Chapter 16

7K 169 4
                                    

Hailey's POV


Wow! another succesful gig na naman. Salamat talaga dahil this time walang palpak na nangyari. Sa puspusan ba naman ng practice na ginawa namin plus sa araw-araw na sigaw na natatanggap namin mula kay tigre sinong hindi gagaling diba?.


Nasa bahay na ako matapos ko ihatid sina Yan at Joy sa apartment nila pagkatapos namin magdinner. Si Yuri naman ay doon muna tumuloy sa pinsan nitong may asawa't anak na dahil din sa birthday party ng anak nito. Niyaya nga niya akong sumama, kaso pagod pa talaga ako. Nahihiya din ako kasi family affair din yun, ayaw ko maging sabit kahit sobrang close na namin ni Yuri at kilala na din naman ako ng ibang relatives niya.


Nakahiga ako ngayon at nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko. Ako lang mag-isa dahil may pamilya na ang dalawa kong kapatid. Ako kasi ang bunso at minsan dumadalaw naman sila pag may okasyon at dito sa malaking bahay namin ginaganap yung event. Yung parents ko naman ay nasa ibang bansa na, busy sa business namin. May construction firm kasi kami at dun nakabase. Hay...sa totoo lang nalulungkot din ako pero ano bang magbabago kung magmumokmok ako? Kaya nga pinipilit kong maging masaya at magpasaya lagi.


Pero nitong mga nakaraang araw medyo hindi na din naman ako nalulungkot. Simula nung nakilala ko si Yan. Nag-iba na ang mga nangyayari sa akin. Ano bang meron sa kanya? Inaamin ko may nararamdaman akong kakaiba sa kanya pero hindi ako sigurado. Natatakot din ako kaya pinag-sawalang bahala ko nalang. Iniisip ko din yung sinasabi nila Andy at Yuri na  kahawig nito ang personality ni Faith. Hindi lang ako sigurado dun..iba kasi ang nakikita ko.


-Good night Lee, kta nlang tayo Monday :)


Text ni Yan sa akin, na nagpangiti naman sa akin, minsan sweet talaga itong si Yan.


Good night Yan,
Sweet dreams. Wag mo kong maxado mamiss ;)


Reply ko naman dito.


-baliw, feeling ka ha?


If I know kinikilig k dyan ;)


Tukso ko sa kanya.


-bakit naman? si Andy k b?


Ouch, medyo hurt naman ako dun pero pinag-sawalang bahala ko nalang. Hindi ko din maintindihan feelings ko eh!.


Ah..ganun? Pasalamat ka nga sa akin at may pag-asa ka na dun, hahaha..;D


-ewan ko sayo! tulog na aq.


Oh, anong nangyari dun? Ang pikon naman nito. Hindi na ako nagreply at natulog nalang.


***


Pasukan na naman at nakita ko agad si Yan na papunta na ng first subject nito.


"Yan!" tawag ko dito.


"Oh Lee, ang aga mo yata ngayon?" nagtatakang tanong nito. Buti nalang okay lang naman pala kami. Akala ko napikon na talaga siya dun sa text.


"Meron lang kasi akong dapat i-research dun sa isang subject namin sa library. Sira kasi net ko sa bahay. Nakalimutan ko kasi, buti nalang nagtext si tigre at alam ko naman na hindi magpapakopya yun ,kaya nagmadali nalang ako mag-research ngayon para masagutan ko na din" sagot ko sa kanya.


"Ganun ba? sige mauna na ako, malapit na magstart yung class ko. Kita nalang tayo sa lunch" sabi nito.


"Sige" nagwave  ako sa kanya at umalis na nga siya.


Ang dali naman natapos ng morning class ko at papunta na ako ng cafeteria. Habang naglalakad ako nakasalubong ko yung lider namin sa Literature na si Sarah.


"Hi Hailey, nainform ka na ba sa practice natin ngayong weekend?" tanong niya sa akin.


"Hindi pa, si Andy ba alam na niya?" tanong ko din sa kanya.


"Oo, natext ko na sa kanya. Nalimutan ko kasi hingin yung number mo, hindi ka ba niya sinabihan?" nahihiyang tanong naman nito sa akin. Bakit kaya namumula ito? Hindi naman masyadong mainit ang panahon ngayon. May sakit ba siya?.


"Baka nakalimutan lang niya, medyo busy kasi kami sa practice nung mga nakaraang araw. Salamat pala at sinabihan mo ako. Teka may lagnat ka ba? Medyo namumula ka kasi" hahaplusin ko na sana yung noo niya pero napaatras at umiwas naman ito.


"A-h..ok--ay..lang a--ko..sige ma-u-na.. na a-ko..kita nalang tayo sa kl--se..." nauutal na sagot nito at patakbong lumayo sa akin.


'Anong nangyari dun?' malakas na tanong ko sa sarili ko.


"May gusto yun sa'yo, halata kaya!" singit naman ng tao sa likod ko na nagpakaba naman sa akin. Naman itong babaeng itong talaga oh! Kung hindi ko lang siya gust--..what??? Erase..Erase..


"Yan naman! Aatakihin ako sa'yo!" gulat na sabi ko dito.


"Hahaha...grabe yung reaction mo! hahaha..may patanong-tanong ka pa kasing nalalaman sa sarili mo, so sinagot ko nalang yung obvious" balewala at pagtatanggol pa nito sa sarili niya.


"Iba din trip mo noh? Kanina ka pa ba dun sa likod ko? Kaya siguro tumakbo yun noh?" asar ko sa kanya para makabawi din dito.


"At anong akala mo sa akin? Manhid ka lang din kasi eh!" mataray na sagot naman nito. Habang tumatagal nagiging tigre na din tong si Yan, nahahawa na ito kay Yuri sa pagiging close niya dito.


"Yan hindi ko gets" nasabi ko nalang sa kanya.


"Naman Lee, gusto ka nun! Kaya nga namumula yun at nauutal" sagot naman nito.


"Ganun ba?" painosente ko pa ding tanong dito.


"Duh!"


"Oh bakit parang nagseselos ka?" tukso ko dito.


"Ang feeling mo talaga, tayo na nga! Siguradong hinahanap na tayo nila best at Yuri dun" iwas nito sa tanong ko habang hila niya ng malakas ang isang braso ko. Natatawa nalang ako sa reaction niya. Pero imposible din naman yung tukso ko sa kanya, alam ko naman kasi na si Andy ang gusto nito. Hay!!..

*****

A/N: Try ko nang padaliin ang flow ng story habang may laman pa yung utak ko. Para naman mafeel niyo na po ang gusto kong mafeel niyo at hindi maging boring..

Thank you very much readers :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon