12

9 3 0
                                    

Normal pa ba 'to o abnormal na? Kasi gumising na lang ako ng may nararamdaman na kay Stell at sa secret admirer ko na palaging nagpapadala sa 'kin ng letters, chocolates at flowers.

Oo, I admit it now. I finally admit na may nararamdaman ako kay Stell. Isn't it weird? Na magkagusto sa dalawang tao? Pero crush lang naman iyon at wala akong planong sabihin sa kaniya at lalong lalo na sa kay you'restlltheone.

Unlimited lang naman siguro 'yong crush thingy, 'no? Nababaliw na ako kakaisip dito dumagdag pang hindi ko pa nakikita iyong isa. Ang dali ko talagang mahulog sa tula eh. Delikado na 'to.

Hindi naman ako binibigyan ni Stell ng tula pero ewan kung ba't ako nagkagusto sa kaniya.

But, crush is just paghanga. Maybe I have a crush on my secret admirer because of his effort and poem then kay  Stell naman siguro kasi parang nasa kaniya na iyong hinahanap ko sa lalaki.

Sabi nila “Personality is better than looks” but he have both, meron siya sa dalawa. He's personality is perfectly fine and he have a good look that everyone can turn their head everytime he just passed them by.

“Lia,” muntik ko ng matapon ang dala kong pagkain nang biglang may humawak sa braso ko. “Bakit 'di mo ako pinapansin? Did I do something wrong?” Si Stell pala.

“I've been very busy these past few days.” Palusot ko kahit hindi naman talag hectic ang schedule ko, slight lang.

“Nilalayuan mo ba ako Amelia?” Tumigil ako sa paglalakad noong nasa lamesa na ako, hindi ko kasama sila Lyza ngayon ewan ko kung bakit basta hindi sila sumama sa akin mag recess.

“B-bakit naman kita lalayuan?”

“Oo nga, bakit mo nga ba ako lalayuan?” Balik niyang tanong sa akin.

Yes, hindi ko na siya masyadong pinapansin at palagi kong tinatanggihan ang mga alok niya sa akin at hindi na rin ako masyadong tambay sa cafe nila dahil ayaw ko munang makita si Stell pero heto siya ngayon.

Ayoko lang na mas lumalim pa itong nararamdaman ko sa kaniya, he's my friend at hindi ko gustong magkagusto ako sa taong dapat kaibigan ko lang. Gusto kong hindi masisira ang pagka kaibigan naming dalawa kapag humantong pa kasi sa pagkakaibigan.

“H-hindi naman kita nilalayuan, busy lang talaga ako.”

“Alam kong hindi hectic ang schedule mo dahil sinabi iyon ng mga kaibigan mo. Kaya tell me, what's the problem? Are you mad at me?” Ang lambing ng boses niya.

Yumuko ako at hindi nagsalita kasi kung anong kasinungalingang lalabas na naman sa bibig ko. Ayaw na ayaw ko pa namang nagsisinungaling.

“May problema ba sa bahay niyo? Pinapagalitan ka na naman ba ni tita? Please Lia, tell me para hindi ako mukhang tanga dito kakaisip.” Umiling lang ako.

Naiintindihan niya naman siguro dahil tumango siya at hindi na muling nagsalita. Wow understanding.

Hinatid niya ako sa room ng wala kaming kibuan alam kong napapansin niya talagang may mali sa akin dahil palagi kaming nag-aasaran noon pero ngayon? Tila mga hindi pa nagkakilala dahil sa katahimikan na namayani.

“Nag-away kayo?” Tanong kaagad ni Lyza nang makapasok ako sa room.

“Hindi,” walang gana kong sagot at dumiretso sa pwesto ko at doon dumukdok sa aking mesa.

I want to rest. Ang sarap matulog na tila ba pagod na pagod ang dalawang mata ko.

“Bakit parang hindi kayo nagpapansinang dalawa? Sabihin mo nga sa akin, may nangyari ba?”

“Wala nga kulit mo.”

“At kailan kapa naging masungit Amelia Praised Castillo? Kelan pa?” Nakataas kilay niyang tanong.

Nakonsensya naman ako sa sinabi ko kanina. Hindi ko talaga kayang nagsusungit e nakokonsensya kasi 'yong guardian angel ko. “Sorry.” I said, sincerely.

Hindi ako sanay na magsungit. Hindi rin naman mataas ang pride ko kapag alam kong mali ako syempre ako talaga iyong mag s-sorry kahit pa nga hindi ko naman mali pero ayoko ng palakihin pa ang gulo ako na lang talaga magpapakumbaba.

Sinasabi nga ng mga kaibigan ko na dahil daw sa kabaitan ko naabuso na daw ako. May iba kasi na abusado na iyong sa akin na lahat iaasa pero hindi ako nagreklamo at hinayaan ko na lamang sila sa kanilang ginagawa kahit alam ko namang hindi tama. Ano bang magagawa ko? Ayokong kagalitan ako ng tao, isa iyan sa kintatakutan ko kaya kahit alam kong naabuso na ako sumasabay pa din ako.

Hindi ako marunong magalit, mainis ako oo. Malimit lang talagang lumabas ang galit na nasa katawan ko, galit ako pero kinikimkim ko. Nasasaktan ako pero tinitiis ko.

Ibang usapan na nga lang kung sasabog ang galit ko kasi hindi ko na ma kokontrol ang sarili kong salita. Wala na akong pakialam kahit pa nga nasasaktan ka na sa lumalabas sa bibig ko pero kapag nawala na 'yong galit ko syempre magsisisi na ako.

Sino bang hindi magsisisi 'di ba? Pinipili ko na lamang manahimik kesa magsalita dahil alam kong hindi maganda ang lumalabas sa bibig ko. Lahat na siguro ng sama ng loob ko sa 'yo masasabi ko e.

Madalas nasasabihan ako ng masama ang ugali sa mga taong hindi pa talaga nakakilala sa 'kin. Ganiyan naman palagi. Kahit hindi ka pa nila kilala talaga nanghuhusga na kaagad 'yan sila base sa kanilang nakikita. Hindi na lang kilalanin muna bago manghusga.

Nakakamatay lang ang pagiging judgemental siguro maraming patay sa Pilipinas ngayon mababawasan talaga ang population sa Pinas at the same time mababawasan ang pollution.

Hindi naman ako madaling manghusga kasi alam ko 'yong feeling ng hinusgahan kaya bakit ko gagawin sa iba ang ginawa nila sa 'kin? Ika nga, kung binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay.

“Kumusta naman kayo ng secret admirer mo?” Biglaang tanong ni Stell, lumapit kasi siya sa akin at ako namang hindi matiis kaya kakausapin ko na lang.

“Okay lang, baka busy kasi hindi na siya masyadong nakapagpadala ng mga letters.”

Totoo, hindi na nagpapadala ng letters, flowers and chocolate si Mr. you'restlltheone. Nasanay na tuloy ako na every morning may nakalagay sa desk ko.

“Miss mo 'no?” He sounds hopeful.

“Oo hindi ko naman itatanggi kasi masama daw magsinungaling.” Ani ko habang pinapakli ang page ng book.

Miss ko naman talaga si Mr. you'restlltheone kaya what's the point of denying it? Nako, pumapag-ibig na talaga si Amelia eh.

Nasa I miss him stage na po ako ngayon.

Stell Ajero Where stories live. Discover now