Chapter 68

1.6K 22 0
                                    

ARMIE POV

Kinakabahan na ko sa pagkikita namin ni Nav.

Halata sa boses niyang nagulat siya nung tumawag ako, at mas lalo nung inaya ko siyang makipagkita sakin. I-sasuggest ko sana na dito nalang sa condo magkita, buti nalang siya na ang nag ungkat.

Bakit dito? Para malapit lang sa kama. Joke lang siyempre mag-uusap lang kami. Pero pwede din naman yung naiisip ko. hehehe. Joke ulit ang totoo niyan tinatamad akong lumabas, tumayo, maglakad. Ang lazy kong buntis.

Mas maganda din na dito kasi mas komportable ako sa paligid.

Siyempre kapag hindi naging okay ang pag-uusap namin. Ang walk out ko ay malapit lang. hindi na ko pwedeng mapagod at mastress masyado kasi nga preggy ako.

The day after kong magpositive sa pregnancy test ay nagpa ultrasound na ko at dun nga naconfirm. I'm 6 weeks pregnant. If you think na di ako masaya, well mali ka. Masaya ako, nagulat lang pero nung nakita ko ang ultrasound at kapag iniisip kong may buhay na bata sa katawan ko. napapangiti ako. Ganito pala ang feeling ng expectant mothers. Masaya! Pero mas masaya sana kung kasama ko si Nav.

Nag-order na ko ng dinner namin. 4pm kasi ang out niya, pero baka daw may biglang meeting or malate ang kapalitan niya. Kaya daw around 6pm pa siya darating. Nagtext kasi siya kaninang lunch. Sa sobrang kaba kasi hindi ko nagawang magluto.

Tinignan ko ang watch ko.quarter to 6 na. wala ng tawag wala na ding text galing sa kanya. Ayoko naman na siyang kontakin pa. baka isipin pa niyang atat na atat akong makita siya. Kung di siya dumating edi okay. Dumating man siya or hindi aalis pa rin ako bukas papuntang Dubai.

Owws? Pati ako hindi kumbinsido. Everything can change after ng paguusap namin. Nagrerehearse na ko kanina pa kung paano ko sasabihin at hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako.

DING DONG

"Shit" napatalon at napamura ako nung marinig ko yun.

Ito na to. Sinabi kong gabi na umuwe ni Diane or kung pwede wag na siyang umuwe ngayon dahil ayokong maabutan niya kami dito ni Nav. Sumang-ayon naman siya kaya malamang sa malamang si Nav na yung nagdodoorbell.

Halos pigil ang pag hinga ko nung Makita ko siyang nakatayo sa harap ng pinto. Halatang galing sa ospital dahil napakapormal ng suot. Malayong malayo sa casual na suot niya nung magkasama kami.

Pumuti na ulit siya gaya ng dati at lalo pang gumwapo. Ganyan ata ang napapala ng mga taong malapit ng ikasal or let say a guy in love.

"Hi" bati niya.

Ngumiti naman ako at inaya siyang pumasok. It's actually the first time na pumasok siya dito. Lagi lang kasi siyang hanggang pinto pag hinahatid ako noon.

Our condo unit is big enough for us. 2 bedrooms. One CR. A living room, the dinning and the kitchen. Pinagmamasdan ni Nav ang kabuuan ng lugar.

"kumain ka na ba?" tanong ko.

"nope" sabi niya sabay iling.

"Dumiretso na ko kaagad dito after Kong iendorsed sa incoming doctor ang mga pasyente ko"

"hmmmp sige upo ka muna, may inorder akong food, kunin ko lang."

pagkaupo niya ay umalis na ko at dumiretso sa kitchen. Pinainit ko yung food at sumilip sa living room. Binuksan niya ang TV at naglilipat ng channel. Di ko tuloy mapigilang titigan siya.

Alukin ko na kaya siya ng kasal? natatawa kong sabi. Tinignan ko ang singsing na binili ko pa nung last trip namin. Suot ko pa rin hanggang ngayon, malamang siya hindi na. ano pang isipin ng girlfriend niya pag nakita yun.

REBEL DesireWhere stories live. Discover now