07

11 3 0
                                    

Nahinto ako sa pagbabasa nang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. I was currently reading my new collection book, ang catchy kasi ng title tapos Mystery-Thriller pa 'yong genre kaya inorder ko na online.

“Bakit po?” Tanong ko nang buksan ko ang pinto.

“May naghahanap sa 'yo sa labas, hija.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Nanay Cora, wala naman akong inaasahang bisita ngayon.

“Sino daw po?”

“Lalaki kasi 'yon hija hindi ko kilala ngayon ko pa lamang nakita 'yong mukha niya.” Tumango na lang ako at bumaba na naka silk pajama lang naka anti radiation pa ako tapos naka messy bun. Hindi talaga ako nag-aayos kapag nasa bahay lang e.

Natuod ako sa aking kinatatayuan nang makita kung sino 'yong nasa labas.

“S-Stell?” Gulat ko pa ring sambit, anong ginagawa niya dito?

Natulala siya saglit bago nagkamot ng batok habang pinapakita ang iced coffee at cookies and muffins na dala niya, halatang galing ito sa cafe na pag-aari nila dahil kita naman sa cellophane na pinaglalagyan nito.

Pinapasok ko siya dahil wala naman sila Mama kaya okay lang kung magpapasok ako ng ibang tao dito sa bahay.

“A-ano nga palang ginagawa mo dito?” Hindi pa rin kumalma ang sistema ko.

Ang pangit ko ngayon! Wala pa akong ligo pero mabango pa rin naman ako, nag t-toothbrush rin kaya ako 'no pero teka nga ano namang pake ko kung pangit ako ngayon? Si Stell lang naman 'to.

“Sabi mo kasi hindi ka pinapayagan lumabas kaya ako na lang pumunta dito. Inorder ko pa 'yong iced coffee at cookies and muffins sa cafe ni Mama balita ko kasi 'yan ang palagi mong inoorder.”

Kinuha ko ang order niya at nagpasalamat, nilagay ko ito sa aming hapagkainan.

“A-ah gusto mo bang mag bake tayo?” Maingat na tanong ko, wala naman kasi akong ibang naisip na gagawin ngayon e.

“Talaga? Marunong akong magbake!” Masayang sabi niya, para talaga siyang bata dumagdag pa na napaka baby face niya.

Hinanda ko ang gagamitin at mga ingredients, cookies lang naman ang i b-bake namin dahil iyon lang ang madaling i bake.

Malapit na mag gabi ngunit wala pa rin sila Mama kay masaya ako dahil kahit papa'no may kasama at nakakausap ako ngayon sa bahay.

Napapalakpak ako dahil ang bango ng cookies. Tinikman ko ito at napakasarap nga! Marunong nga talaga siyang magbake.

“Maybe you can teach me how to bake?” Umaasa kong tanong.

“Oo naman, kelan mo ba gusto?”

“Hindi naman ako pinapayagan ni Mama lumabas.” I pouted, yeah right nasa bahay lang ako palagi.

“Maybe we can do a video call? Alam mo 'yon? 'Yong sa messenger, malakas naman ata wifi niyo 'no?”

Nagningning na parang mga butuin ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi, ang talino niya! May messenger nga pala.

Masaya akong naghatid ng cookies at juice sa kwarto nila Nanay Cora since patulog na rin sila. Maaga talaga silang matutulog lalo na kapag maaga ding matapos ang kanilang trabaho.

“Para po sa inyo!”

“Ang ganda ng ngiti ah, boyfriend mo ba 'yon 'nak?” Tanong sa akin ni Nanay Cora at agad naman akong pinamulahan ng pisngi.

“H-hindi po!” Mabilis kong tanggi. I can't imagine myself with Stell.

“Oh siya salamat dito ah iwan niyo na lang ang mga hugasin kami na maghuhugas kapag tapos na kayo.”

“Ako na po maghuhuhas.” Akmang magsasalita pa si Nanay nang ngitian ko siya kaya napabuntong hininga na lamang siya. “Nasaan nga po pala sila Mama?”

Napakunot ang noo ni Nanay Cora dahil sa sinabi ko.

“Hindi ba nila sinabi sa 'yo?” Takang tanong ni Nanay.

“Ang alin po 'nay?”

“Nagbabakasyon sila ng Papa mo baka daw isang buwan sila doon, sa ibang bansa 'yong pinagbakasyonan nila sinabi ko nga kung bakit hindi ka nila kasama at ang sabi naman ni Lea e busy ka daw sa pag-aaral mo.”

Napayuko ako. They didn't tell me that they have a vacation together. At least nagpaalam man lang sila, I'm still their daughter.

“H-hindi po nila sinabi.”

Pagkatapos ng usapan namin ni Nanay Cora ay bumalik na ulit ako sa sala kung nasaan si Stell. Mabigat ang bawat hakbang ko kasing bigat ng nararamdaman ko ngayon, I want to cry pero ni isang luha ay walang pumatak pero napakasakit naman ng aking kalooban. Siguro dahil ubos na ang luha ko para sa kanila.

Sanay naman ako sa ganito ngunit hanggang ngayon ay masakit pa rin, humugot ako ng isang malalim na hininga at bumuga.

Nakangiti akong humarap kay Stell na para bang kanina lang ay hindi ako nasasaktan, I don't want him to see me like that I don't want him to pity me for that.

Nag kuwentohan kami habang pinapanood ang buwan. Mahilig kasi siya sa buwan at mahilig din naman ako.

“Akala ko ba hindi kayo mayaman? Malaki nga 'tong bahay niyo.” Tanong ni Stell.

Our house is big, nostalgic 'yong theme niya kaya hindi ko maiwan iwan itong bahay namin kahit na ang dami ng ala-ala na masasakit na nangyari dito. This our house since I was born, ganito na 'to noon pa man. Gustong gusto ni Papa ang mga nostalgic stuff kaya 'wag na kayong magtataka kung saan ako nagmana.

“May kaya lang kami sa buhay.” Totoo 'yon, hindi kami mayaman ngunit hindi rin naman kami mahirap.

Galing si Mama sa isang marangyang pamilya habang nagtatrabaho lang si Papa sa kanila noon. Botong boto si Lolo kay Papa habang si Lola naman ay hindi dahil sa mahirap lamang ito at hindi nababagay sa pamilya nila. Wala pang pinapatunayan si Papa noon dahil isa lamang siyang working student.

Ipinaglaban nila 'yong pag-iibigan nila hanggang sa naka graduate si Papa, isa na siyang negosyante kaya unti unti siyang tinanggap ni Lola. Nagpakasal sila at doon na ako nabuo ngunit, I'm glad I made from love not from a mistake pero nila ako kayang mahalin ang ipinagtaka ko nga ay kung bakit hindi ako tanggap ni Mama at Papa.

Masakit syempre, sarili mo silang pamilya e tapos sila pa mismo 'yong hindi matanggap na na buhay ka. Pinipressure ako ni Papa pero hindi kagaya ng kay Mama may pagkakataon na mabait sa akin si Papa ngunit madalas din ay galit siya sa akin.

“Hala gagi! Ba't ka umiyak? Oo na hindi na kayo mayaman 'wag ka ng umiyak.” Hinawakan ni Stell ang ulo ko at isinubsub iyon sa dibdib niya.

Despite of my tears nagawa ko pang purihin ang pabango niya sa isip ko. Umiyak na nga ako at lahat malandi pa rin ako.

Stell Ajero Where stories live. Discover now