panay pa ang buntong hininga mo. Ano bang problema?"

"wala! Baka nga wedding jitters." Sagot ko

"OA ah ilang months pa ba bago kasal niyo ni Mareen. 8 months? 7 months? Matagal pa yun. Wag mong sabihing nagsesecond thought ka"

"tssss! May iniisip nga lang ang kulit."

"e ano nga?"

"pasyente" sagot ko para matahimik na siya.

"ewan ko sayo Navi, kaibigan mo kami pero sinasarili mo ang problema."

"wala nga kasi, may iniisip lang ako. Case ng pasyente ko sa Room 502 tapos iniisip ko din yung suggestions niyo na magtayo ng sarili nating clinic"

"ano ka ba! hindi pressure yung clinic okay, unahin mo muna yung wedding mo kasi alam naming magastos ang pagpapakasal."

"yeah right" nagpalabas ako ng buntong hininga.

"ewan ko sayo Nav, aalis na ko. baka may pasyente ako" paalam niya.

"okay" tipid na sagot ko.

Specialization ko ay Pedia, si Lloyd naman ay Hema. Si Ian naman ay sa Psych. At ang bestfriend ko ay Ortho

Nang makalabas siya ay napaisip na naman ako.

Ilang linggo na ba akong ganito. Hindi natatapos ang araw ko ng hindi ko siya iniisip. Dapat hindi na ko naguguluhan dahil kasama ko na si Mareen, pero bakit ibang tao ang gusto kong makita at makasama?

Sa tuwing tumutunog ang phone ko, hindi ko mapigilang hindi umasang si Mie iyon. At mas masakit yung ganun. Umasa sa bagay na hindi naman na mangyayare.

Bakit nga ba ako umaasa kung tapos na samin ang lahat. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang usapan namin. Yun na ang huli.

Tsss! Ni hindi man lang nag-thank you sa regalo ko nung birthday niya.

"ahhhhh" sabunot ko sa sarili.

Nababaliw na ko! ang dame kong dapat isipin ngayon, yung wedding, yung mga pasyente ko, yung pag-aaral ko, isama mo pa yung clinic na naisip itayo ng barkada. Kung tutuusin wala na siyang pwesto sa isip ko pero puta lang kahati ng isipan ko inuukupa niya.

Bumalik na naman ako sa pakiramdam ng iniwan 3 years ago. Ang tagal na nun pero ang pakiramdam ay ganun na ganun pa rin.

Mas kaya ko na nga lang ihandle ngayon kasi mas matanda na ko pero tang inang feelings yan, masyadong salawahan.

Ginayuma niya ko. wala ng ibang explaination kundi yun. You're a witch Mie. My Witch.

"waaaaaahhhhhh" ako na ang susunod na pasyente ni Ian nito.

Namimiss ko na siya!

Kinuha ko ang phone ko at tsaka pumunta sa email ko. Dun ko inisa isang tignan ang ang pictures namin ni Mie.

Totoong hindi na kami nagkontakan sa isat isa pero sinend pa rin niya sakin ang lahat ng pictures sa Ilocos trip.

Araw araw ko tong tinitignan. Kung ilang beses sa isang araw ay di ko na matandaan.

REBEL DesireKde žijí příběhy. Začni objevovat