24

2 2 0
                                    

What is he doing here?? Magkaibigan ba sila ni Theo? Bakit hindi ito sinabi ni Theo? Sabagay, hindi niya naman alam na may nakaraan kami ni Stell.

“It's nice to see you again, Stell.” I tried myself not to stutter and I guess I did it.

“Oh! So, magkakilala kayo noon pa?” Theo asked.

Tiningnan ko si Stell para sana siya na 'yong sumagot.

“Yeah, just an acquaintance way back in high school, right Lia?” He emphasize the word 'acquaintance'.

“Y-yeah,” pinilit ko na lamang ngitian siya.

Ang sakit naman sa “just an acquaintance” niya pero deserve ko 'to ako 'yong nang iwan e.

Nagpakilala pa ang iba ngunit tila wala na ako sa sarili ang lakas pa ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? Okay lang ba ako?

Nagsimula na ang party ni Theo at nasa mesa lang ako kasama ang mga kaibigan niya, ang ewan nga niya e bakit dito niya ako pinaupo.

“Same course lang kayo ni Theo?” Tanong ni Zion, isa sa mga kaibigan ni Theo.

“Ah oo, ikaw ba anong natapos mo?”

Uminom muna siya ng wine na kanina niya pa hawak bago ako sagutin “Educ din pero major in English.”

Tumango tango ako. “Secondary or elementary?”

“Tertiary,” nakakalokong aniya. “'Di joke lang, secondary classmate ko nga si Stell e.”

“Amelia, girlfriend ka talaga ni Theodore? Akala ko ba allergic 'yon sa mga babae?” Tanong ni Kio.

Sinasabi ko na nga ba, inaakala talaga nilang girlfriend ako ni Theo e.

Hindi ko alam pero tiningnan ko si Stell at tama ba ang nakikita ko? Hinihintay niya ba ang kasagutan ko sa tanong ni Kio?

“Girlfriend? Of course not, ang ibig sabihin ni Theo ay kaibigan niya ako na babae kaya girl friend. Magkahiwalay ang girl at friend.” Paliwanag ko naman at hindi ko mapigilang tingnan si Stell.

Nakangiti siya ngayon habang nakaiwas ng tingin at ininom ang wine na kanina lang ay pinaglalaruan niya sa kaniyang mga kamay, ang ngiti pa niya'y parang ngiting tagumpay.

Anong iniisip mo, Mr. Ajero?

_

Mataman kong tinitigan si Lia habang naghihintay sa kaniyang sagot sa tanong ni Theo, ang ganda. Sobrang ganda niya pa rin.

Bakit gano'n ang unfair naman ata? Mukhang naka move on na siya sa 'kin habang ako sa nakalipas na taon walang araw na hindi ko binibisita ang accounts niya pinakauna pa siya sa search list ko.

Are you done loving me, mahal?

Nang sumagot siya ay parang nabuhayan ako ng loob. What did she say? Hindi sila mag jowa ni Theo. Dapat na ba akong matuwa? Wala silang relasyon pwede ko siyang angkinin ulit.

“Gago, totoo? Sobrang bagay niyo pa naman pero may naging bf kana noon?” Kahit kailan talaga napaka tsismoso nitong si Kio e daig pa babae.

Ngumiti naman si Lia at sandaling tumingin sa 'kin.

“Wala, manliligaw lang pero nag-iisa lang siya noon.”

Parang tinambol ang puso ko nang dahil sa kaniyang sinabi. Totoo ba 'to? Ako lang ba ang nanligaw sa kaniya sa loob ng pitong taon?

“Sinagot mo? Kayo pa ba hanggang ngayon?”

“Gago talaga 'tong si Kio e ano ba 'to fast talk with Boy Kio?” Natatawang sabi ni Zion.

“H-hindi ko siya sinagot kasi pumunta kami rito, something bad happened kasi pero okay naman siguro siya ngayon at okay namana ako. Sigurado naman akong naka move on na rin siya sa 'kin at gano'n din ako sa kaniya.”

What the?? Anong naka move on sa kaniya? Kailan ba ako naka move on? May sinabi ba akong naka move on na ako sa kaniya? Hanggang ngayon nga siya pa rin e.

I don't care kung wala ka ng nararamdaman sa 'kin but I will make sure na akin pa rin hanggang sa huli. Aangkinin ulit kita, mahal.

_

Nakita kong natigilan si Stell sa sinabi ko at umiwas ng tingin, tumaas pa kaniyang kilay na tila ba hindi nagustuhan ang sinabi ko.

“Naka move on ka na? Sure na 'yan? Kasi liligawan kita,” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kio.

Seryoso ba siya?

“H-ha?”

Tumawa ito at napahawak pa sa tiyan niya. “Hindi joke lang may irereto ako sa 'yo gwapo rin ito, matalino, matino, may sense kausap, at higit sa lahat mabait.” Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin kay Stell. “Stellvester ang pangalan niya. Ayaw mo ba? Susulatan ka pa niya ng tula, sure na ba na ayaw mo?”

“A-ano... H-hindi naman sa ayaw ko pero you know hindi pa ako nagpapaligaw ngayon. Siguro kapag tunay na LPT na talaga ako.” Nakangiti kong ani.

That's actually my plan. I promised to myself na magpapaligaw lang ako kapag naging LPT na ako pero okay lang naman kung walang manligaw 'no nabuhay nga ako ng ilang taon na walang boyfriend e.

Hindi ko talaga maintindihan ang iba kung bakit ang atat nila magka boyfriend/girlfriend ta's kapag meron na mag checheat, hindi naman lahat, kung may ibinigay na saka naman mapagod. Pwede naman sigurong maghiwalay na walang involve na cheating 'no? Bakit kaya hindi nila mapigilan mag cheat?

Actually, cheating is not an accident, it's a choice kasi bakit sila mag checheat kung may girlfriend or boyfriend naman sila hindi ba? Ang dali lang kaya makipag-usap kung pagod ka na hindi iyong maghanap ka ng iba para maging pahinga mo. So, kapag sinasabi niyong cheating is an accident, ano 'yan nasagasaan kayo ta's nabagok ulo niyo kaya naisipan niyong mag cheat gano'n?

“Sorry ka Stell parang ayaw ata sa 'yo baka gusto na sa 'kin,” nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Zion.

“Manahimik ka nga Zion ang baho ng bunganga mo,” sabi naman ni Stell.

“Grabe naman hindi ka lang bet ni Amelia nagkakaganiyan ka na.”

“Tss, kung ako nga hindi niya bet ikaw pa kaya? 'Di hamak na mas gwapo, matino, may sense kausap, at mabait ako sa 'yo.”

“Sino kaya 'tong hindi sinagot ng nililigawan kaya umiyak 'no?” Nakangising sabi ni Zion. “First time manligaw, first time rin na reject, first love first heartbreak.”

Nagdilim ang paningin ni Stell, napipikon na. “Isa na lang Zion at babalian na kita ng buto riyan at hindi ako nagbibiro.” Kalmado ngunit makikita mo talagang napipikon na siya. Nakakatakot pala kapag ganito si Stell.

Iniyakan niya ako? Iniyakan niya ang babaeng nag-iwan sa kaniya nang wala man lang matinong paliwanag.

I badly want to ask him kung ako pa rin ba?

Stell Ajero Where stories live. Discover now