Chapter 2

13.6K 298 5
                                    

Lilian's POV


Biglang tumahimik ang lahat ng tumuntong na sa stage ang bandang HARMONY.


Napalingon ako kay best na nakatulala lang na nakatingin sa stage. Tiningnan ko ang direksyon kung saan siya nakatutok.


Bingo! yung isa sa mga gitarista pala ang pinagnanasahan ni best hahaha' aasarin ko talaga siya mamaya.


Tiningnan ko ding mabuti ang lahat ng miyembro ng banda na kasalukuyang nagseset-up ng kaniya-kaniyang instrumento.


Bale, anim silang lahat at isa lang ang babae sa kanila. Nakatayo ito sa may dulo ng stage at tila may kinokontak sa phone niya. Makikita mo ang pagkabalisa at kawalan niya ng pasensya dahil halatang hindi sumasagot ang tinatawagan nito.


Humarap ang babae sa mga kabanda niya at nag-usap-usap sila. Sa nakikita ko maganda yung babae, blonde yung buhok pero hindi ko makita yung mata niya nakashades kasi eh! Sayang!


Gustong-gusto ko kasi ang mata compare sa lahat ng parte ng mukha.


Nababasa ko kasi ang mga tao sa pagitan ng pagtitig lang sa kanilang mga mata.


Napansin ko nalang na kinuha na nung babae yung microphone at nagsalita ito.


"Hi guys, kami po ang HARMONY band sa nakakakilala na sa amin, siguro nagtataka kayo kung bakit anim lang po kami ngayon. Sa hindi pa po nakakakilala sa amin, pito po talaga kami pero yung vocalist kasi namin medyo may pagka-slow yun eh..hehehe.." nagtawanan naman yung ibang estudyante.


"Sorry guys, medyo malelate daw siya, sabi niya on the way na siya pero alam naman natin pag sinabi mong on the way sigurado naliligo pa yun plus pag nagmake-up yun aabutin ng kalahating oras" tawanan ulit.


"Atin-atin lang to guys ha? baka mabatukan ako nun, pag dumating siya cool lang kayo" hahahaha' halakhak na naman ang maririnig mo, ako naman napapangiti sa mga sinasabi niya.


Ilaglag ba naman kasamahan mo, siguro magagalit yun pag nalaman niya to.


"Well, habang hinihintay natin ang aming vocalist, bigyan natin siya ng 20 min. magpapakilala muna kami."


"Ako nga pala si Hailey, I'm playing the guitar at medyo kumakanta din ako, second voice nga lang. Yung sa keyboard siya si Andy, yung sa base guitar si Richard, yung sa drums si Mike, sa violin si Oliver, isa pang guitarist namin si Nelson at yung huli naming member na literal na huli na siya at hindi pa dumadating ngayon ay si Yuri ang vocalist namin."


"Kung napapansin niyo nakuha po yung name namin sa mga first letter ng names namin, coincidence right? hehehe.."


"Lahat po kami ay mga engineering students, 3rd year po ako, si Andy, Oliver at Yuri, yung iba po mga 2nd year. students. Magaling po kami s Math subject pero sablay naman sa English hehehe.." Nagtawanan na naman ang lahat, palabiro pala itong si Hailey which is good.


Siguro masarap siyang kasama, hindi boring, tawa ka lang ng tawa siguro, hay! ano ba itong naiisip ko?.


Tiningnan ko ulit si best, nakatitig pa rin siya sa Richard na yun, yung bass guitarist ang bet ni best hehehe..evil laugh.


"Hinay hinay lang best baka matunaw" tukso ko sa kanya.


"Huwag mo nga akong tuksuhin diyan best, if I know may bet ka rin diyan. Kitang-kita kung napapangiti ka diyan mag-isa, kaya huwag ka ng magdeny best, sige spill? Sino?" balik tukso at tanong niya sa akin.


Sasagot na sana ako pero narinig nalang namin ang sigawan ng mga estudyante.


"Sample, sample, sample, sample, sample!!"


"Okay, mukhang wala na akong choice, pasensya na kayo kay Yuri ha? so, para makabawi yeah! kakanta na ako" ngiting sagot naman ni Hailey.


"Patay ako kay Yuri nito guys, ayaw pa naman nung naaagawan ng pwesto, kayo talaga bahala pag ginulpi ako nun" biro na naman niya.


"Don't worry kami bahala" sigaw nung matabang babae.


"Kanta ka lang Hailey" sigaw naman nung payatot pero ang lakas makasigaw.


"Woh! ho!! Go Hailey" sigaw naman ng isang grupo sa may likod namin.


"Okay guys, huwag masyado maingay baka marinig tayo nun, mabilis pa naman yun magdrive. Grabe yung senses nun, moment ko na ito guys so please bare with me" dagdag biro na naman nito na nagpatawa at nagpaingay sa buong conference hall.


"Okay, so this song is dedicated to all of you with beautiful eyes" sabay tanggal niya sa shades niya at kindat sa mga audiences.


Ako naman, napanganga sa ginawa niya, ang mga mata niya. Napakaganda, punong-puno ito ng buhay at kumikinang na parang bituin.


Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at napakapit naman ako sa kanang dibdib ko.


Anong ibig sabihin nito? nagsimula ng itugtog ang intro ng kanta..


*****

Thanks for reading guys :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon