23

2 2 0
                                    

“Punta tayo sa cafe niyo Stell, namiss ko na tumambay doon.” Ani Ken habang nililigpit ang mga gamit niya.

“Sus gusto mo lang naman tumambay doon kasi palagi kang libre ni tita.” Sabi naman ni Josh.

“Ulol tayong lahat kaya ang naka benefits.” He rolled his eyes.

“Did you just rolled your eyes at me Felip John Suson?” Nakataas ang kilay na tanong ni Josh.

“Yes, I did Josh Cullen Santos.” Nanghahamong sabi naman ni Ken.

“Tama na nga 'yan para kayong mga bata e,” saway naman sa kanila ni Sejun.

“Hoy ogag, 16 pa lang tayo kay baby pa talaga.” Ani ko naman.

“Let's go na kasi!” Inip na sabi naman ni Justin.

Nang makarating na kami sa cafe ay pumasok na kaagad kami alangan namang sa labas kami tatambay.

Pagpasok pa lang namin ay puro na kaagad kami tawa parang mga timang lang not until my eyes directly look at the girl who's also looking at me at agaran siyang yumuko nang mag eye to eye contact kami.

Damn.

Nag order kami ng mga kaibigan ko at ang dami pa nilang order ha ang kakapal talaga porque cafe namin ito.

“Porque libre kayo rito.” Inis kong sabi sa kanila.

Ang ewan naman kasi ni Mama ayaw niyang pinagbabayad ang mga kaibigan ko.

“Kaya nga sulitin na natin minsan lang 'to,” makulit na sabi ni Josh.

“Utot mo minsan.” Ani ko naman.

Nang dumating ang order namin ay nagsimula na kaming kumain at uminom ng kape, ganito talaga bonding namin e.

“Praised!” Narinig kong tawag ni Mama sa babaeng naka eye contact ko.

So, she's Praised huh

Nakangiti siyang lumingon kay Mama. “Hi ma'am,” she greeted politely.

Pretty.

“Are you going home? Come here I want to introduce my son to you.”

Naks naman Ma kaya mahal na mahal kita e.

“Praised this is Stellvester Ajero my one and only son.”

Inabot niya ang kamay niya sa 'kin at nagpakilala, shit ang lambot ng kamay. “Amelia Praised Castillo.”

And that day, alam kong nagustuhan ko na siya.

Nalaman kong nasa section A pala siya, halatang matalino naman kasi talaga siya. Nakita ko kasing naglalakad siya papuntang room nila kaya nalaman kong nasa section A siya.

Sayang nasa section A rin sana ako ngayon kung hindi lang kami naabotan ng cut off. Mga matatalino talaga ang section A at matalino naman talaga kami ang kaso my limitations bawat section kaya hindi na kami nakapasok sa A at B.

Nagpapadala ako sa kaniya ng mga bulaklak, chocolate, at letter araw-araw. Ewan ko ba kung bakit wala akong lakas ng loob upang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko mukha kasi siyang hindi madaling sungkitin.

Nakita kong nakaupo siyang mag isa kaya pinuntahan ko na.

“Hi!” Masigla kong bati.

At simula nang araw na iyon naging kaibigan ko na siya. Hanggang kaibigan lang muna.

Mas nakilala ko siya, mahilig siyang magbasa ng libro, strict parents niya, pili lang ang kinakaibigan niya at marami pang iba.

I think I already love her. Is it normal to be in love in this young age?

Stell Ajero Where stories live. Discover now