Tututol pa sana siya ng pinaandar na ni kuya ang jeep. Umayos siya ng upo at kumandong naman ako sa kanya. Konti na lang uuntog na ko sa bubong ng jeep.

Yung mga tao ay nakatingin samin. Tsss! E wala ng masakyan eh. Pag nagtagal pa kami dun, masisisira na ang ear drums ko sa reklamo ni Nav.

"sabihin mo kapag nabibigatan ka na sakin." Sabi ko kanya.

"bakit kakandungin mo ko?" bulong niya sakin.

"hindi malamang. Sa laki mong yan. Madudurog buto ko."

"nagsalita ang maagan. Ang bigat mo kaya." Sabi niya.

"ha? Ang sinasabi mo ba mataba ako?" inis kong tanong.

"ikaw nagsabi niyan." Pang-aasar pa niya.

Ang ganun ah. Tignan natin. Huminga ako ng malalim at inayos ang upo ko. Unti-unti akong umatras hanggang sa magkadikit na ang likod ko at dibdib niya.

Naramdaman ko napasinghap siya sa ginagawa ko. Akala niya ah. Gumalaw ako ng konti para ayusin ang upo ko. At naramdam kong tumigas ang katawan niya. Gusto kong tumawa ng malakas ngayon.

"anong ginagawa mo?" Bulong niya. Rinig ko dun ang pagkikiskisan ng ngipin niya. Nagpipigil na siya ng inis.

"inaayos ko lang ang upo ko. Baka mahulog ako." Sabay galaw ko ulit.

Naramdaman kong hinawakan niya ako sa balakang para pigilan ang ginagawa ko.

"itigil mo ang ginagawa mo kung ayaw mong kaladkarin kita pababa dito. At tapusin ang inumpisahan mo." bulong niya na nagpatayo ng mga balahibo ko sa leeg.

Yung tono kasi ng pagkakasabi niya ay nagpabilis din ng tibok ng puso ko.

"good" sunod pa niyang sabi ng bigla akong tumahimik.

Damn him! Sinadya niya yun. Kala niya ah. Gaganti ako. Matapos niya kong sabihang mataba.

Gamit ang kaliwang kamay ko, kinuha ko ang kanang kamay niya na nakahawak sa bewang ko at pinagisa ito. Ipinatong ko ang kamay namin sa tuhod ko at Isinandal ko ang likod ko sa kanya para komportable ang upo ko. Hindi naman na siya nagreklamo sa ginawa ko.

Sabi na eh nagugustuhan niya ito eh. pakipot pa rin talaga siya hanggang ngayon.

Di ko namalayan na nilalaro ko na pala ang singsing na suot niya na binili ko nung unang araw namin sa Vigan.

Nalungkot naman ako bigla, 2 days nalang kami magkakasama tapos ibabalik ko na siya sa totoong nagmamay-ari sa kanya. At hindi magkakatotoo ang sinabi ni ate na kami ang magkakatuluyan.


NAVI POV

Nung una hindi ko gusto ang ideya na ipagsiksikan namin ang sarili namin dito sa jeep na to. But in our situation now, im loving it.

Ngayon ko lang napansin na may suot din pala siyang singsing na katulad ng ibinigay niya sakin nung isang araw.

Hawak ng dalawang kamay niya ang kanang kamay ko. Napansin kong malalim ang iniisp niya kaya gamit ang kaliwa kong braso ay niyakap ko siya. Napatingin naman siya sakin at ngumiti. Tahimik lang kami sa ganung posisyon.

"Nasaan na yung sing-sing na binigay ko?" tanong niya sakin.

"hmmmp" napatingin naman ako sa sing sing na suot ko.

"yung sing-sing na binigay ko nung nasa trinoma tayo?"

"ah" actually hindi ko na matandaan kung nasaan yun.

"nasa bahay" sabi ko nalang, alam kong nandun yun. Pero hindi ko matandaan kung saan banda. Ilang beses ko bang tinanggal at sinuot yun nung mga panahong nagmomove on ako. Hindi ko na mabilang basta ang alam ko nakatago lang yun.

"tinago mo?" Tanong niya.

"hmmmp"

"tinapon ko na kasi yung akin" sabi niya na kinagulat ko.

"bakit?" ako kasi hindi ko magawang itapon yun kahit nasasaktan ako sa ginawa niya dati. Parang may pumipigil lagi sakin.

"ang hirap kasing mag move on pag nakikita ko yun eh"

"pwede mo namang itago."

"bakit pa? hindi naman magiging tayo."

"for the sake of friendship" sabi ko. nakakalungkot naman na itinapon niya yun. Those moments are one of the best moments I have with her. She want to mark her territory nung ibinigay niya yun sakin pero anong ginawa ko? Pinakita kong hindi ko tanggap kahit na ang totoo ay naguguluhan na ko sa nararamdaman ko para sa kanya noon.

"kasi kahit friendship nun hindi ko kayang ibigay." Mahinahong sabi niya

"why?"

"I don't know"

"sayang naman yun."

Ngumiti lang naman siya. At ipinakita ang sing sing niya. "may bago naman na. this time hindi ko na to itatapon kahit na anong mangyare."

Napatingin naman ako sa suot kong singsing na kapareho ng kanya.

"kahit na anong mangyare sa bakasyon natin I'll keep it as a souvenir. Sana ikaw din." Nakangiti niyang sabi.

"hhhmmmmp"

at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Kahit naman di niya sabihin iingatan ko to. Lahat naman ng bagay na ibinigay niya sakin ay nakatago lang. pwedeng nasa attic, pwedeng nasa kwarto ko. hindi ko alam kung nasaan pero isa lang ang sigurdo ako. Hindi ko yun kayang itapon.

Masaya ako, yun ang masasabi ko. masaya ako sa kung ano kami ngayon. Lalo na pwesto namin. I love being close to her.

Niyakap ko siya at inaamoy.

"Ang bango mo"

"Ahahaha. Kelan ka pa naging ganyan ka showey Nie?" Nakangising tanong niya.

"Ganito naman ako lagi sayo ah"

"Nah! Ako ang laging ganyan sating dalawa"

"Well im returning the favor" sabi ko at hinalikan ang batok niya.

At siyempre ang kaligayahan ko ay nawala din ng may pasaherong bumaba.

"oh" rinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakaupo na kasi siya sa tabi ko ngayon.

Ngumisi siyang tumingin sakin at tumingin sa bewang ko. Ay hindi pala siya sa bewang ko nakatingin. Kay junior.

Napangisi tuloy ako.kanina pa kasi ako nagpipigil sa mga pinag-gagagawa niya.

"kasalanan mo yan" bulong ko sa kanya na kinatawa naman niya.

Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa mga binti ko. "takpan natin baka Makita nila." Biro niya pa.

Hay naku Mie. Sumasakit ang puson ko sayo.


REBEL DesireUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum