Gustong-gusto kong nakikita ang ganitong side niya.


Fourth Destination: Hidden Garden

After the cruise, we directly went to our next destination. Walang entrance fee pero need lang magregister ng mga visitors. The place is good with the motto "try to discover the place".

After we explore it, the place won't be called hidden garden again.

Kung tutuusin parang hindi magandang pumunta dito dahil puro halaman lang ang makikita namin. Pero dahil isa to sa tourist spot ay triny na rin naming puntahan. mahirap ng ma-miss ang lugar na to dahil baka pagsisihan lang namin kung di kami pupunta.

Nilibot namin ang lugar, nakakarelax, ang sarap ng hangin at nakakatuwang maglakad.

"sana gabi or hapon na lang tayo pumunta." Nasabi ko.

"bakit naman?" tanong niya.

"para mas romantic, with all the plants and the nice view."

Ngumiti naman siya at kinuha ang kamay ko.

"hindi ko talaga makuha ang mood mo."bigla niyang sabi.

"anong ibig mong sabihin?"

"you nag, you curse, you shout, you blame then suddenly your clingy, your cooperative then sweet."

"well that's me, all in one" sabi ko sabay kindat.

"I'm a little bit of everything all rolled into one." Kanta ko pa na kinatawa niya.

Ang sarap tumambay sa lugar. Umuupo kami paminsan-minsan para mapagmasdan ang lugar, nakakawala ng pagod ang pagstay dito.

"Lover's Corner" masayang sabi ko ng may nakita akong attraction na nakasulat ay lover's corner.

Hinila ko siya at nagtawag ng turista na pwedeng kumuha samin ng picture.

Naging mabait naman sila at pinaunlakan kami basta ba kuhanan din naming sila ng larawan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, thanks sa mga bamboo trees at hindi kami natatamaan ng araw.

Tahimik lang kaming dalawa sa paglalakad ng magkahawak kamay. Kahit sa ganitong paraan masayang masaya na ko.

Nakarating kami sa bonsai area ng garden, maganda sanang bumili kaso hassle pang dalhin sa Manila, magugustuhan to nila mama panigurado.

Hindi lang pala plants ang meron dito dahil may nakita din kaming mga gecko lizards, snakes and birds.

"nagugutom na ko." Biglang sabi ko. Kumalam na kasi ang sikmura ko. Tutal we plan to take a lunch here. Mas maganda kung ngayon na.

"saan mo gustong kumain?" tanong naman niya.

"try natin dun sa lilong and lilang. Yung nadaanan natin kanina. Masarap daw dun."

"paano mo naman nalaman?"

"sinabi nila sa reception dun sa hotel. Alam ko may ganun silang sinabing resto eh." hindi ko na kasi maalala ang exact name ng restaurant pero magka rhyme yun kaya sa tingin ko ay iyong Lilong at Lilang ang tinutukoy nila.

"okay. Gutom na rin ako eh." Sabi niya at naglakad na ulit kami.

Sa paglalakad namin ay nakita namin ang grotto. Huminto muna kami at nagdasal.

Nang marating namin ang resto ay lalo kaming nagutom. Umorder kami ng specialty nila. Pinakbet, Ware-warek at Bagnet.

"Parang ang konti ata ng inorder mo ngayon." Sabi ni Nav.

REBEL DesireWhere stories live. Discover now