"Do you have meds?" tanong ko.

"Yap! Meron akong reserba. madalas din kasi sumasakit ang ulo ko."

"What?!"

"Wag OA ang reaksyon Nav. okay lang ako. may mga times lang kasi na sumasakit ang ulo ko lalo na pag kulang sa tulog at pagod na pagod. may gamot naman ako dito for migraine."

Magsasalita na sana ako ng inunahan niya ko.

"Okay na ko ah. baka mamaya hindi mo ko palabasin ng hotel. di pwede, bakasyon to at tsaka may gamot naman"

"no alcohol for the remaining of our trip" may authoridad ko ng sabi.

"yes doc" saludo niyang sabi sabay suot ng hood ng jacket niya at pikit. " Tulog muna ko"

Natulog na rin ako, napuyat din kasi ako kagabi kakapigil sa sarili kong lapitan siya.

We arrived at Laoag around 11:30 in the morning.

"Saan mo ba gustong kumain?" tanong ko sa kanya.

"doon nalang" turo niya sa KFC "para malapit tapos makaalis na tayo kaagad. 2pm kasi ang check in time sa Hannah's eh."

"Doon ba tayo mag-stay?"

"yap. So let's go? Gutom na ko eh. Napagod ako sa byahe"

"natulog ka nga lang eh." Sabi ko naman

"tsssk! Masakit nga kasi ang ulo ko."

"ayan kasi sa susunod-"

"oo na! alam ko na ang sasabihin mo AMA" then she rolled her eyes and left me.

Ayaw pa rin talaga niya ng pinagsasabihan. Sakit pa rin siguro siya ng ulo ng Papa niya.

Fully loaded ang inorder namin at mukhang kulang pa sa mga alaga ni Armie ang binili namin. Pati ang brownies na para sakin ay kinain na rin niya.

"you want more?" tanong ko. Hindi niya ata napansin ang sarcasm sa tanong ko ng sumagot siya ng "yes please" at ngumiti pa.

"take out nalang natin. Bucket of fries and a lot of gravy. Krushers din ah. Thanks Nie" sabi niya ng tumayo ako. Sa susunod hindi ko na nga siya tatanungin. Umaabuso na eh. Kapag sumakit na naman ang tyan niya bahala na siya sa buhay niya.

At di nga ko nagkamali. Nakasakay na kami ng bus papuntang Pagudpud ng magsimula siyang magreklamo.

"malayo pa ba tayo?"

"kanina mo pa yan tinatanong Mie"

"bakit ang tagal kasi. One and a half na tayong nagbabyahe." Reklamo niya.

"diba nga 2 hours ang byahe papuntang city proper?"

"itanong mo nga"

"Mie kanina pa tayo tanong ng tanong. Kung nandun na tayo, sasabihin ng konduktor yun."

"eh kasi-"

"ano? Ano bang problema mo?" naiinis na talaga ako. Kanina pa siya ganyan. Tanong ng tanong kung nasaan na kami, kung malapit na ba. Kung ilang minutes pa. paulit-ulit na lang. ang sakit na sa tenga.

Hindi ko na rin nagawang makatulog dahil sa pagtatanong niya.

"eh kasi ano eh-"

"Mie. Itulog mo na lang yan. Gigisingin na lang kita."

"hindi ako makatulog."

Humarap ako sa kanya. Napansin kong namumutla na siya. Kaya nag-alala ako bigla.

"anong problema? Namumutla ka." Ang lamig pa ng kamay niya ng hawakan ko. "Anong problema Mie? Nasusuka ka ba?"tanong ko.

Umiling lang naman siya. "masama ba pakiramdam mo? Naku! Wag na wag ka ng iinom pa ulit kahit kailan ah" pangaral ko sa kanya.

REBEL DesireHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin