Chapter 26

6K 140 2
                                    

Hailey's POV


Maganda ang naging resulta ng gig namin ngayon, maraming papuri kaming narinig at yung reaction ng crowd sa performance namin ay sobrang overwhelming.


Kahit mga kilalang celebrities tulad nila Anne Curtis, Solenn Heusaff, Derek Ramsey, Richard Gomez at marami pang iba ay napasigaw sa galing namin.


Halatang enjoy na enjoy sila at higit sa lahat yung pag ngiti ni Yan sa akin ang nagpasaya talaga sa akin. Sana naman napatawad na niya ako at handa na siyang makipag-usap sa akin.


HARMONY! HARMONY! HARMONY! HARMONY! HARMONY! HARMONY!


Yan ang maririnig mong sigaw sa loob ng club, medyo tipsy na din yung iba dahil marami na ngang nainom. Mga almost 3 hours din yung pagtugtog namin. Maraming bumati sa amin pagbaba namin ng mini stage ng bar, nakipagbeso, yumakap at nakipagshake hands.


Pumasok na agad kami sa room na nakareserve sa amin at ng makapagpahinga ng kaunti. Nakita ko naman si Richard na lumabas, siguro pupuntahan nito si Joy.


"Wow! Grabe yung kanina! Ang wild ng crowd at nakakapagod talaga!" sabi ni Nelson.


"Oo nga bro, sinabi mo pa pero atleast tapos na at pwede na tayong magparty!. Maraming magagandang bebot din ang nasa labas bro kaya labas muna ako" masayang sabi naman ni Mike.


"Ikaw Oliver, Hindi ka ba lalabas para mag-enjoy naman? tanong ko dito.


"Hindi na, matutulog na muna ako" sagot lang nito at humiga na nga sa may mahabang couch. Sina Yuri at Andy naman ay masinsinang nag-uusap sa dulo ng room.


Pumasok na din sina Richard at Joy pero nasaan si Yan?


"Kung hinahanap mo si best nag-cr lang siya, kung gusto mo pwede mo siyang sundan dun at baka maharass yun ng mga lasing na mga lalaki dito sa bar" pagbasa agad ni Joy sa nagtatakang mukha ko at tukso pa nito.


"Ewan ko sa'yo pero mabuti pa ngang sundan ko siya baka may mambastos na naman dun" sagot ko nalang dito.


"Hinay-hinay lang H, masyado kang halata eh!" tukso pa rin nito pero diretso lang akong lumabas ng room at narinig ko pa ang tawanan ng dalawang love birds.


Tumingin-tingin naman ako sa paligid kung lumabas na nga si Yan, medyo 10 mins. na din ang lumipas. May nakita akong lalaki na pinipilit ang sarili nito sa babaeng naka green dress. Huwag naman sanang si Yan to!.


"Sige na miss, isang sayaw lang naman eh! Huwag ka nang pakipot diyan" narinig kong sabi nito sa babae. Nang palapit na ako sa kanila, hindi nga ako nagkamali at si Yan nga ito. Kita sa itsura nito ang pag-ayaw at pagtanggi sa lalaki.


"Pwede ba bitiwan mo siya!" pagsingit at pagalit kong sabi nito.


"Oh! Ang dami namang magagandang chicks ngayon, sorry miss pero hindi kita type. Mas type ko kasi yung medyo inosenteng babae eh!" nakangisi pang sabi nito.


"Narinig mo ba ang sinabi ko?" madiin na tanong ko dito.


"Teka lang miss pero hindi ko gusto ang tono mo. Kilala mo ba ako ha? Kung ayaw mong mapatalsik dito, mas mabuti pang iwanan mo na kami. Kahit babae ka papatulan kita at marami akong mga tauhan dito" pagbabanta pa nito.


"Wala akong pakialam kahit sino ka pa, kahit anak ka pa ng isang drug lord o gang leader hindi kita aatrasan!" pagsagot ko dito.


"Hmmm..oh I get it, gusto mo rin siya ano? Wowoah! We got a lesbian here! Sorry miss pero ayaw ko nang may kahati at ako ang nauna sa kanya kaya maghanap ka nalang ng iba diyan" arogante pang sabi nito. Hindi na ako nakapagtimpi pa kaya sinuntok ko na ito sa mukha.


Nakakuha naman agad kami ng atensyon sa ibang tao kaya hinawakan ko na si Yan ng mahigpit sa kamay niya at patakbong pumunta sa room namin. Nakita ko agad yung back up ng lalaking yun pero mabilis naman kaming nakapunta ng room, inilock ko na agad ang pinto nito habang hingal na hingal kami ni Yan na napasandal sa wall ng room dito.


"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.


"O-kay..na-man..medyo napagod lang" sagot naman nito habang humihingal pa din.


"Gan-un ka ba ta-la-ga? biglang tanong niya sa akin.


"Ha?"


"Yung manununtok ka nalang bigla" sagot niya.


"Ah..sa mga bastos lang naman Yan" sagot ko naman.

"Bati na kayo?" biglang singit naman ni tigre. Naman oh! nag-aadjust pa nga eh!. Binigyan ko naman siya ng -Really?-look.


"Ah..mukhang may kailangan pa kaming ayusin ni Yuri, so doon muna kami sa labas" palusot naman ni Ands, hay..buti nalang gumagana din ang utak nito paminsan-minsan. Naiwan na nga kami ni Yan pero nandito parin si Oliver, tulog nga lang. Lumabas siguro sina Joy at Richard.


"Umupo muna tayo Yan, nakakapagod yung kanina. Gusto mo ba ng tubig? or any other drinks? Baka gutom ka na?" pag-aasikaso ko naman agad dito.


"Sige, tubig nalang" dali-dali naman akong kumuha ng tubig at nagdala na din ako iba't-ibang klaseng finger foods.


"Ang dami naman niyan" puna agad nito.


"Medyo gutom na kasi ako eh!" sabi ko naman. Kumain lang kami ng tahimik, gusto ko sana siyang kamustahin pero baka mag-iba naman ang mood nito kaya tinikom ko muna ang bibig ko.


Dumating naman sina Joy at Richard, kitang-kita sa facial expression nila ang gulat. Nagkibit-balikat lang ako at nag-usap naman sila ni Yan.


"Ah..best, may bigla kasing nangyari sa tita ko. Emergency daw at kailangan kong pumunta ng hospital ngayon. I'm sorry best pero mapapaaga tayo ng uwi ngayon" narinig kong sabi ni Joy.


"Ganoon ba? Ano ka ba naman best, okay lang yun. Mas importante naman yung sa tita mo" sagot naman ni Yan.


"Hatid ka muna namin best" si Joy.


"Huwag na best, siguradong out of the way yung papunta sa apartment. Maaga pa naman kaya tiyak marami akong taxi na masasakyan. Sasabay nalang ako sa inyo palabas" tanggi nito.


"Ako nalang maghahatid sa'yo Yan" singit ko sa usapan nila.


"Salamat naman H, mas mabuti pa nga si H nalang ang maghatid sa'yo best. Ayaw ko namang pabayaan ka na lang ng basta-basta best" pagsang -ayon naman ni Joy.


"Huwag ka nang tumanggi Yan, on the way naman yung tinutuluyan niyo sa bahay ko at gusto ko na din umalis dito, medyo inaantok na ako at gusto ko na talagang magpahinga" pagpupumilit ko dito. Tatanggi pa sana ito pero pinandilatan na ito ng mata ni Joy kaya wala na itong nagawa kundi pumayag nalang.


Nagpaalam na kami sa banda at sa iba pa naming kakilala. Tahimik lang kami papunta sa parking area ng kotse. Nang nasa tapat na kami ng kotse ko pinagbuksan ko na siya ng pinto at agad naman din itong pumasok at nag-thank you.


Pumasok na din ako sa driver's seat at nagsimula ng mag-drive. Medyo awkward yung tahimik sa loob ng kotse kaya ini-on ko yung radio compartment ng kotse at yung music pa ay yung 'Miss You' ng MYMP..hayy..naman oh!.


After the 20 mins. drive nakarating na din kami sa tapat ng apartment nila. Bumaba na ako ng kotse at si Yan din.


*****


A/N: Kailangan ko lang talagang i-cut hanggang dito, sa next chapter na yung continuation...

Thanks for the reads and votes. Comment if you want for motivation lang po :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon