27

4 2 0
                                    

"I-I love you so much, Amelia Praised Castillo." Nanlaki ang aking mga mata nang sinabi niya ang katagang iyon.

Namumula pa ang aking mukha nang mapatingin sa akin ang aking mga kaklase noon.

For real? Hindi ba 'to nag jojoke? Wala talagang halong biro?

Lumipas ang ilang minuto at na bored na ako rito kaya pumunta muna ako sa tabing dagat, feeling the cold breeze.

After a minutes may tumabi sa 'kin kaya nilingon ko siya. Si Stell pala.

Napakamot siya sa kaniyang batok nang lapitan niya ako. "Ahh, I'm sorry earlier. Yna dared me to telling someone I love you." D-dare lang iyon? Bakit ba ako mag eexpect at bakit din ako nasaktan? Napakaliit na dahilan.

"Why me?" I asked out of nowhere.

"Kasi sino ba ang sasabihan ko nang katagang iyon kung ikaw lang naman ang mahal ko..." Nagulat ako sa sinabi niya.

"S-Stell..."

"Yes Lia, I'm still into you." Nakatingin siya sa 'kin nang sabihin niya iyon pagkatapos ay tumingin naman sa karagatan habang may ngiti sa labi. "Kahit hindi ka magpaliwanag alam ko ang nangyari sa iyo kasi andoon ako noong panahong iyon eh, nakita kitang sumakay nang sasakyan, kahit hindi ka humingi ng tawad dahil sa pag-iwan mo sa 'kin at pagsabi na may nagugustuhan kang iba habang nanliligaw ako ay napatawad na kita kasi alam kong hindi mo kayang gawin iyon, alam mo 'yan sa sarili mo."

Umiiyak ako habang nakikinig sa kaniya. All this time, alam pala niya.

"Trust me Lia gusto kong sundan ka pero natatakot ako... Natatakot akong baka ipagtulakan mo ako kaya sabi ko babalikan kita, hahanapin kita. Hindi ko inaasahan na roon pala kita makita sa bahay ni Theo. I was so jealous that time because he introduced you as his girlfriend so I thought you are his girlfriend, ako sana 'yon eh, ako sana iyong magsasabi sa mga kaibigan ko na "meet my girlfriend" kaso naunahan na ako pero noong nagpaliwanag ka there's a small hope in my heart na mapasaakin ka pa." Nilingon niya ako at pinunasan ang luha ko.

"K-kumusta ka na?" Ang tanga ko naman para tanongin iyon nag rarant pa nga 'yong tao.

"Kung sasabihin ko bang okay lang ako maniwala ka? Kasi kahit sa sarili ko hindi ko masabi na okay na ba talaga ako, physically oo pero emotionally? I guess hindi pa. Ang hirap Lia, ang hirap mong kalimutan. I really want to tell you that night na ang daya mo paano ka nakamove on sa 'kin sa loob ng pitong taon habang ako uhaw na uhaw pa rin sa atensyon?" I cried again. "Ang hirap maging masaya lalo na kung alam mo sa sarili mo na pinipilit mo lang naman maging masaya, pinipilit mong maging okay."

"I-I'm sorry Stell. A-ayoko lang may masaktan nang dahil sa 'kin pero nasaktan ka pa rin pala. I'm sorry."

Ang sabi ko nga 'di ba na gusto ko isang sakitan lang sana pero parang hanggang ngayon dinadala niya pa rin.

"Napatawad na kita Lia. Mahal kita eh kahit hindi ka humihingi ng tawad willing ko pa rin ibigay sa iyo ang kapatawaran ko." Ngumiti siya sa akin iyong ngiti na palagi kong inaasam na makita ulit at ngayon nakita ko na talaga. "Ikaw kumusta ka?"

"Masaya na ako ngayon dahil nakapag-usap na tayo, nakapag-usap na ako sa mga kaibigan ko iyon lang naman talaga ang tangi kong hiling sa nakalipas na taon."

"Good for you," napangiti ako. "Do you know who's the real owner of Tell?" Napalingon ako sa kaniya.

"Hindi bakit ikaw kilala mo?"

"Kilalang kilala," napangiti na naman siya sa kawalan. "I am Tell, Lia."

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

"Ikaw ang paksa ng mga tula ko, ikaw lang mahal." Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. "Ako iyong nagbibigay sa iyo ng chocolates, flowers, and letters noong high school pa lamang tayo. Ako lahat nageffort ng mga iyon."

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na yakapin siya kaya walang pagdadalawang isip na niyakap ko siya.

"Ilang beses kong hiniling na sana'y makilala ko man lang ang may ari ng page na iyon pero matagal ko na palang kilala. I am one of your thousand fan, Stell." Niyakap ko siya ng mahigpit at bumitaw rin nang matauhan. "S-sorry nadala lang sa emosyon."

"Alam mo bang pangalan mo lagi ang hinahanap ko sa comment section? Nagbabaka sakaling may comment ka roon pero wala not until noong last mong comment you didn't know how happy I am that time kasi 'yong taong matagal ko ng gustong makita nagcomment din sa post ko."

Ako pala ang paksa ng kaniyang mga tula. Bakit ba ang tanga ko't 'di ko narealize ang Tell at Stell.

Noong gabing iyon ay nagkausap na kami ng maayos. Iyon lang naman ang hiling ko gusto ko sanang bumalik kami sa dati pero malabo sa tingin ko ayaw niya na rin kaya ano pa bang magagawa ko? Oo sinabi niyang mahal niya ako pero hanggang doon na lang siguro iyon.

"Ma?" Ani ko kay Mama sa kabilang linya.

"Bakit 'nak? May problema ka ba r'yan?" Agad na tanong naman niya.

"Ano kasi Ma... Matagal ko na itong pinag isipan eh. P-pwede po bang magtrabaho ako para naman may pambayad ako kapag nag exam na ako for LPT." Hindi kaagad siya nakasagot at tumikhim.

"Saan ka naman magtatrabaho?"

"Sa cafe nila tita Mylene, Ma."

Matagal ko na talaga 'tong gustong gawin para naman hindi ako basta bastang aasa kay Mama.

"Kung iyan ang gusto mo anak pero hindi mo naman kailangan magtrabaho dahil kaya naman kitang tustosan."

Napangiti ako kahit hindi niya naman nakikita. "Si Mama talaga gusto ko na maging independent Ma."

"Oh siya. Tanggap ka na ba sa pinagtatrabahuan mo?"

"Oo Ma sa katunayan nga iyong anak pa ni tita ang nag offer." Totoong si Stell ang nag offer sa akin dahil tamang tama raw naghahanap sila ng sa cashier.

"Okay na ba kayo?"

"Oo Ma, nadadagan na naman kaibigan ko." Tumawa siya sa kabilang linya.

"Ikaw talagang bata ka sige na sige na uwiin mo rin ako rito't mamimiss kita."

"Opo Ma I love you po."

"Mahal din kita anak." I ended the call.

Mag momove on na sana ulit ako eh kaso lagi kaming magkikita kaya abort mission muna.

Stell Ajero Where stories live. Discover now