08

12 2 0
                                    

“Bawal kasi talaga ako sa mga rides guys, pasensya na talaga.” Nandito kami ngayon sa isang plaza kung saan maraming mga rides, palagi naman ito dito ngunit ngayon lang namin naisipan gumala.

Kasama ko ngayon 'yong buong kaklase ko, wala naman sila Mama kaya gumala ako at nagpaalam din ako kay Nanay Cora sinabihan ko pa ngang 'wag ipaalam kay Mama dahil alam niya naman kung paano iyon magalit.

Bawal ako sa rides dahil may sakit ako sa puso kaya baka mahimatay ako kapag sumakay ako dyan sa ferris wheel.

“Sus KJ! Sige na sakay ka na.” Sambit ng isang kaklase ko, hinila nila ako patungog ferris wheel.

Gusto kong humingi ng tulong ngunit wala naman dito 'yong mga kaibigan ko dahil bumili ng pagkain.

Habang paikot ikot ang ferris wheel pahigpit ng pahigpit naman ang pagkapit ko sa damit ko. Gusto ko ng bumaba para akong maubusan ng hininga dito, parang mawawalan ako ng ulirat.

Tumulo ang aking luha at hinawakan ang aking dibdib, hindi ako makahinga.

“Hoy hala si Lia!” Nagpapanic na ang mga kaklase ko na nakasama ko sa loob.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang kumukuha ng lakas upang hindi lamang mahimatay. Ang putla ko na siguro.

Naramdaman kong tumigil na ito sa pag-ikot. Lumalabo na ang paningin ko.

May narinig akong boses at sigurado akong kila Dreyfus iyon.

“Tangina! Ano ang sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!” Galit na sigaw ni Dreyfus bago ako nawalan ng malay.

Minulat ko ang aking mga mata, hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko feeling ko nandoon pa rin ako sa loob ng ferris wheel.

Nilibot ko ang aking paningin at nakitang nandito sila Lyza at iba ko pang kaibigan. Ang laking abala ko na siguro sa kanila.

Napagtantuan kong nandito pala kami sa hospital deniretso siguro nila ako dito pagkahimatay ko kanina. Akala ko talaga mamatay na ako e takot na takot talaga ako kanina.

“Lia!” Niyakap kaagad ako ni Dreyfus kaya niyakap ko rin siya pabalik. “Sobrang nag-alala kami sa 'yo.”

“O-okay na 'ko.” Paos kong sabi.

“Ba't ka naman kasi sumakay doon?” Inis na sambit ni Drey.

“Alam ko namang bawal ako doon kaya lang pinilit ako nila.”

“Tangina nila muntik ka pang mamatay dahil do'n–” Naputol ang sasabihin ni Mark nang biglang nagsalita si Lyza at parang tuluyan na akong mawalan ng buhay dahil sa sinabi niya.

“T-tumawag 'yong Mama mo Lia.” Namumutlang aniya kaya pati na rin ako namumutla din.

Inabot ko ang cellphone kahit pa pinipigilan ako nila Drey kasi 'di pa daw maganda ang pakiramdam ko.

“H-hello?” Kinakabahang ani ko.

“Amelia Praised! Ano itong nabalitaan naming nasa hospital ka?!” Pumipintig pintig ang puso ko dahil sa kaba.

I was about to explain when the door harshly open revealing Stell na humahangos pa. Nagulat na lang ako dahil kinuha niya 'yong phone sa kamay ko.

Ngumiti siya sa 'kin pero hindi ko siya nginitian pabalik bago siya lumabas para siguro kausapin si Mama.

“Napa'no 'yon?” Tanong ni Lyza na gulat pa rin dahil sa pagpunta ni Stell dito.

Pumasok na ulit siya at ibinigay sa 'kin ang phone pero tinuro ko lang si Lyza sa kaniya naman kasi 'yon.

“Okay ka na ba?” He was worried, mahihimigan mo sa boses niya na nag-aalala talaga siya.

“M-medyo.” Tipid ko lang nasagot dahil namamaos pa talaga ang boses ko.

“Diba may pupuntahan kapa Mark? Pupunta ka diba sa shota mong pinagseselosan kami diba? Punta kana do'n anong oras na rin kasi oh, tapos bibili tayong pagkain Drey gutom na rin kasi ako baka gutom na rin si Lia.” Napalingon ako kay Lyza at nagtaas baba lang ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin.

“Ibili mo na lang 'yan ng pagkain Drey gutom talaga siguro 'yan kung anu-anong pinagsasabi wala naman akong shota– ano ba!” Sigaw ni Mark nang hatakin siya bigla ni Lyza sa kwelyo niya. Napailing iling lang si Drey at binigyan pa ng nakakamatay na tingin si Stell bago lumabas.

“What happened? Bakit nandito ka?”

Umiling lang ako dahil sa sobrang tamad ko pati magsalita tinatamad ako.

“Tell me.” Pangungulit niya ngunit sa pangalawang pagkakataon umiling lang ulit ako at tinuro ang lalamunan ko nakakaintindi naman siyang tumango.

Ayoko lang malaman niya ang rason kung bakit ako nandito baka tawagin niya pa akong nasobrahan sa ka oa-han that's why it's better to be silent.

May gusto akong itanong sa kaniya kung ano ba ang sinabi niya kay Mama at gusto ko rin humingi kaagad ng tawad baka kasi pinagalitan siya dahil sa 'kin e wala naman siyang kasalanan.

Hinintay kong bumalik sila Lyza ngunit walang dumating kahit kaluluwa man lang nila, akala ko ba bibili lang ng pagkain? Ang tagal naman ata?

Si Stell ang nagpapakain sa 'kin dahil hindi na nga bumalik 'yong tatlo porket hindi na binalikan hindi na rin ako babalikan e.

“May gusto ka pa bang kainin? Namamayat ka na ata.” Ani Stell, nandito pa rin kasi siya sa hospital ilang araw na.

Sinabihan ko ngang pumasok muna pero sabi naman niya na manghihingi na lang daw siya ng mga copy ng lessons dahil hindi niya daw kayang iwan ako dito.

Dinadalaw rin naman ako nila Nanay ngunit sila Mama't Papa? Ewan hindi pa daw kasi nakauwi, ayoko namang mag-alala sila dahil lang sa katigasan ng ulo at isa pa nasa bakasyon sila kaya dapat wala silang problemang iisipin tutal problema lang naman ako sa buhay nila.

Ayoko talaga dito sa hospital dahil ayoko sa amoy dito hindi kasi fresh ta's kapag dito ako talagang mamamayat ako dahil wala akong ganang kumain pero kapag nasa bahay kahit may sakit naman ako kumakain naman ako iba nga lang dito sa hospital.

Minsan nga inaaway ko pa si Stell dahil ayoko talagang kumain pero mapilit talaga siya kaya wala na akong magawa.

“Pwede ka na dawng lumabas mamaya pagkatapos mong i check.” Bungad kaagad ni Stell pagkapasok pa lang niya ng room ko, kinausap kasi siya ng doctor dahil siya lang naman ang nagbabantay sa 'kin dito.

“Fan ka pala ni Taylor Swift? Swiftie ka pala?” Masayang tanong ko, nakita ko kasi sa play list niya na puro songs ni Taylor Swift, One Direction, Westlife at iba pa. Swifties rin kasi ako kaya baka parehas kami.

Hiniram ko kasi 'yong phone niya kanina habang lumabas siya akala ko kasi may games pero wala naman pala kaya pumunta na akong music player kaya doon ko nakita na ang daming niyang music alangan naman video e music player nga.

“Hindi naman.” Nagtaka ako dahil sa sagot niya.

“Kung hindi e ano lang?” Ba't ang dami niyang songs ni madame Taylor dito sa phone niya?

“Hindi ako Swiftie pero baka sweetie mo pwede pa.” Nakangising aniya.

Stell Ajero Where stories live. Discover now