"No" sabi ko.

"ililibre kita" sabi niya.

"kahit wag na"

"ang sama mo"

"ikaw ang masama Mie, alam mo namang ayoko pinipilit mo pa"

"malay mo iba na ngayon"

"akala mo ba hindi ko triny, maamoy ko lang yung sushi nasusuka na ko."

"edi wag raw food ang kainin natin."

"no Mie"

"let's see about that"nakangiti niyang sabi at nagtuloy na naman sa pagkain.

Parang ayoko ng lumabas ah. Totorturin ako ng babaeng to. Bakit ko ba nasabi yun sa kanya? wrong move ako dun ah and knowing her ipipilit na naman niya ang gusto niya.

After naming magbreakfast ay bumalik na kami sa room at naghanda sa tour namin ngayong araw.

"ayos ka na ba talaga?" tanong ko kay Mie at hinawakan ang noo niya.

"hmmp" sagot niya at tumapat sa salamin para mag-ayos.

Partner na naman kami ng shirt ngayon. Pareho kaming naka blue, navy blue sakin. Sa kanya naman ay light blue. Pareho din kaming naka-white short.

Tuwang-tuwa nga siya ng Makita yun, at sa sobrang tuwa niya, nagselfie na naman kami. Pinatayo din niya ko sa harap ng pinto at kinuhanan ng picture, pati na rin sa daan.

"tama na nga Mie" awat ko kasi kanina pa siya picture ng picture.

pero nakangiti lang siya. At nakatutok pa rin sakin ang phone niya.

"Ano ba Mie?!" nilapitan ko siya.

Lumayo naman siya sakin.

"Say hi Nie" sabi niya.

"anong hi?"

"edi hello nalang" sabi niyang tumatawa.

"don't tell me video yan?"

nakita ko naman na tumango siya.

"stop that Mie"

umiling-iling naman siya.

"say something about the place." Sabi niya pa.

"I said stop it" sabi ko.

"ang KJ mo talaga"

"bakit ba narinig ko na naman sayo yang word na yan?" Inis na sabi ko. hindi naman ako KJ, dahil kung KJ ako hindi ko siya papatulan sa mga gusto niya.

"kasi yun naman ang totoo"

"Ah totoo pala ah" dahil dun ay hinabol ko siya.

Rinig ko ang tawa niya habang uniiwas sakin.

"Ah Nie" pigil niya sakin ng maabutan ko siya at inaagaw ang phone niya.

"Sandali lang, nagrerecord pa yan" sabi niya ng maagaw ko ang phone niya.

nang tignan ko ay nagvivideo pa rin nga, kaya naman hinarap ko sa kanya.

"say hi" sabi ko.

sinamaan naman niya ko ng tingin.

"edi hello nalang" pang-gagaya ko sa kanya.

"akin na yan" sigaw niya.

"so tell me something about the place?" sabi ko rin habang kinukuhanan siya.

"give me back my phone, and stop that. " sabi niya at lumapit sakin.

Lumalayo naman ako.

"wag kang KJ Mie" sabi ko na natatawa.

Sinamaan naman niya ko ulit ng tingin.

"saan ang first itinerary natin?" tanong ko.

Padabog na kinuha naman niya ang listahan niya sa bag na nakasabit sa leeg niya. Patuloy ko pa rin siyang kinukuhanan. Lumapit ako ng ilabas niya ang listahan. Itinutok ko sa papel ang camera.

"siguro ito munang Bangui Windmills" sabi niya

"ito ang pinakamalayo eh. Tapos tanungin nalang natin kay kuya kung saan pa magandang pumunta basta dito muna tayo."

"hmmp" sabi ko at itinapat na ulit ang camera sa kanya.

"tama na Nie, malolobat na ko. wala tayong pangpicture."

"edi dapat naisip mo yun bago mo ko kinuhanan ng video."

"akin na" sabi niya.

Tinutok ko naman sa mukha niya.

"say please muna" natatawang sabi ko.

sinamaan niya ko ng tingin saka "Please" pagpapacute niya sa camera.

Lumapit pa siya lalo sakin. Yung mukha niya ang laki laki na sa screen ng phone niya. Pagkatapos ay nagbigay siya ng isang flying kiss. At hinatak ito mula sa kamay ko.

bago ko pa man mapigilan ay nakatutok na naman sakin.

"akala ko ba tama na at malolobat kana"

"may power bank naman ako. magbye ka muna" sabi naman niya.

"ayoko" sabi ko.

"bahala ka. Ivivideo kita hangang malobat to."

"bahala ka din sa gusto mo." sabi ko at nauna na kong maglakad.

"ang KJ KJ KJ KJ mo talaga" inis niyang sabi na nakapagpangiti sakin. Ang pikon talaga.

Humarap ako sa kanya. nakatutok pa rin ang camera sakin at ang nguso niya ay humahaba na.

"bye" wave ko sa camera. At saka nagbigay din ako ng isang flying kiss.

Bago ko pa Makita ang reaction niya ay tumalikod na ulit ako at naglakad.

Naramdaman ko nalang ang pagkapit niya sa braso ko. nang tignan ko siya ay nakangiti siyang nakatingin ng diretso, hindi ko na naman tuloy mapigilang ngumiti.

Isip bata talaga.

REBEL DesireWhere stories live. Discover now