Chapter 39

11.7K 196 47
                                    

Hailey's POV

Nasa apartment kami ni Yan ngayon dahil sa nasuspended kami sa ginawa naming act  doon sa Christmas Sing-Off haha.. Bawal daw PDA at sobra daw yung ginawa namin noong araw na iyon dahil pareho pa kaming babae. Hindi ko alam na homophobic pala ang President ng University na pinasukan namin. Binigyan kami ng 1 week suspension. Kaya nandito lang kami sa may sala nila Yan, dito sa apartment nila nanonood ng movie.



"Ayy..tapos na" si Yan.


"Parang wala lang yung movie, iba naman" sabi ko.


"Alin ba dito gusto mo isunod?" tanong ni Yan.


"Yung 'The 7th Son' nalang" sagot ko naman.


"Okay" may bigla namang nag-doorbell sa labas ng pintuan nila Yan.


"May expected ka bang bisita ngayon?" tanong ko sa kanya.


"Wala naman, bakit?"


"May nag-doorbell kasi Yan, hindi mo ba narinig? Ako nalang diyan" sabi ko dito, ako na ang nag-prepare sa next movie na panonoorin namin at nagdagdag pa ng konting snacks.


Pagbalik ko sa sala napansin kong  may hawak-hawak na  siyang  flowers, teddy bear at chocolates.


"Wow, ang dami naman Yan! Kanino galing?" tanong ko dito.


"Talaga Lee? Painosente ka pa diyan, ano nalang sasabihin ng card sa'yo hahaha. Basahin ko na nga"


To the girl I truly love, I hope this has put a smile on your face and this made you feel so special because I will never get tired of making you feel that way...


From: Your Lee ;)


"Corny mo Lee, pero thank you. Masaya talaga ako sa mga ginagawa mo para sa akin ngayon" sincere na sabi nito.


Namumula naman ako sa kahihiyan dahil nga sa sinabihan ba naman akong corny..hindi ko naman talaga alam kong paano manligaw eh.. Kay Ands nga ako humihingi ng tips kahit na old school ang mga da-moves nito.


"Salamat talaga Yan at binigyan mo pa ako ng isang chance para bumawi sa'yo. Mahal na mahal kita Yan at gagawin ko lahat sa tamang paraan para maging tayo at mapasaya ka lagi" sabi ko dito sabay kiss sa forehead nito.


Inilagay muna ni Yan ang  flowers sa vase nila at niligpit ang teddy bear at chocolates niya. Humingi nga ako ng isa lang sa chocolates niya pero ang damot, ayaw mamigay.


"Hahaha..binigay mo ito sa akin tapos kukunin mo lang din pala" tawa naman nito sa akin.


"Eh..isa lang naman, gusto ko lang makatikim ng matamis, puro salty foods kinain natin eh" reklamo ko dito.


Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon