18

3 2 0
                                    

Inuwi na ako ni Stell sa amin, ayoko pa nga sana e ngunit gusto ko rin talagang makausap si Mama dahil gusto kong malaman lahat ng narinig ko kanina.

"Lia..." Tawag kaagad ni Tita sa 'kin at bigla akong niyakap ngunit hindi ko siya niyakap pabalik bagkos ay umiyak lang ako.

"Tita..."

"Sorry anak, sorry," napabitaw ako sa yakap niya.

Hindi ko maintindihan anak niya ba talaga ako? Sino ba talaga ang totoong magulang ko?

"Magpapaliwanag ako sa 'yo," sabi niya at tumango lang ako at nauna ng umupo sa sofa.

"A-ahh mauna na ako Lia, Tita ikaw na munang bahala sa kaniya." Paalam ni Stell at lumabas na hindi ko na siya magawang maihatid sa labas dahil nanghihina na ako.

"Lia sorry," iyon kaagad ang unang sinabi ni Tita pagkaupo niya palang. "H-hindi ko ginustong iwan ka sa kapatid ko. Walang wala ako noon Lia kaya kita naiwan kay Lea. I-I was raped, oo nagahasa ako kaya nabuo ka-" Agad kong pinutol ang kaniyang sinabi.

"I-isa rin ba sa dahilan kung bakit niyo 'ko binigay dahil ayaw niyo sa 'kin? Dahil isa akong pagkakamali? Gano'n po ba?" Umiiyak kong sabi sa kaniya.

Umiling iling naman siya at pinunasan ang aking mga luha. "Hindi anak maniwala ka. Noong panahon na 'yon ikaw 'yong pinakamagandang nangyari sa buhay ko hindi kita kayang buhatin dahil walang wala ako pati makakain wala kaya binigay kita sa Tita mo upang mapabuti ang iyong buhay pero pinangako ko sa kaniya na kukunin kita sa oras na kaya na kitang buhayin."

"B-bakit hindi mo ako kinuha?"

"I tried anak ngunit hindi ka niya binigay. Ipinangako niya sa 'kin na aalagaan ka niya na makikita kita kahit araw araw pa. I-I didn't know na sinasaktan ka niya physically, I'm sorry anak. Hindi man lang sumagi sa isip ko na isa kang pagkakamali dahil wala kang kasalanan kung ano man ang nagawa ng Ama mo ay hindi mo kasalanan iyon."

"M-ma..." Ahh it feels so good. "A-ayoko na rito Ma please po ilayo niyo 'ko rito."

Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang aking mukha na napuno na ng luha. "D-dalhin kita sa probinsya namin doon ka mag sesenior high, hmm? Don't worry ilalayo kita rito."

Niyakap ko siya ng mahigpit. All this time siya pala ang totoo kong Ina kaya pala sa kaniya ko lang maramdaman ang pagmamahal ng isang Nanay.

"Mag impake ka na, ha. From now on you will leaving with me may bahay ako na malapit lamang dito at pagkatapos mong mag moving up pupunta kaagad tayo sa probinsya." Tumango lang ako at umakyat na.

Habang nag iimpake ako patuloy sa pagtulo ang aking luha, iiwan ko na ang bahay na 'to. Tiningnan ko ang aking kwarto. Tanging ito lamang ang nagparamdam sa 'kin na may parte ako sa bahay na 'to itong kwartong 'to hinding hindi ko ito makakalimutan dahil ito ang naging karamay ko sa tuwing galit sa 'kin si Mama or should I say si Tita.

Pagkababa ko ay naabutan kong nagkasagutan ang dalawa kong Mama.

"Wala tayong papeles na pinirmahan Lea kaya malaya kong makuha ang totoo kong anak." Gigil na ani ng aking totoong Ina.

"M-ma..."

Lumingon sa 'kin ang dalawang babae at unang nagsalita sa Mama Lea. "Iiwan mo na ba talaga ako Lia? W-wala ka man lang utang na loob pagkatapos kitang pakainin-"

"Oo may utang na loob ako sa inyo ngunit sa tingin ko'y nabayaran ko na po iyon, sinuklian ko po ang paghihirap niyo kahit na hirap na hirap na ako sa paaralan sinikap kong imaintain ang grades ko dahil alam kong ayaw niyo ng bobong anak ayaw niyong magpatalo sa anak ng kumare niyo, doon pa lang Ma bawing bawi na ako sa utang ko sa inyo. Nag-aaral po akong mabuti hindi po porque may nanligaw sa 'kin ay masisira na rin ang aking pag-aaral hindi po ako gano'ng babae Ma."

"Sumasagot ka na? Dumating lang ang totoo mong Nanay sinasagot mo na ako?!"

"Matagal ko na pong gustong gawin ang sagutin po kayo ngunit nananatiling tikom ang aking mga bibig g-gusto ko lang naman po ng normal na buhay. Ever since I was a child wala na akong kalayaan palagi na lang akong nasa bahay h-hindi ko magawang makipaglaro sa kapuwa ko bata dahil pinagbabawalan niyo po ako pero may narinig kayo sa 'kin Ma? 'Di ba wala! Pinabayaan ko kayong tratuhin ako ng ganito hinayaan ko kayo sinunod ko ang utos niyo ano pa bang kulang? Gusto ko lang naman na mahalin niyo 'ko."

"T-tama na anak," pagpapakalma sa 'kin ni Mama Melia.

"H-hayaan niyo po akong maging malaya, hayaan niyo po akong makapiling ang totoo kong Ina iyon lamang po ang hiling ko." Pinahid ko ang mga luha ko at tuluyan ng lumabas habang bitbit ang aking maleta.

Nakasalubong ko sa labas si Papa nang makita niya ako ay bigla siyang umiyak.

"L-Lia anak iiwan mo na ba talaga si Papa?" Napaiyak ako nang dahil sa sinabi niya.

Kahit papa'no ay naging close kami ni Papa hindi niya na ako palaging pinapagalitan pinaparamdam niya sa 'kin ang pagmamahal ng isang magulang.

"P-pa, I'm sorry." Yumakap ako sa kaniya.

"S-sorry din sa mga nagawa ko noon, ha? Nagsisisi ako anak. S-sana mapatawad mo si Papa."

"D-don't worry Pa magkikita pa rin naman po tayo 'di ba po nangako ka na ikaw ang mag eescort sa 'kin pag nag moving up po ako? W-walang magbabago Pa ikaw pa rin ang mag eescort sa 'kin."

"P-pupunta ako 'nak text mo lang ako ha kahit gaano pa ako kabusy pupuntahan kita. Mahal na mahal kita anak." Hinalikan niya ang aking noo.

"Mahal din po kita Papa." Iyon ang huling salita ko bago namin nilisan ang lugar na iyon.

Magsisimula ako sa bago, bagong buhay 'yong malaya kong gawin ang gusto ko basta kung ito'y ikakabuti ko naman. Ayokong magstay sa toxic na tahanan.

Ilang weeks na lang din naman lilisanin ko na ang lugar na ito makakapagsimula na ulit ako kasama ang aking totoong Ina. At si Stell ayaw ko man siyang iwan dito ngunit kinakailangan siguro naman maintindihan niya 'di ba? Magpapaliwanag naman ako sa kaniya bago ako umalis dito lalo na sa mga kaibigan ko.

Gusto ko bago ako umalis gusto kong may memories kaming maiiwan ng mga kaibigan ko dahil hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako rito hindi ko alam kung magkikita pa ba kami.

And to my Stell, ang hirap niyang iwan sa totoo lang nasanay na ako e nasanay na ako sa presensya niya pero itong pag alis ko ay para rin naman 'to sa ikabubuti ko. Okay lang kung hindi niya na ako hihintayin dahil wala namang kasiguraduhan kung may hinihintay pa ba siya.

Stell Ajero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon