Chapter 10

8.2K 180 8
                                    

Hailey's POV


Nakapanglumbaba lang ako the entire time sa klase. Antok na antok pa kasi ako, ito kasing tigreng katabi ko ngayon hindi ako pinatulog kagabi. Kwento ng kwento ng mga non sense hanggang napunta kami sa horror stories na naging dahilan talaga kung bakit hindi ako nakatulog agad.


"Ms. Delos Reyes, are you here with us" biglang pukaw naman sa akin ng Prof namin na si Mrs. Pinili.


"Yes ma'am" biglang ayos ko naman ng pagkakaupo at sagot ko dito.


"So, care to discuss what I'm talking a while ago?" striktang tanong naman nito.


Literature kasi ang subject ngayon at ang natatandaan ko lang dito about sa Greek Mythology ay si Zeus at kung gaano ito ka-pervert.


"Ah....ahmmm..." nakakahiya naman, wala bang call a friend dito? biro ko nalang sa sarili ko.


"Next time Ms. Delos Reyes, pay attention in the class!" kalmado pero halatang galit na sabi nito sa akin.


"Yes ma'am, I'm sorry" hinging paumanhin ko na lang dito.


"Okay class, sana magsilbing leksyon ito sa inyong lahat. Ayaw na ayaw ko yung hindi nakikinig at hindi ibinibigay ang full attention pag-naglelecture ako" maawtoridad na sigaw nito.


"Now, I want you to count off because I'll be grouping you all by five's  and you'll be going to dramatized about a certain story to learn more about Greek Mythology. Pick a leader and your leaders need to pick a certain story here inside this box. I've already wrote it in a paper so your leaders just need to come to  me."


"1"

"2"

"3"

"4"

"5"


Shoot! group 5 ako, si Yuri naman group 1.  Atleast kagroup ko si Andy at kagroup namin yung masscom student na si Sarah na sa tingin ko, siya ang pinaka matalino sa class dito. Sana nga lang hindi ito masungit or masyadong strikta pag-nagpraktis na kami.


"Now, group 1 stay here in front, group 2 stay at the back of group 1, group 3 stay also here in front, there on the left side, group 4 stay at the back of group 3 and group 5 stay at the very back of the room" ang instruction naman ni Mrs. Pinili.


Nagsipag-tayuan naman yung mga kaklase namin, pati na ako syemre, nagmeet na sa group at pumili na ng leader at obviously sino ba ang pipiliin nilang maging leader??, syempre yung sikat ehemm...at dapat matalino..medyo tagilid ako dun...so walang iba kundi si Sarah.


Nagbunutan na ang mga leaders ng topic at kami naman ni Andy ay nagbubulong-bulungan lang, dumating na din ang leader namin at ang nabunot niya ay???? "Pandoras Box". Well, interesting naman yung topic. Nagbibigayan na kami ng kanya-kanyang opinyon tungkol sa topic at kung kailan magaganap ang practice namin. Napag-desisyunan naman namin na during weekend lang kami magkikita-kita since hindi naman kami pwede ni Andy dahil araw-araw kami may practice after ng class sa banda namin. Kilala naman na kami sa buong class dahil nga nung welcoming na mini concert na nangyari last week.


"Sana musical play nalang ito noh guys, siguradong maganda yung magiging result, kagroup ba naman natin yung dalawang member ng HARMONY" exaggerated naman na sabi ni baklang si Edward.


"Oo nga, maririnig na sana natin ulit ang  boses ni Hailey, minsan lang kasi ito makakanta eh" sang-ayon naman ni Rachelle.


Napatingin naman ako sa harap ko kasi nakikipag-flirt nanaman kasi itong si Andy at kay Sarah pah!, Hay..lahat nalang tinatalo nito. Pero napapansin ko naman na panay ang sulyap nung huli sa akin.


"Okay class, it's already time. Just do your best on the play since this will cover as  30% part of your project" inform naman ni ma'am sa amin.



Nag-ring na yung bell ibig sabihin gorabells na. Last subject na naming tatlo ito nila Yuri at Andy kaya didiretso na kami sa studio para mag-ready sa practice namin. Naalala ko nga pala itetext ko si Lilian na papuntahin siya sa studio para naman dumamoves na ito kay Andy. Baka mahuli na kami sa plano namin, marami naman kasing chicks itong si Andy eh..hayyy...


Lilian, daan ka studio ha? text ko sa kanya.

-sige, hintayin ko lang si best.

Bakit kasama pa best mo?

-kasi naman po nag-click sila ni Richard na kabanda mo, di mo alam?

Ganun? hindi pa ako nainform, pero sige tanungin ko mmaya

-sige, kita nalang tayo maya

Yeah, paganda ka ha! ;)


Huling text at tukso ko sa kanya hahaha' sigurado namumula na ito. Operation Ms. Cupid ako ngayon at dapat may improvement na talagang mangyari this time. Buti pa yung bestfriend niya, ang bilis...pero don't worry Lilian hindi ako papatalo..


*****

A/N: Anong masasabi niyo kay Hailey guys? Sa tingin niyo sino talaga ang gusto niya? ;)

Thanks for the reads :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon