04

15 2 0
                                    

“Tanginamo talaga dinamay mo pa ako sa kalokohan mo.” Malulutong na mura kaagad ang bumungad sa akin habang nasa pinto na ako ng classroom namin, ayaw ko pa naman ng mga taong nagmumura kay minsan naisipan kong patayin na lang mga kaibigan ko e. “Oo na nga ibibigay na nga diba parang tanga naman oh, akalain pa ng iba ako nagkakagusto dito e.”

Papasok na sana ako sa room ng biglang may humawak sa braso ko kaya napalingon ako sa humawak nito. It was Josh, akala ko pa naman kung sino e.

Tumunog 'yong cellphone niya kaya kinuha niya ito, halatang bad trip na. “Ano? Wala naman akong ginagawa.” Maya maya lang ay sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi, nagulat na lang ako nang akbayan niya ako. “Ganito ba? Wow, bango mo naman Lia anong perfume mo?” Nakangising tanong niya habang binababa ang tawag habang ako naman ay tinatanggal ang kamay niya na nakaakbay sa 'kin.

May tawag ng tawag sa cellphone niya sino naman kaya 'yon? Baka 'yong katawagan niya kanina. “Sagutin mo baka importante.” Saad ko habang lumayo upang bigyan siya ng privacy makipag-usap.

“Aso ko lang 'yon, nakawala kasi kaya tawag ng tawag na m-miss siguro 'yong kagwapohan ko.”

Hindi naman kasi ako kasing inosente ng iba 'no, hindi ako kasing inosente kagaya ng iba nababasa natin sa libro, alam ko naman na hindi aso 'yong tumawag sa kaniya nakakatakot naman siguro kapag aso na 'yong tumatawag sa 'yo.

“Sagutin mo na.” Pagpupumilit ko kaya wala na siyang nagawa at kinuha na lang ang phone.

“Ba't ko naman sasagutin? E hindi naman 'to nanligaw.” Nakakatawa naman 'yong biro niya sarap niyang ihampas sa pader ng paulit ulit.

“Ewan ko sa 'yo!” Inis na ani ko at akmang papasok na ulit nang pigilan niya na naman ako.

“Ito naman hindi mabiro, may ibibigay lang ako sa 'yo tapos aalis na ako.” May kinuha siya sa kaniyang bag at ibinigay sa 'kin. Kumunot ang noo ko dahil letter na naman ito.

Don't tell me s-sa kaniya galing 'yong letter kahapon?

“Bago ka mag isip ng kung anu-ano dyan, hindi 'yan sa 'kin galing ha. Ang assuming mo naman sa part na magugustuhan kita, secret lang natin 'to ha pero nasa section B 'yong crush ko. Morena rin siya kagaya mo pero mas crush ko nga lang siya tapos mas maganda din siya sa paningin ko.” Ang daldal pala nitong si Josh, ang sarap niya sigurong maging kaibigan kahit minsan nakakainis na siya.

“Kung gano'n kanino naman ito galing.”

“From your secret admirer.” Ngising aso niya, nakakainis talaga.

“Kanino nga?” Pangungulit ko pa kahit naiinis na.

“May secret bang sinasabi? Secret nga diba kung sa tagalog, lihim kung hindi mo alam ang definition i search mo sa Merriam Dictionary may lalabas doon kung hindi mo pa rin naintindihan i translate mo sa google–” I cut him off.

“Anong akala mo sa 'kin bobo?”

“Hindi naman syempre nasa section A ka, anong laban namin doon diba?”

Sigurado akong kapag si Josh maging boyfriend mo maiinis ka talaga araw-araw, gwapo nga ang kulit naman.

“Kaya ka siguro hindi crush ng crush mo kasi wala kang kwentang kausap.” Saad ko bago tumuloy na sa pagpasok sa classroom.

“Hoy! Bawiin mo 'yong sinabi mo!” Aniya habang nasa labas, nakaduro pa sa 'kin.

“Babawian ka ng buhay kapag hindi ka tumabi dyan.” Seryosong sabi ni Dreyfus, wala siguro siya sa mood baka nakita niya 'yong sinta niya na may ibang kasama.

“Grabe ka naman Kuya, babawian agad ng buhay? Hindi ka naman Panginoon po.”

“Magkamukha ba tayo?”

“Hindi, bakit?” Nagtatakang tanong ni Josh.

“Exactly! Huwag mo 'kong tawaging Kuya dahil wala akong kapatid na unggoy, tabi nga.” Natawa ako sa sinabi ni Dreyfus si Josh naman ay namumula na sa inis at binigyan muna ako ng nakamamatay na tingin bago naglakad paalis.

”Sino 'yon?” Nakangiti na siya ngayon, bipolar ba 'to? Kanina parang galit ngayon naman nakangiti, baliw na siguro 'to iniisip ko pa naman na nakita niya 'yong crush niya na may kasamang iba.

“Friend 'yon ni Stell, nakilala ko lang din sa cafe.”

“Hindi kana introvert ngayon ah, noong nakaraang taon gusto mong ikaw lang mag-isa.” Tukso pa niya, I just smiled at him and continue what am I doing.

It's true, ayokong may kaibigan noong nakaraang taon sinanay kasi ako nila Mama na nasa loob lang ng bahay at ako lang mag-isa 'yong maglalaro. Hindi ko nga naranasan 'yong mga laro na pang bata noon hindi kasi talaga ako pinapabalas ng gate kaya naiinggit ako sa mga bata na tumatakbo sa labas.

Kaya nga hindi ako marunong makipag halubilo sa mga kapwa ko kabataan dahil hindi ako sanay puro mga helper lang 'yong nakikita ko buong childhood ko, kahit nga mga anak ng kaibigan ni Mama at Papa ayaw sa 'kin kasi hindi ako makakasabay sa kanila tapos hindi pa ako magsasalita kung hindi nila ako tatanungin.

Pinapagalitan pa ako dahil lang doon akala mo naman talaga hindi dahil sa kanila kaya ako ganito ngayon. Nakakatawa man pakinggan pero takot ako sa mga tao sa paligid ko feeling ko kasi hindi totoo 'yong intensyon nila sa akin gusto kong alisin ang takot sa sistema ko pero hindi ko magawa.

Hindi ko sila sinisisi kung bakit ako ganito ngayon, kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako marunong makipag halubilo sa ibang kabataan, kung bakit hanggang ngayon hindi ako makakasabay sa kanila.

Pinili ko na lamang mag-isa dahil kaya ko naman e, sa bahay nga sarili ko lang ang kakampi ko dito pa kaya sa school.

'Yong takot na unting-unting bumalot sa sistema ko ay unti-unti ring nawala nang dahil dumating ang mga kaibigan ko. Magaan 'yong loob ko sa kanila. 'Hindi sila katulad nga iba' iyan ang palagi kong tinatak sa aking isipan, hindi sila kagaya nila Mama na mahal lang ako sa harapan ng mga tao at kapag wala ng mga tao? Hindi na nila ulit ako mahal.

Grade 7 to grade 9 wala akong kaibigan, oo nabubuhay ako ng walang kaibigan dahil nga takot akong sa tao, takot akong magtiwala sa kanila. Pero noong dumating ang mga kaibigan ko palagi nilang pinapaalala na hindi lahat ng tao hindi totoo sa 'yo may mga tao lang talagang ginagamit ka for their own happiness.

Simula nang makilala ko sila parang 'yong takot na bumabalot sa sistema ko ay paunti unting nawawala okay na itong paunti unti at least mawawala diba? Pati nga sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit takot akong magtiwala e.

Masaya naman pala 'yong may kaibigan ka 'yong mundo kong kulay itim at puti noon naging makulay na dahil sa kanila ngayon.

Stell Ajero Where stories live. Discover now