Chapter 36

6.1K 162 12
                                    

Lilian's POV

Buti nalang may nakasalubong akong katulong nila Faith at nakapagtanong agad ako kung saan ang cr nila. Halata ang pagtataka at pag-aalala sa mukha nito dahil sa pag-iyak ko pero pasalamat nalang ako at hindi na ito nagtanong.


Matapos pakalmahin ang sarili, may narinig naman akong kumatok sa pintuan.


"Yan, ikaw ba yan?" boses ni Lee ang narinig ko.


"O-o...b-kit..??" garalgal pa din ang boses ko.


"Umiiyak ka ba?"


"H-ndi, sumakit lang bigla ang ulo ko" palusot ko dito.


"Yan, n-akita mo ba yung kanina?" diretsong tanong nito pero hindi ako sumagot.


"Nakasalubong ko si Josh kanina at nakita ka raw niyang nagmamadaling naglakad papunta dito. Maari ba tayong mag-usap Yan?..Alam kong marami akong dapat ipaliwanag sa'yo at hindi ko sinasad--" pinutol ko na ang sasabihin niya.


"H-uwag... ngayon ..L-ee" pakiusap ko dito.


"Please lang Yan, ngayon na tayo mag-usap. Baka hindi na naman ako makahanap ng pagkakataon na makausap ka ulit. Alam kong galit si Joy sa akin at gagawin niya ang lahat para hindi kita makausap ng tayong dalawa lang. Please Yan, siguro ito na yung time na maipaliwanag ko sa'yo ang lahat" pakiusap ulit nito.


Siguro kailangan nga naming mag-usap. Nasaktan na ako. Ano pa bang ikinakatakot kong marinig mula dito? "Sige, mag-usap tayo, doon nalang sa may puno na pinuntahan mo kanina. Mauna ka na, susunod nalang ako" pagpayag ko dito.


"Salamat Yan, hihintayin kita doon" paalam nito.


Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at buti nalang hindi kumalat yung make-up ko. Light lang din naman kasi ang nilagay ko. Nag-apply nalang ulit ako ng lipstick at inayos ang dress ko. Huminga muna ako ng malalim at lumabas na ng cr. Dumiretso na ako sa lugar na sinabi ko kay Lee.


Wala namang nakapansin sa akin. Siguro busy sa pagsasayaw sila best at Yuri. Hindi ko din nakita si Josh, saan kaya yun? Sana naman nag-eenjoy parin ito kahit wala ako. Nakakahiya naman at iniwan ko nalang ito bigla.


Nakita ko na si Lee na nakasandal sa puno at halatang nag-iisip ito. Narinig siguro nito ang yabag ng mga paa ko kasi bigla nitong inangat ang ulo at ngumiti sa akin.


"Gutom ka na ba? Pwede namang kumain muna tayo" simula nito.


"Hindi pa naman, nakapag-snack din naman ako kanina bago pumunta dito" sagot ko dito at namayani ang katahimikan sa aming dalawa.


"Y-ung..n-akita...mo k-anina..Yan.." halatang kinakabahan ito.


"Hindi mo naman kailangan magpaliwanag Lee, wala naman akong karapatan na manghimasok sa relasyon niyo. Pasensya na at nakita ko yun, sinundan lang naman kita para malaman kung okay ka lang" paliwanag ko dito.

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon