Chapter 59

1K 18 0
                                    

NAVI POV

Flashback...

Natutulog si Mie sa tabi ko. napagod ko ata siya. Napapangiti ako pag naalala ko ang ginawa niya.

Kagagaling pa naman niya sa sakit kagabi, saan siya nakakuha ng stamina? Hinayaan ko na siyang matulog, nakakahiya dahil naipilit pa rin niya ang gusto niyang libutin ang Laoag.

Matigas talaga ang ulo. Nagkasakit na't lahat ayaw pa rin papigil.

Napatingin ako sa phone kong tumutunog. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso kong hinihigaan ni Mie.

Air Monteverde calling...

Kunot ang noong sinagot ko iyon. Baka magising pa si Mie eh kailangan niya ang pahinga ngayon.

"hello" bungad ko.

"nasa Ilocos ka daw. Sinong kasama mo?" tanong niya agad. Hindi man lang nangumusta.

Tahimik lang ako at nag-iisip ng pwedeng isagot.

"mga kaibigan ko"

"sino? At bakit hindi ako kasama?"

bahid sa boses na hindi ito naniniwala sa sinasabi ko.

"nakaleave ako remember at may duty ka so paano ka sasama?" sagot ko.

"e sino nga mga kasama mo? Tinawagan ko ang mga kaibigan natin pero nagtaka lang sila sa tanong ko. nasa Ilocos ka ba talaga?"

"oo" tipid na sagot ko. di ako pwedeng magsinungaling dahil malalaman at malalaman din niya.

"sino ngang kasama mo?"

"random friends"

"sino nga?" ang kulit talaga nitong si Air minsan eh.

"friends you don't know"

"you know that's impossible. Kilala ko halos mga friends mo. We have the same circle of friends remember?"

"mga kabatch ko to nung Nursing pa ko, so di mo kilala. Nagkaayaan lang."

"hmmmp. Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka?"

"why is that?" Sarkastiko kong sagot. Di niya ko pwedeng mahuling nagsisinungaling.

"I don't know. Tumawag sakin si Mareen kagabi to inform me na andyan ka sa Ilocos, akala nga niya kasama ako. Parehas kaming nagulat ng malamang andyan ka. Bakit di mo sinabi sakin para nakasama din ako?"

"may duty ka nga diba? at biglaan."

"kahit na pwede naman akong sumunod. I also need to relax." Pagrereklamo niya.

"sorry pero uuwe na ko mamaya."

"yun nga ang sabi ni Mareen. Pasalubong na lang."

"ano bang gusto mo?"

"chicka babes pre"

"chicka babes pa rin? E diba marame ka na dyan sa ospital?" natatawa kong sabi.

"nakakasawa eh"

"ahahaha! Ang kapal mo talaga"

"lahat sila gusto ako"

"wag mong ilahat. Baka nakakalimutan mo meron isa dun na inis na inis sayo"

kahit di ko siya nakikita alam ko nakangisi na to ngayon. "pakipot lang yun."

"ulol mo! Pakipot e kulang nalang patayin ka na niya."

"isn't she sweet?" natatawang tanong nito.

"baliw ka na talaga."

"pero mas baliw ka! Akalain mo magpapatali kana."

REBEL DesireWhere stories live. Discover now