21

2 3 0
                                    

“Hello new home!” Ngiting ani ko.

Napaka peaceful naman dito, nasa harapan pa ng dagat ang bahay namin. Sobrang laki pa rin ng bahay na ito tapos may parang grocery store rito.

“Ma, kaninong grocery store 'yan?”

“Sa 'tin 'yan 'nak, iyan ang pinagkakaabalahan ko kapag nandito ako.” Ito pala ang isa sa pinagkakakitaan ni Mama.

Pumasok na ako sa loob ng bahay, grabe kung maganda ang sa labas mas maganda rito sa loob. Mukhang lumang bahay lang ito ngunit napakalinis, ang sarap tumira rito habang buhay e. Kung magkakapamilya man ako siguradong dito ako titira.

Pumasok ako sa kwarto ko at namangha ako sa aking nakita grabe ang ganda tingnan kulay brown pa ang theme. Sumampa kaagad ako sa kama at nagmumuni muni.

I miss them. Gusto kong makasama ulit sila pero alam kong hindi mangyayari iyon siguro in the future sure akong magkikita pa naman kami.

I miss him. I really miss him. Sigurado akong galit siya sa 'kin kasi hindi ako nagpaliwanag mas mabuti na siguro ito para mas mabilis siya maka move on.

Babalik naman ako, babalikan ko sila pero hindi ako sure kung may babalikan pa ba ako I'll be back to explain to them kasi deserve nila ang explaination ko lalo na ni Stell.

“'Nak kakain na,” after an hour na pagmumuni muni tinawag na ako ni Mama.

Mabilis kong pinunasan ang aking luha 'di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Bakit ba ako umiiyak e desisyon ko 'to.

Pumunta na akong dining upang kumain. Puro healthy foods ang nakahanda sa lamesa namin.

“Ito muna sa ngayon 'nak don't worry bibili ako ng can goods mamaya,” Mama said and she smiled so I smiled to. “Stop giving me your fake smile Lia huwag mong pilitin ang sarili mong maging masaya.”

Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

Ang hirap naman kasi talagang maging masaya e lalo na kung pinipilit mo lang maging masaya.

“Pwede po ba akong sumama mamaya Ma kapag bibili ka?” Tanong ko. Nagtataka nga ako ba't pa siya bibili e may grocery store naman d'yan.

“Yes you can come para mabawasan 'yang bigat na nararamdaman mo and also bukas na pala tayo mamimili magpahinga muna tayo ngayon.”

Gabi na rin kaya naman pumasok na ako sa loob ng kwarto ko pagkatapos namin kumain. Marami rin palang mga libro rito at sabi ni Mama na libro niya raw iyon noon, mahilig din kasi raw siya magbasa ng mga pocket book kaya siguro sa kaniya ako nagmana.

Siguro matulog na lang ako, wala naman akong ibang gagawin e at isa pa pagod ako ngayong araw na 'to gusto ko lang magpahinga.

Pinikit ko ang aking mga mata at tuluyan na ngang nakatulog.

“Ma! Ang saya rito!” Nandito kasi kami sa isang parang amusement park at may mga rides dito.

Nilaro ko 'yong baril barilan kapag marami kang mabaril may equivalent na malaking teddy bear. Bawal kasi ako sa rides kaya rito na lang ako naglaro.

Parang bigla kong nakalimotan na malungkot nga pala ako kasi nasobrahan ata ako sa saya ngayong araw. Pwede bang ganito na lang? Iyong walang iniisip na problema at palagi lang masaya pero sabi nga nila mas magiging matatag ka kapag maraming problema ang darating sa buhay mo.

Isa lang ang narealized ko, kahit marami kang pinagdadaanan, kahit maraming problema piliin mo pa rin maging masaya kasi alam mo kung bakit? Kapag nagpadala ka sa lungkot paano mo mahahanapan ng solusyon ang problemang kinakaharap mo ngayon may iba pa nga na idinadaan sa pagkitil ng sariling buhay. Ang ganda ng mundo para iwan natin nang maaga.

Gabi na nang makauwi kami ni Mama. Nagpapasalamat talaga ako dahil nakasama ko na ang totoo kong Ina pero miss ko rin naman si Mama Lea kahit napaka strict no'n mahal ko pa rin siya bilang una kong naging Nanay.

Noong nasa puder pa ako ni Mama Lea kada bakasyon nasa loob lang talaga ako ng bahay, nagbabasa ng libro. Walang thrill ang bakasyon ko kaya sa loob ng ilang buwan, ilang libro rin ang matapos ko pero ngayon nakakagala na ako ang sarap pala sa pakiramdam 'yong nasa labas ka habang parang batang naglalaro.

“Are you happy, anak? Naging masaya ka ba ngayong araw?” Nakangiting sabi ni Mama habang nagluluto siya.

Napangiti ako. “Sobra po Ma, salamat po.”

“Walang anuman deserve mo naman maging masaya. Oh, bukas pwedeng pwede ka maligo sa dagat maraming mga turista na maliligo lalo na at summer na.” Nagningning naman ang mata ko.

Makakaligo na rin ako ng dagat after how many years.

“Malapit na birthday mo, anong plano mo? Gusto mo papuntahin natin dito mga friend mo?” Natigilan ako dahil sa sinabi ni Mama.

“T-talaga po? Gusto ko po sana kaso baka nagbakasyon ang mga 'yon e magluto lang tayo Ma kahit kaunti lang.” Ani ko naman. Gusto ko sanang imbitahan ang mga kaibigan ko pero hindi pa ako handa at isa pa sure akong masaya silang nagbabakasyon ngayon kasama ang pamilya nila.

Kamusta na kaya sila? Namimiss din kaya nila ako? Kamusta na kaya si Stell? Ako pa rin kaya ang laman ng puso niya? Okay lang naman kung hindi na kasi iyon naman talaga ang hiling ko sa kaniya ang maging masaya siya kahit wala ako.

I hope they are okay because I am too, masaya na ako sa buhay ko ngayon kahit may part sa 'kin na kulang dahil wala 'yong mga taong mahalaga sa 'kin pero ayoko na talagang bumalik doon lalo na ngayon, huwag muna sa ngayon may takdang panahon naman para roon.

I promised, babalik ako babalikan ko ang mga kaibigan ko, babalikan ko si Stell, si Papa, babalikan ko ang bahay na minsan ko ng tinirhan kahit pa nga marami akong mga hindi magandang nangyayari sa buhay ko roon, babalikan ko ang lugar ko saan ako lumaki. Not now but soon, siguro kapag may ipagmalaki na ako. 10 years from now, babalikan ko ang lugar na minsan ko ng naging tahanan sa ngayon mag-aaral muna akong mabuti dahil hindi ko naman maaabot ang mga pangarap ko kung nandito lang ako buong taon 'no.

I will be back and that's a promise.

Stell Ajero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon