Chapter 02

5.6K 47 0
                                    

NAVI POV

5 years 3 months ago...

Ayoko talaga ang nagcocomute dito sa Manila. bukod sa traffic, ang polusyon pa.

Hindi sa bakla ako, pero alam kong maarte ako pag may kinalaman sa katawan ko. Napaka vain ko nga daw sabi ng mga kaibigan ko, but I don't care as long as I'm clean. Mahirap ng magkasakit ngayon, mahal. Kaya tama lang tong inaasta ko.

Nasira kasi ang sasakyan ko kahapon. No choice ako kundi mag bus. Nagtrike muna ako papuntang highway at nag-abang ng bus. Aircon ang sasakyan ko siyempre, ayoko ng polusyon at mainit na, pagpapawisan ako hindi pa man naguumpisa ang klase.

Hindi naman ako natagalan sa paghihintay dahil pagkalipas ng ilang minuto ay may dumaan ng bus.

Pagka-akyat ko ng bus ay naghanap na ko ng bakanteng mauupuan. Halos mapuno na ito.

Dahil biglang umandar ang bus at na-out of balance ako. Hindi ako lampa okay? Nag ggym nga ko eh. It just that nabigla ako, buti nalang nakaupo ako kagad bago pa ko dumirederetso sa harap.

Tumingin ako sa katabi ko. Tulog.

"saan ka?" tanong sakin ng conductor.

"Recto" sabi ko naman.

Tinignan niya ang katabi ko, tapos umalis na. siguro nahiyang gisingin o kaya naman nakapagbayad na ito. Ang aga-aga pa lang tulog na agad. Puyat siguro.

Hindi ko Makita ang kabuuan ng itsura niya dahil natatakpan ng bonet na suot niya ang kalahati ng mukha niya. Ang nakikita ko lang ay ang matangos niyang ilong at maninipis na labi.

Halatang lamig na lamig dahil sa kapal ng jacket. Mukhang nasa medical field din ang course niya. Base na rin sa puting uniform at black leather shoes na suot niya.

E sino lang ba ang naka white diba? Mga courses lang naman ng medicine.

Hindi ko Makita ang pang-itaas niya, kung may name plate o ID ba siya dahil sarado ang suot niyang jacket.

Pumikit na rin ako. Medyo mahaba pa naman ang byahe ko.

Naramdaman ko nalang na parang lumalapit sakin ang katabi ko. Nang lingunin ko siya, tumatama na ang ulo niya sa braso ko. Habang tinitignan ko siya ay ako ang nahihirapan.

Hindi kaya sumasakit ang leeg nito?

Konti nalang kasi dadausdus na ang ulo niya sa upuan. Hindi sa gentleman ako, pero di makaya ng mata ko ang kalunos-lunos niyang itsura, kaya naisipan kong ipatong ang ulo niya sa balikat ko.

Hahawakan ko na sana ang ulo niya ng bigla siyang naalimpungatan at inayos ang pagkakaupo. Muntik na kong mapahiya dun ah, buti hindi ko pa nahahawakan ang ulo niya.

Kinuha ko nalang ang phone ko at nagtext sa barkada ko. Maaga pa naman, kahit matrafic pa kami ng 30 mins ay di ako malalate.

Nakalahati na ang mga pasahero, nasa kalagitnaan na rin ako ng byahe ng maramdaman ko na naman ang babaeng katabi ko.

And out of reflex, bago pa man siya tumama sa braso ko ay bumaba ako ng upo at sinalo ang ulo niya sa balikat ko.

Napailing nalang ako sa nagawa ko. Ngunit di ko mapigilang mapangiti ng makitang inayos pa niya ang ulo niya para comportableng makatulog sa balikat ko.

Hindi na ko makatulog dahil pre-occupied na ko sa babaeng katabi ko. Muntik ko na ngang hindi Makita ang overpass kung saan ako baba.

"Manong para" sigaw ng isang estudyante na suot ang uniform ng school ko.

REBEL DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon