PROLOGUE

58 3 2
                                    

Marami namang tao sa mundo pero palagi kong tinatanong kung bakit pa sa 'kin nangyari 'to? Ano bang ginawa ko? Gusto ko lang naman ng pamilya, gano'n ba kahirap ibigay sa 'kin 'yon?

Sobrang sakit lang isipin na sarili mong pamilya sila pa mismo ang mang d-down sa 'yo, sila pa mismo 'yong magsasabi "mabuti pa iyon anak ng kumare ko..." bakit nalang kasi hindi nila ampunin?

“Iniisip mo?” My friend asked me.

“Random thoughts lang.”

“Pahiram ng science notes mo,”

“Naku kung ganito ka buong quarter sasakit kamay ko kakasulat.”

She pouted. “Hindi ko bet 'yong science kaya puro tulog lang ako sa subject na 'yan, ewan ang bobo ko sa science I mean sa lahat ng subjects naman talaga ako bobo.”

I chuckled while getting my notes. “Wala naman daw'ng taong bobo, tamad lang daw mag-aral.”

Ngumuso lang siya at kinuha ang notes na binigay ko sa kaniya. Ewan ko ba sa mga kaibigan ko, sa akin manghihiram ng notes kaya nagsusulat tuloy ako para may makokopyahan sila.

My friends didn't know about my problem with my family but they know that I have a problem pero naintindihan nila na hindi ko pa kayang magsabi sa kanila I felt like if I will share my problem I end up crying, ayokong makita nilang ang hina-hina ko kahit totoo namang mahina ako.

Last subject na namin ngayon sa hapon at ito ay ang Filipino subject. I'm a grade 10 student, masyado pa akong bata para maranasan ko 'to pero sa murang edad namulat na ako sa reyalidad na mas proud sila Mama at Papa sa ibang bata kesa sa 'kin, mas proud pa nga sila sa anak ng kumare nila tapos sa 'kin hindi? Unfair.

Dumiretso ako sa cafe kung saan ako mag tatambay kapag gusto kong mag study, ang comfy kasi dito tapos I really like the design of this cafe lakas maka balik sa 80's and 90's ang aesthetic ng theme tapos brown pa 'yong color.

Kilala na ako ng mga staff dito sa katunayan friend ko na sila pati 'yong may ari hindi naman ako masyadong friendly pero approachable kasi sila kaya isa din 'yon sa reason why I like here, this is my haven.

The owner of this cafe is very kind at sumasabay pa sa mga staff niya, nakikipag biruan gano'n. Plano ko ngang mag part time job dito kahit may nagpapaaral naman sa 'kin. Balita ko pa nga gwapo 'yong anak ng may ari ng store na 'to, narinig ko lang sa usap usapan ng mga staff.

Erase that though Lia you need to focus on your study so that your parents will be proud.

“Hi po.” Bati ko sa mga staff and they greet me back.

I ordered an iced coffee and cookies and muffins since 'yon ang mga kadalasan na inoorder ko dito.

“Thank you po.” I politely said.

Binubuklat ko na ang aking notes habang kumakain sa aking order, maraming mga students ang nagtatambay dito o hindi kaya nag-aaral, pag hapon kasi talaga madalas para sa students lang itong cafe kasi may klase kami kapag umaga kaya hapon lang kami may time para pumunta dito.

Narinig ko ang ingay sa entrance kaya tiningnan ko ito, my eyes directly look at the boy who was laughing with his friends.

Shit, gwapo.

Our eyes accidentally met kaya dali dali akong yumuko para kunwari nagbabasa. Hindi ko masaulo 'yong binabasa ko kasi na o-occupy na ng lalaking 'yon ang isip ko.

Niligpit ko na ang aking mga gamit dahil napag desisyonan ko na sa bahay na lang ipagpatuloy ang pagbabasa.

Bahay, school, cafe, bahay na naman ulit. Dyan lang umiikot 'yong mundo ko hindi ako pinapayagan nila Mama na gumala kaya madalas sa hapon matagal ako umuwi dahil minsan pumupunta akong mall o hindi kaya dito sa cafe.

Pumunta akong cashier upang magbayad sa mga orders ko para na rin makapag paalam sa kanila.

“Uwi na po ako balik na lang po ako bukas.” I bid my goodbyes at them. I was about to push the door when a familiar voice called me.

“Praised!” Huminga ako ng malalim at nakangiti akong lumingon, it was Madame Mylene, the owner of this cafe. She's so very elegant even though her dress is simple like her.

“Hi ma'am,” I greet her politely.

“Are you going home? Come here I want to introduce my son to you.” She's smiling like there's no tommorow.

Wala akong nagawa kun'di ang bumalik sa dinadaanan ko kanina.

“Praised, this is Stell Vester Ajero my one and only son.” Anak niya pala 'yon?

Inabot ko ang kamay ko sa kaniya. “Amelia Praised Castillo.”

Tinanggap niya naman iyon, sunod na nakipag kamay ay ang kaniyang mga kaibigan.

“Josh Cullen Santos.”

“Justin De Dios.”

“John Paulo Nase.”

“Felip John Suson.”

“Nice meeting y'all, have a great day. I'm sorry I really need to go.” Nakipag beso pa ako kay Ma'am Mylene and gave the boys my genuine smile bago ako umuwi.

Gwapo nga talaga 'yong anak ni Ma'am Mylene, I think I have a crush on him. Crush lang naman 'yon 'no, it's just paghanga.

I open my instagram account and I saw a familiar name appeared in my notification.

stellthevest followed you.

I follow him back. We're mutual, I don't know if saan niya nakuha ang username ko wala naman akong sinabihan kahit na sino sa mga accounts ko, hindi rin ito naka display sa aking information sa facebook kaya nakakapagtaka lang kung sinong demonyong nagsabi sa kaniya. Inoopen ko lang 'to IG ko kapag may i f-follow ako na mga authors or mga boy groups na na discover ko.

Next ko namang inopen ang facebook ko sa pag aakalang baka may announcement ang aming teacher.

Wala namang bago sa group chat namin, akala ko may isenend na naman na activity tapos bukas na kaagad ang deadline akala naman nila madali lang 'yong ibang activities na binigay nila, sunod sunod pa nga e.

May isang nag friend request kaya tiningnan ko ito. My eyes widened when I saw his name again.

Stell Vester Ajero sent you a friend request.

Mga 10 minutes na 'yon kaya inaccept ko na. Nang stalk pa nga ako, wala siyang mga shared post kadalasan ay mga pictures niya lang or hindi kaya mga pictures together with his friends or family.

Naka album pa iyon kaya hindi masyadong kalat ang timeline niya. Hindi rin naman makalat ang timeline ko, kadalasang naka post lang dito ay mga motivational quotes or mga shared post na galing sa favorite boy groups and authors ko.

I really love to read books and I love smelling the pages of new books, mahilig din ako sa mga songs especially mga old songs.

Tumunog 'yong notification ko sa messenger hudyat na may nag chat kaya tiningnan ko kung sino 'to.

Stell Vester Ajero:

i like you

Stell Ajero Where stories live. Discover now