14

5 3 0
                                    

It hurts. Ang sakit pala kapag umasa ka sa taong hindi ka naman binigyan ng assurance. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan hindi naman niya sinabi na umasa ako sa kaniya.

Pumayag ako sa gusto ni AC dahil bilang isang kaibigan, kahit ano naman sigurong gagawin ko ay hanggang kaibigan lang talaga ang kayang ibigay ni Stell.

“Ang ganda ni AC 'no?” Ani ko habang wala sa sariling binubuklat ang pahina ng libro.

“Sinong AC? AC Bonifacio?” Kunot noong tanong niya. Hindi niya pala kilala si AC?

“Mama mo AC Bonifacio. Si Aznaira Craeyv kasi parang bobo naman 'to hindi ka siguro nag kinder.”

“Saan mo na naman 'yan natutunan ha Amelia Praised? Hindi kita pinalaking ganiyan kasi hindi ka naman talaga lumaki.” Humagalpak siya ng tawa at ako naman ay sinamaan lang siya ng tingin. Ano ako? Dwarf?

“Sana hindi ka i crush back ng crush mo.” Kinuha ko ang aking gamit at tumayo na.

“Ito naman oh parang biro lang eh. Sorry na.” Hindi ko siya pinansin at patuloy lamang sa paglalakad. Hinigit niya ang braso ko at pinaharap sa kaniya. “Biro lang naman talaga 'yon.”

“Kaya hindi ka crush ng crush mo kasi puro ka biro.” Ani ko at binawi ang aking braso.

“Kailan mo ba ako i c-crush ba–” Hindi pa niya natapos ang sasabihin nang biglaang sumulpot si Pablo.

“Hi!” Nakangiting bati niya sa 'min at ito namang si Stell biglang nawala sa mood.

“Moment ko na 'yon eh, gaguhan ba 'to?” Sabi pa ni Stell and Pablo just laughed, ang gwapo niya naman tumawa.

“Is that so? Should I say sorry? You're going to confess na pala I'm sorry to interrupt you dre. Good luck!” Tinapik niya ang balikat ni Stell at naglakad palayo.

“Ano nga ulit sasabihin? Anong confess ang pinagsasabi ni Sejun?”

“Makinig ka sa sasabihin ko ha. Kasi ano, c-crush kita matagal na gusto ko sanang sabihin sa 'yo 'to noon pa pero natorpe ako. Natakot ako na baka iba 'yong mahal mo.” Seryoso niyang sabi sa akin kaya nalaglag ang panga na tiningnan ko siya pagkatapos ay napakurap kurap.

“A-ano?” Iyon lamang ang aking nasabi because my brain didn't function well.

“Ayos ba?” Lumaki ang ngisi niya.

“A-anong ayos?” Kumunot naman ang noo ko. Ano na namang kalokohan ang pinagsasabi nito?

“Ayos kamo 'yong line ko, practice ko lang 'yon plano ko kasing mag confess kay crush eh.” Mas lalong laglag panga ko siyang tiningnan. Sabi na eh nagloloko lamang isang 'to.

“Ewan ko nga sa 'yo!” Hindi ko alam pero nasaktan ako dahil may iba na siyang crush kahit alam ko naman na si AC talaga 'yon. Ang swerte niya pala.

“Siguro umasa ka na ikaw 'yong crush ko 'no? Uy umasa.” Panunukso pa niya sabay sundot sa tagiliran ko.

“Akala mo kasi nakipagbiruan eh.” Inis kong sinuntok ang braso niya pagkatapos ay naglakad paalis.

Nakakainis talaga, nakakainis dahil sa ginagawa niyang biro lahat akala mo naman nakakatuwa e hindi naman lahat ng biro nakakatuwa 'no.

“Hoy saan punta mo?” Nahabol pala niya ako ba't kasi ang taas ng mga binti niya.

“Sa lugar na kung saan wala ka.” Hindi pa rin nawala ang inis na nararamdaman ko. Muli ko siyang nilingon at pinagbabantaang tiningnan. “'Wag mo na ulit akong susundan.” Mariing sabi ko.

Hindi na nga niya ako sinundan. Salamat naman at wala ng mangungulit sa akin, gusto ko lang ngayon ng tahimik nakakairita kasi kapag maingay ang ewan pero naiirita talaga ako lalo na kapag boses ni Stell.

Hapon na ngayon at uwian na. Kinuha ko kaagad ang mga notebook ko sa lamesa at ipinasok sa aking bag, kinuha ko na rin ang aking book para bitbitin.

“Uy, street food muna tayo? Ano, G?” Yaya ni Mark sa amin at agad naman silang nagsi tanguan. Gusto ko rin sanang sumama kaso baka magalit si Mama kapag natagalan akong umuwi.

“Uuwi ako ng maaga ngayon e,” dry kong sabi sa kanila.

“Kapag si Stell 'yong nagyaya, sasama ka agad pero kapag kami hindi.” Ani Lyza sabay lakad palabas kaya sinundan siya ni Drey.

Nakonsensya ako pero hindi talaga pwede lalo na kapag hindi ako nakapagpaalam.

“Ano ka ba! Okay lang 'yan, naiintindihan ko naman na hindi ka papayagan ng Mama mo. Intindihin mo na lang muna si Lyza, nagtatampo lang talaga sa 'yo 'yon pero bukas papansinin ka ulit no'n.” Sabi ni Mark at tinap ako sa aking balikat.

“Pakisabi na sorry talaga pero hindi talaga ako pwede.” Ngumiti lamang siya at ginulo ang buhok ko. Sabay kaming lumabas ng classroom at naglakad papuntang parking lot.

Nakita ko na kaagad ang sundo ko kaya nagpaalam na ako kay Mark.

Pumasok kaagad ako at nakita ko si Tita Melia, ang kapatid ni Mama na kamukhang kamukha ko.

“Mano po,” ani ko sa kanila.

“Ang laki mo na hija, anong grade ka na?” Tanong niya matapos akong halikan sa pisngi.

“Grade 10 na po.” Magalang kong ani. Siya talaga 'yong tita ko na close na close ko, mukha nga kaming magkapatid kasi parehas kami ng mukha. Ang weird lang kasi mas kamukha ko pa siya kesa kay Mama.

“Mabuti naman ang pag-aaral mo, ha? May boyfriend ka na ba hija?” Bigla akong natigilan sa tanong ni tita, ang ewan talaga ng mga tita natin 'no? Palagi tayong tinatanong kung may boyfriend na ba tayo, minsan pa sasabihin na “ang laki mo na siguro may boyfriend ka na.”

“Ah, wala po. Study pa po kasi muna para makabawi ako kila Mama't Papa.”

“Nako ayos lang naman kung mag b-boyfriend ka basta you should know your limitation. Huwag mo lang gawing distraksiyon iyan, ha.”

“Tinuturuan mo na naman ng kung ano-ano si  Amelia,” ani Mama habang umiinom ng kaniyang tsaa.

“Parang hindi ka ganiyan noong kabataan natin, Lea. Pabayaan mo na si Amelia, iparanas mo kung anong pakiramdam ng isang dalaga.” Ani pa ni tita. Agree naman ako sa kaniya kasi sabi nila i-enjoy ko raw ang kabataan ko pero paano ko nga ba ito i-eenjoy kung nasa bahay lang ako, 'di ba?

Libro lang ang tanging kausap ko rito bukod kila Nanay. Naiintindihan ko 'yong hindi muna ako pwede magka magka boyfriend pero hindi naman siguro tama na halos ikulong na lang ako sa bahay.

Hindi ko pa nga na try 'yong mag travel sa ibang bansa e, ang ewan ni Mama bakit hindi niya ako pinapayagan.

“Hindi mo kasi alam ang naranasan ko Melia, palibhasa wala kang alam at hindi mo rin gustuhing malaman.” Pagsagot naman ni Mama.

Napapatanong ako kung kilala ko nga ba talaga si Mama? Bakit ang dami niyang sekreto?

Stell Ajero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon