Chapter 64

1.2K 19 0
                                    

NAVI POV

I watched her as she walks away from me.

Ang sakit. Mas masakit to kesa nung iniwan niya ko 3 years ago.

Diba dapat okay na kasi naranasan ko na to dati?

dati hindi siya nagpaalam. bigla na lang siyang nawala. Halos gumuho ang mundo ko nun, hindi ako nakapag-aral, gabi-gabing nasa bar, hindi makatulog kakaisip kung anong ginagawa niya, kung miserable din ba siya gaya ko at kung bakit siya umalis kung kelan mahal ko na siya.

Ano nga bang nangyare 3 year ago at iniwan niya ko? mukhang tanga lang kasi hindi niya nasabi sakin ang dahilan. Ang pagkakaintindi ko lang, nagsawa na siya. Ang pangako niyang di niya ko titigilan hanggat di ko siya nagagawang mahalin ay naglahong parang bula.

Umalis siya, iniwan ako. Hindi ko man lang nasabi na nahulog na ko. matagal na! tinago ko lang.

Kung iisipin ko ang nangyare sa bakasyon namin parang nagsimula lang kami sa pinakauna.

Yung mga dapat kung itanong nasagot ba? Yung iba siguro oo pero marame pa ring nanataling tanong at wala pa ring kasagutan.

"bakit niya ko iniwan?"

dahil nagsawa na siya. Narealize niyang di ko masusuklian ang pagmamahal na binibigay niya. Ang tanga ko rin kasi dahil hindi ko siya binigyan ng assurance.

Pero anong sabi niya? Umalis siya para malaya ko ng magustuhan ang taong gusto ko. Para wala ng sagabal. Para wala ng makulit. Para maging masaya na ko. Hindi ba niya alam na siya ang gusto ko? Na siya ang kumokompleto ng araw ko? Na siya ang nagpapagaan ng stressful kong pagaaral? Na siya ang nagpapasaya sakin?

I guess not kasi hindi naman siya aalis kung alam niya.

"bakit hindi niya ko nagawang kontakin ng isang taon matapos niyang mawala?"

dahil daw nagmomove on siya at di niya kayang makakita o makarinig ng tungkol sakin.

Ilang messages ba ang pinadala ko sa kanya? Ang dame! Lahat hindi napadala dahil nakablock ako.

after a year nung iniwan niya ko, naglakas ng loob akong kontakin siya. In-add na kasi niya ko ulit sa FB at sa iba pang mga social medias. I guess that's the time ng makamove on na siya.

Nagulat ako ng magawa niyang magreply sa simpleng hi ko. pero hindi ko inasahan na aakto siya na parang di niya ko iniwan at sinaktan.

ako naman tong si gago tuwang tuwa ng nagreply siya, nagawa kong makipagbiruan na gaya ng dati at nagawa kong landiin siya na di ko naman ginagawa dati. pinag-usapan namin ang nakaraan na akala mo isang magandang pangyayare. Yung tipong joke lang lahat ng iyon.

"bakit pa siya bumalik?"

malamang dahil dito siya nakatira. Dito na kaya siya for good? Di ko man lang natanong.

"bakit pa siya pumayag makipagkita?"

ah! Para mapatunayang wala ng feelings.

Nagsucceed ba siya sa gusto niyang mangyare? She said no! At kahit di niya sabihin alam kong failed yun dahil umiiyak siya ngayon.

at ako napatunayan ko bang si Mareen na talaga ang babae para sakin? Hindi rin! kasi mas lalo lang gumulo ang sitwasyon namin ng magkita ulit kami.

Ngayong mas pinili niyang tapusin na ang lahat, diba dapat makakahinga na ko ng maluwag, hindi ko na kailangan mamili sa kanila ni Mareen kasi wala naman pagpipiliin eh. Iniwan na naman niya ko. nakakatawa lang kasi imbis na matuwa ako dahil siya na ang nagparaya bakit ganito ang nararamdaman ko. bakit?

REBEL DesireWhere stories live. Discover now