02

18 5 0
                                    

Araw-araw na lang ba ganito wala na bang bago? Hindi nga nila ako sinaktan physically but they hurt me emotionally and mentally.

Their words hurt me and broke me into pieces, masakit pero kinaya ko wala naman akong magagawa dahil iyon naman talaga sila. Sila Mama at Papa na 'yan e syempre wala na akong magagawa dyan.

“You look sad.“ Puna sa akin ni Dreyfus habang gumagawa kami ng activity sa cafe na paborito ko, partner kaming dalawa.

“'Di naman.” Tanggi ko kahit pa alam kong mahahalata naman talaga na malungkot ako kahit ano pang tanggi ko.

“If you have a problem you can share it to me.” He smiled, labas pa 'yong dimples niya he's so cute.

Tinapos na namin ito para makauwi na ako, papagalitan na naman ako nila Mama dahil matagal akong umuwi.

I love my parents pwro ayokong maging katulad nila someday.

At dahil madali lang naman 'yong ginawa namin natapos namin ito ng kalahating oras lang.

“Hatid na kita.” Ani Dreyfus kaya tumango lang ako.

Wala akong gana magsalita ngayon kung pwede nga lang hindi ako papasok e pero ano namang gagawin ko sa bahay? Tutunganga? Tatangapin ang mga masasakit na naman nilang salita na ibabato sa 'kin?

“Dito na lang ako.” Ani ko at ngumiti. “Salamat sa paghatid.”

Nagulat ako nang bigla na lamang siyang yumakap sa akin. “Kapag may problema ka magsabi ka lang ha, makikinig ako.” I hugged him back.

“Thank you Dreyfus.” Pinakawalan ko na siya at pinahid ang luha na nakatakas pala sa aking mga mata.

Pumasok na ako sa bahay, as usual tahimik na naman ang bahay iingay lang talaga ito kapag pinapagalitan ako nila Mama e.

Dumiretso na ako sa taas, may second floor naman itong bahay namin at nandoon ang aking kwarto.

Doon ako nagmukmok na tila aping api kahit totoo naman. Bakit kasi ang unfair ng mundo e, ginawa ko naman kasi ang lahat para maging proud lang sila sa akin pero wala kahit ano pang puyat ko para lang magawa ko 'yong assignments, activities, performance task, projects and output wala pa rin 'yon lang talaga ang kaya ko. Nagpaparticipate naman ako when it comes to recitation and oral, sumasayaw naman ako sa MAPEH, hindi naman ako nag rereklamo kung ano pa 'yong pinapagawa nila sa akin pero hindi pa rin enough iyong nakuha kong grades para sa mga magulang ko.

Minsan nga napapaisip ako kung bakit nila ginagawa sa akin 'to alam ko naman kasi na pinipressure din sila nila Lola noon pero kailangan ba nilang gawin iyon sa akin kung alam naman nila 'yong feeling?

Kung magsasalita naman ako sasabihan naman ako na 'walang kwentang anak' kaya paano ko i-explain 'yong side ko kung sa bawat buka ng bibig ko ay parang ang sama sama ko ng anak para sa kanila?

Pagod na ako, pagod na pagod dahil sa ginagawa nila sa akin pero pinilit ko na lang intindihin dahil sila naman 'yong laging tama at tayong mga anak ang laging mali kahit may mali rin naman sila hindi lang nila matanggap kasi nga mas may alam daw sila sa mundo mas matagal na daw sila nakatira dito.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking dalawang mata. Pagod na akong umiyak nakakapagod umiyak sa walang kwentang bagay.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa aking kama upang matulog, gusto kong magpahinga kahit ngayon lang. Ipahinga ko lang 'tong sakit na nararamdaman ko.

__

Gumising ako dahil parang hinalukay ang tiyan ko sa gutom kaya bumaba ako upang kumain, buti na nga lang dahil nakaluto na sila Nanay at ang mga kasamahan niya.

Nasa labas pa ang mga helper namin.

“Hindi pa po ba umuwi si Mama?” Tanong ko.

“Hindi pa po ma'am, kung gusto niyo po mauna na kayong kumain.”

“Pwede po bang sabayan niyo po ako?”

“Naku ma'am! Baka po kasi pagalitan kami ni Madame kapag naabutan niya kaming kumakain kasama ka.”

Ngumiti ako sa kanila para iparating na okay lang. “Ako na po 'yong bahala sa inyo nakakawala kasi ng gana kapag ako lang po mag-isa at isa pa wala naman po silang pakialam sa 'kin.” Dahan dahan na lamang tumango ang mga helper at sabay sabay kami kumain.

“Ate Cherry, bobo ba ako?” Tanong ko sa isa naming helper na medyo close ko siya kasi 'yong pinaka bata dito kaya medyo vibes ko siya.

“Ay naku ma'am napaka talino niyo po promise, top 2 ka nga sa section niyo e tapos with high honor pa nga po kayo. Noon, masaya na sila Nanay at Tatay kung makasabit ako sa achiever e.”

“Sana po maging masaya din sila Mama at Papa dahil with high honor naman po ako.” Yumuko ako.

“Masaya naman siguro sila, 'nak pero ayaw lang nilang ipakita sa 'yo pero alam kong mahal ka rin nila bilang anak dahil walang magulang na hindi mahal ang anak nila.” Napailing na lang ako sa sinabi ni Nanay Cora.

“Kung totoong mahal nila ako bakit hindi sila maging proud sa akin kapag may nagawa akong tama? Ang nakikita lang nila ay mga mali na nagawa ko? Gano'n po ba iyong pagmamahal? Kung gano'n ayaw ko na pong magmahal. Ang sakit nga po nilang magsalita na para bang hindi nila ako anak, hindi ko naman kasalanan na nabuhay ako dito sa mundo. Sila naman 'yong bumuo sa akin at responsibelidad po nilang mahalin at alagaan ako pero kumuha pa sila ng ibang tao upang may mag-alaga sa 'kin e alam ko namang kaya naman nila. All I want is love from my parents but instead of love they gave me pain.” Humihikbi kong inilabas ang matagal ko ng ikinimkim.

“Hayaan mo 'nak! Kapag recognition day niyo na tapos wala sila Ma'am, ako ang magsusuot sa 'yo ng medalya nandito lang kami at always kaming proud sa 'yo at sa mga nakamit mong karangalan.” Nanay Cora said, trying to light up the mood.

How I wish she's my mother. Masaya lang tingnan ang pamilya namin pero 'yong totoo ay hindi, mas importante ang sasabihin ng ibang tao sa kanila kesa sa sasabihin ng mismong anak nila.

Edi sana 'yong ibang tao na lang ang ginawa nilang anak tutal naman doon sila proud. Wala naman akong sinabi na buhayin nila ako sa mundo na ito. Ipinalaglag na lang sana ako ni Mama kung hindi niya rin naman ako kayang mahalin katulad ng ginagawa ng ibang magulang.

Stell Ajero | ✓Where stories live. Discover now