Chapter 23

6K 147 4
                                    

Lilian's POV


Nakabalik na ako sa apartment ng tumawag si best sa akin. Nagtext na ako kay best at sinabi ko sa text na sa pag-uwi nalang niya ako magpapaliwanag sa lahat ng nangyari. Kung bakit ako umuwi ng walang paalam sa kanila.


Marami akong natanggap na text din mula kay Yuri, Andy at Lee. May miscalls din galing sa kanya. Umiiyak pa rin ako habang iniisip ang lahat ng nangyari.


Noong sinundo naman niya kami ni best kasama  si Richard ay okay pa naman ang lahat, bakit bigla nalang naging ganun? Ang labo niya naman. Akala ko kilala ko na siya at kilala na niya ako?. Akala ko special ako para sa kanya pero lahat ng yun puro akala lang pala.


Nakatalukbong ako ng kumot sa kama at impit na umiiyak. Mukhang hindi ko na mahihintay si best, mas mabuti pa sigurong matulog na muna ako baka gumaan naman ang pakiramdam ko paggising ko bukas.


-


Nagising ako sa nagbubulungang boses sa kwarto ko.


"Dali na Joy, gisingin mo na siya" narinig kong sabi ni Yuri.

" Bakit ako?" si best.

"Duh, syempre bestfriend ka niya" sagot naman ni Yuri.


"Anong connect nun? At ano naman ang sasabihin ko sa kanya Yuri? tanong ni best.


"Sabihin mong mag-breakfast na siya, almost 9am na oh" sagot naman ni Yuri.


Nagkunwari naman akong kakagising ko lang at hindi ko sila narinig. Nag-inat muna ako at nagpunas ng aking mata. Tapos tumingin ako sa kanila with a curious look.


"Go-od mor-ning Lil, makiki-breakfast lang sana" nauutal at palusot naman na pagbati ni Yuri.


"Good morning din, sige maghihilamos muna ako at magluluto ng breakfast" sagot ko dito at ngumiti ng pilit.


Nag-toothbrush  na ako, naghilamos ng mukha at nagsuklay ng buhok. Nasa may dinning table naman sina best at Yuri, ako naman dumiretso na sa kusina. Nagprito na ako ng ham, egg at fried rice. Naghanda din ako ng pancakes dahil alam kong favorite nila yun.


Kumuha na si best ng gagamitin naming plates, forks and spoons. Matapos maluto ang lahat, tinulungan nila akong i-prepare ito sa table.


"Wow Lil, mukhang mapapadalas ako dito ah!" biro ni Yuri.



"Naman si best pa!" segunda din best.


"Oh sige na, kumain na tayo" masayang sabi ko sa kanila.


Matapos kumain, nanood kami ng tv sa may sofa at umupo sa couch.


Bigla naman naging tahimik at awkward ang lahat dahil alam ko naman kung bakit sila nandito. Kaya ako na ang kusang nag-open ng topic.


"Alam kung may gusto kayong itanong sa akin at handa na akong pag-usapan ito, alam ko naman na gusto niyong malaman ng buo ang nangyari kagabi" pagputol ko sa katahimikan.


"Oo Lil, nabigla talaga kami sa nangyari kagabi. Tinanong namin si H, tungkol dun sa nangyari at yun nga nabigyan ko siya ng napakalakas na sampal. I'm sorry Lil, hindi ko alam ba't niya nasabi yun sa'yo" aplogetic na sabi ni Yuri.


"Sorry best kung hindi ko man lang nasampal si H, naawa kasi ako. Mag-asawang sampal na ang natanggap niya. Alangan naman batukan ko siya eh! hindi ko naman siya abot pero yung bastos na Harold na yun! Nakatanggap lang naman siya ng flying kick sa akin...


"Kung hindi lang ako inawat ni babe, nakatikim na siguro yun ng mala Chun Li kung skill hahaha.." pagpapatawa ni best, natawa naman ako dun at si Yuri. Baliw talaga itong si best.


"Nakatanggap din yun ng suntok kay Andy at kay Mike, hindi naman siya kinampihan ng pinsan niya dahil mali naman ang ginawa niya. Matagal ng may issue yang si Harold kasi pag nakainom, hindi siya marunong magkontrol" dagdag ni Yuri.


Tahimik lang akong nakinig sa kanila at kinuwento ko rin yung side ko para naman maklaro lahat.


"Pagkatapos ko siyang sampalin ay tumakbo ako at nakakita naman agad ako ng taxi kaya nagpasya nalang akong umuwi. Hindi ko talaga matanggap yung sinabi niya sa akin, ang sakit-sakit" napaiyak na naman ako at niyakap agad ako ni best.


"Sshhh...sige lang best, iiyak mo lang yan" pagcomfort ni best.



"Sorry talaga Lil, pupunta sana si H dito pero pinigilan ko siya sabi ko, maghintay siya kung kailan mo siya gustong makausap" paghagod naman ni Yuri sa likod ko at paghingi niya ng sorry kahit wala naman talaga siyang kasalanan at labas naman siya sa nangyari sa amin ni Lee.


"Mas mabuti pang magmovie marathon nalang tayo best!" pag-iiba naman ng topic ni best.


"Game ako diyan! Huwag mo na munang isipin yung nangyari Lil, alam kong mahirap dahil kagabi lang yun pero nandito naman kami ni Joy lagi para sa'yo" nakangiting sabi nito.



"Sige na nga, pero salamat best at Yuri, kahit konti gumaan naman pakiramdam ko dahil sa inyo."



Naghanda naman si best ng pop corn para daw feel namin ang panonood ng movie. Kumuha din ako ng junk foods at tatlong softdrinks in can.



Napag-desisyonan namin na mga horror movies ang panonoorin namin dahil maaga pa naman at hindi naman siguro kami matatakot, matindi din ang sikat ng araw. Hindi din namin nilakasan ang volume para hindi kami matakot. Pare-pareho kasi kaming hindi mahilig manood ng horror movies.


Una naming isinalang sa player ay ang horror movie na 'Drag Me To Hell', napanood ko na itong movie na ito pero hindi ko natapos, natakot kasi ako. Sila Yuri at best naman ay first time manood nito.


"Ahhh...." si Yuri.


"Wahh...." sigaw ko naman.


"Ayaw ko na best!" sigaw din ni best at automic na pinindot yung stop button ng remote.



Nagtawanan nalang kami. Yan kasi eh! Hindi din pala kaya ng powers namin. Pinalitan nalang namin yung movie ng 'World War Z' yung si Brad Pitt ang bida. Kaya naman namin panoorin toh, wala naman kasing zombie sa totoong buhay.


Matapos ang almost 3 hours na panonood ng movie, nagpaalam na si Yuri dahil may lakad pa sila ni Andy tungkol sa gig nila next weekend. Si best naman ay may date kay  Richard at gusto nitong bumawi sa nangyari kagabi. Masaya ako at nakatagpo din si best ng magmamahal sa kanya ng totoo. Ako naman ay humiga sa kama at nagpasyang matulog nalang muna. Busog pa naman ako, chineck ko muna yung phone ko at nakita ko ang lahat ng misscalls ni Lee sa akin..hay..ini-off ko nalang tutal malapit na magempty yung battery at ayoko  munang madistorbo sa pagpapahinga ko.

****

A/N: Sorry medyo nahuli yung update. Nagkaproblema yata ang Wattpad sa Create feature nila sa mobile. Nadelete yung two chapters sa drafts ko na update ko sana. Medyo chill muna ang update nato, next chapter na yung drama ulit. Kung may suggestions kayo kung paano magsosorry si Lee kay Yan please do message me or leave a comment..salamat..

Thanks for the reads and votes :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon