"nasa edad na rin naman tayo. Ikaw magseryoso ka na kasi pare." Sagot ko naman.

"baka kapag kasal ka na maisip ko yan"

"well malapit na" sagot ko pero nakatingin ako kay Mie na mahimbing pa rin ang tulog.

Di ko napansin na nagpakawala ako ng malakas ng buntong hininga.

"bigat nun pare ah! May pinagdadaanan ka ba dyan? Sabi ni Mareen ikaw lang daw ang walang partner jan? kawawa ka naman" pero sa tono ng boses niya ay hindi siya mukhang naaawa sakin.

"salamat sa concern ah" sarkastik kong sagot.

"Oh No! don't tell me pinagtataksilan mo si Mareen"

kung may kinakain lang ako ngayon baka nabilaukan na ko sa sinabi niya.

"Nakahanap ka  ng partner jan no? di mo kinayang sila lang ang masaya no?" usisa niya.

"ang lawak din ng imaginations mo eh"

"sige na umamin kana di ko naman sasabihn may Mareen ano pa't naging bestfriend mo ko."

"wala okay" sabi ko

"sigurado ka? Bakit pakiramdam ko meron?"

"kanina pa yang pakiramdam na yan ah. Ikaw ba si madam Auring ah?"

"ang gross mo pre. Sa gwapo kong ito."

"hay! Hindi ko alam bakit ako nagkabestfriend ng tulad mo" malakas na buntong hininga ang nilabas ko pagkatapos nun.

"sige ganyan ka! Nagsesecreto kana sakin ah. Kelan ka pa naging ganyan?"

" e kelan ka pa naging madrama?"

"sus! Pag nalaman yan ni Mareen ma-"

"bahala ka na nga. babye na. wala ka ng kwentang kausap."

"hoy wait lang. may sasabihin ako." Sigaw niya kaya naibalik ko ang phone ko sa tenga.

"ano?" Tanong ko.

"hmmmp. Ano- hmmp" hirap niyang sabi.

Tss nahuli niya kaya ako? Pero bakit siya ang nahihirapang magsalita?

"ano nga, dali na at may gagawin ako" pinapatagal pa niya ang kaba ko eh.

"bakit ka ba nagmamadali?"

"may gagawin nga"

"nablitaan ko ano- ano nabalitaan ko-"

"direstuhin mo na kasi" naiinis na ko sa pagkautal niya.

"na andito na daw sa Pinas si Armie" mabilis niyang sabi.

"oh?"

"andito sa Pinas si Armie. Armie Perez." Sabi niya. Nagulat ako ng mabanggit ang babaeng nagpapakakimplikado ng buhay ko ngayon. Pero dapat chill lang ako at di magpanic!

Shit anong alam niya?

"anong gusto mong gawin ko?" Pilit kong pinakalma ang sarili ko baka maramdaman niyang apektado ako ng balita.

"wala! Sinasabi ko lang. baka kasi mamaya makipagkita ka, alam mo namang ikakasal ka na"

"Anong masama kung makipagkita ako?"

"Pre alam mong ikakasal kana" madiin niyang sabi.

"naka move on na ko. Alam mo yan" pero labas sa ilong ang sinabi kong iyon.

"siguraduhin mo lang."

"oo nga"

"ayokong masaktan si Mareen. At alam kong ayaw mo rin siyang masaktan."

"oo alam ko. Hindi mo na kailangang sabihin"

"sinasabi ko to kasi kaibigan kita. alam ko ang pinagdaanan niyo ni Armie. Nawitness ko lahat yun. Ayaw lang kitang masaktan ulit, o si Mareen or kahit pa si Mie."

"kanino mo naman nalaman yan?"

Wag mong sabihing may contact silang dalawa ni Armie!

"wag mo ng tanungin at masisira na naman ang araw ko. ang aga-aga  pa naman."

Napangiti ako sa sagot niya. At hindi niya kay Mie nalaman ang balita.

"isang tao lang ang naiisip kong pwedeng maging panira ng araw mo. Siya ba tong naiisip ko." Nakangising tanong ko.

"di sabi ko wag na nating pagusapan." Mukhang naiinis na siya. Ang sarap tuloy asarin. Maganda ding makaganti sa kanya kahit papano eh.

"ikaw ang nagsimula nito" sabi ko "so yung naiisip ko siya nga? pero paano? Magkakilala sila ni Armie?"

"family friend daw, nacurious ako nung marinig ko ang pangalan ni Mie kaya nakinig ako. "

"tsismoso pre"

"tssss! Pinag-uusapan kasi nila yung magandang regalong ibibigay sa birthday niya. Ngayon na lang daw kasi ulit siya magcecelebrate ng birthday dito sa Pinas. So ayun nga narinig ko ang Dubai, tapos Armie, tapos Nurse din. So inassume ko na si Armie na manliligaw mo dati ang pinaguusapan nila."

"so hindi ka pa sigurado?"

"sigurado kasi kahit ayokong kausapin yung Yuni na yun tinanong ko kung Armie Perez ba ang tinutukoy nila. Inirapan pa nga ako at sinabihan ng tsismoso. Grabe ang paghihirap ko para lang maverify kung isang Armie lang ang tinutukoy namin. So ayun nga sinabi ko kaibigan ko, hindi naniwala. Kung di ko lang sinabi ang mga alam ko kay Armie di pa maniniwala yung mangkukulam na yun eh."

"ahahaha. So si Yuni pala ang tinutukoy mo."

"ano ba yan pare sabi ng wag babanggitin ang pangalan na yun. That's forbidden"

"ay ewan ko sayo ikaw nga tong unang nagsabi ng pangalan niya. Para kang bata Air"

"naiisip ko pa lang makikita ko siya mamaya kinikilabutan na ko."

"baka naman kinikilig pre"

"tigilan mo nga ko. umuwe kana nga dito."

"ahahaha. Ikumusta mo ko kay Yuni ah."

"hays!"

"Di ba confident kang lahat ng babae dyan may gusto sayo? Bakit ganyan ka ngayon?"

" pakipot lang yun. Bata pa lang kami patay na patay na yun sakin."

"Kaya pala gusto ka niya literal na patayin?"

"Tss"

"babye na. see you bukas, papasok na ko jan."

"sige, enjoy. Pasalubong ah"

"ge"

"chicka babes ah. Sige bye"

"bye" tsaka pinindot ko na ang end button.

Napatingin ako kay Mie. "kung alam mo lang Air. Gulong-gulo na ko"

End of Flashback

REBEL DesireWhere stories live. Discover now