22

2 3 0
                                    

“Congrats anak!” Niyakap ko si Mama, kung hindi dahil sa kaniya hindi ko makakamit ang lahat ng ito.

“Salamat Ma isa ka sa rason bakit ko nakamit ito.” Nakangiti kong sabi habang tumutulo ang aking luha.

I just graduated with latin honor, Cumlaude. It's been 7 years at sa loob ng pitong taon alam kong okay na ako fully healed na talaga.

Degree holder na talaga ako. I'm so proud of myself at sigurado akong gano'n din si Mama.

Education ang kinuha ko dahil hindi kaya ng budget namin ang accountancy pero ang natapos ko naman ay Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics kaya okay lang kasi involve pa rin naman siya sa Math.

Marami na rin akong mga nakilalang mga tao, hindi na ako iyong dating introvert dahil ngayon ay kaya ko ng makipagsabayan sa kanila.

Kumusta na kaya ang mga kaibigan ko? Masaya na kaya sila dahil feeling ko oo.

Si Stell, kumusta naman kaya siya? It's been 7 freaking years pero siya pa rin, oo fully healed na ako, naka move on na pero siya pa rin talaga e.

Gumawa uli ako ng accounts sa iba't ibang social media dahil sa college hindi pwedeng mag social break ka lalo na't andaming links na isesend sa messenger or sa email.

Binibisita ko ang account ng mga kaibigan ko at sa tingin ko naman masaya na sila. They graduated with latin honor also and of course Dreyfus being Dreyfus syempre Magna Cumlaude 'yon.

And si Stell? He graduated with latin honor also a Cumlaude I'm super proud of him, isa na rin siyang teacher ngayon pero major in English at Secondary din.

Proud na proud ako sa kanila I wondered if gano'n din kaya sila sa 'kin?

Binisita ko ang account ni tell and no new naman nagpopost pa rin siya ng mga tula pero may bagong posts siya as in Just now pa lang talaga.

it's been 7 years, baby
and that 7 years is a hell of me
when will you come back?
or are you still coming back?

— tell

how are you, sweetie?
are you doing great?

i miss you,
did you miss me too?

— tell

Sweetie... I miss that endearment. Bakit tila sobrang lakas naman ata ng tibok ng puso ko. Hindi naman ata 'to si Stell e baka coincidence lang.

Nag scroll down pa ako at may mga post siyang 1 hour pa kaya binasa ko.

I graduated with latin honor,
a Cumlaude
hey, my baby
are you proud of me?

— tell

Nag comment ako, matagal tagal na rin simula nang mag comment ako sa mga post niya.

Amelia Castillo:
Congrats, tell! I know she's more than proud of you because we are too! ^3^

Hindi ko pa talaga nakita ang mukha nitong si tell e, kung sino man ang babaeng nang iwan sa kaniya sobrang tanga no'ng babae. Ginto na naging bato pa.

May party sa bahay ng classmate ko kaya pinapunta kaming mga classmate niya rin pa'no ba naman siya lang 'yong Magna Cumlaude sa buong batch namin kaya nagpa party ang mga magulang niya, mayaman din kasi sila.

I'm just wearing my crisscross bodycon dress na color black with a paired of black stiletto at ang black ko rin na pouch. All black pala ako ngayon. Light make up lang din ang nasa mukha ko tutal ayoko sa mga masyadong makapal na kolorete.

“Ma alis na po ako,” paalam ko kay Mama na nasa kwarto niya.

“Mag iingat ka roon anak at sabihin mo kay Theo na congratulation.” Ani naman ni Mama at hinalikan ako sa aking pisngi.

“Sige po, Ma.”

Sumakay na ako sa sasakyan na ipinadala ni Theo rito may kasama ako sa loob dahil wala kaming masasayan e kaya sabi ni Theo na papupuntahin niya lang daw ang driver sa mga bahay namin upang sunduin kami.

“OMG! You're so gorgeous talaga Praised!” Compliment ni Avery kaya nahihiya ako nagpasalamat sa kaniya. Ang ganda niya nga rin sa suot niya ngayon e.

Habang nasa byahe ay nagpicture picture kami, for keep daw dahil baka raw hindi na kami magkikita kita.

Nakarating kami sa mansion nila Theo, sobrang ganda talaga rito oo probinsiya ito ngunit hindi naman ibig sabihin e wala ng malalaking bahay dito 'no sa katunayan nga ang dami pa e.

Pumasok na kami at sobrang daming tao sa loob, hindi naman ako takot sa tao dahil nasanay na rin ako.

“You're so gorgeous, Praised!” Sabi kaagad ni Theo.

He wear a black fitted slacks then sa top niya ay long sleeve na black polo at nakabuka pa ang dalawang butunes nito, naka tuck in pa ang gwapo niya rin ngayon.

“Let's take a picture!” Saad ko.

Siya 'yong classmate ko na close na close ko talaga. Hindi siya gay, lalaking lalaki siya and his name is Theodore Solis. Sobrang talino niya at masipag din mag-aral kaya nga nasungkit niya ang Magna Cumlaude e.

Nagpa picture kami sa kakilala lang din naman namin.

“Look at those two, sobrang bagay talaga.”

“Ang cute nila sa mga suot nila.”

“Graduate na ako sa college pero kinikilig pa rin ako.”

“Why so bagay? Crush ko pa naman sana si Theodore pero magpapaubaya ako basta kay Praised naman siya babagsak.”

Iyan ang naririnig kong mga bulong bulongan sa paligid namin.

“Kung hindi lang sila magkaibigan aakalain ko talaga mag jowa sila, napakabagay.”

Sa sobrang closeness namin napagkamalan na kaming magjowa pero alam kong pagkakaibigan lang talaga ang pagtingin namin sa isa't isa at isa pa may crush itong si Theodore sa Architecture e.

“Ako naman ang kunan mo ng picture, Theo.” Siya rin iyong nagsisilbing photographer ko.

Umupo na kami pagkatapos naming magpicture, nag open ako ng instagram at doon nagpost hindi ako makapost sa facebook dahil minsan lang naman akong active doon at sa messenger pa pero sa IG sobrang active ko rito.

Pinost ko ang picture namin ni Theo with a caption
“He can and he will. Congrats lovie @theodoresol our Magna Cumlaude dasurv! ^3^”

Marami na kaagad iyong reacts and comments ikaw ba naman makasama ang isang Theodore Solis na hinahangaan ng lahat.

aveyrey_: omg! sobrang bagay talaga T_T congrats both, love u!

breantven: luh ano 'to? @theodoresol akala ko ba si architecture lang? haha kidding, gratsie!

Naputol ang pagbabasa ko ng mga comment nang lumapit sa akin si Theo.

“Praised, I'll introduce you to my friends.” Hinila niya ako. Makahila naman 'to.

“Guys, this is Amelia Praised Castillo. My girl friend.”

Para akong natuod sa kinatatayuan ko nang makita ko ang mukha na matagal ko ng gustong makita.

He offered his hand. “Nice to meet you, Amelia Praised Castillo. You have a nice taste bud,” he said sarcastically.

It's nice to finally see you again, Stell...

magkaiba ang girlfriend sa girl friend ha.

-vélle

Stell Ajero Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt