Chapter 11

7.8K 186 0
                                    

Lilian's POV


Kainis ka naman Lilian!, bakit ba kasi in the first place! umamin na gusto mo si Andy! Which is hindi naman totoo, nakorner na kasi ako ni H eh, wow close na kami.


Kasalanan ito ni best eh, sabi kasi niya nun na silipin ko si Richard kung nandoon ba ito sa studio. Wala kasing tiwala si best sa boyfriend niya. Yes, you heard it right! boyfriend niya na agad si Richard kung paano nangyari yun? hindi ko din alam. Sabi nga niya diba! nasa 20th century na tayo! hindi na daw uso ang ligawan. Siguro sa text sila nakasagutan at ligawan or maybe si best yung nanligaw. Knowing best kayang-kaya niyang gawin yun.


Pero itutuloy ko na nga yung kwento, yun nga sabi lang naman ni best silipin ko lang kung nandoon ang bf niya sa studio yun kasi ang sabi nito sa kanya sa text or i-check ko daw kung may kaharutan ito sa studio. Praning lang itong si best, sabi kasi niya natural na sa miyembro ng banda na lapitan ng chicks, hay..saan na ba yung tiwala niya?


Ang tagal ko naman kasing nakita yung Richard na yun, nakita tuloy ako ni H at yun nga..wala na..nataranta kasi ako na baka malaman niyang may gusto ako sa kanya. Confirm na kasi guys na nalove at first sight ako kay Hailey Teves Delos Reyes. Oh diba? Alam na agad pati middle name. Yung mata kasi niya eh, sinamahan pa ng ngiti at malamig na boses.


Si best naman talaga dapat ang sisilip sa studio nun pero sabi niya baka mabuking siya ng bf niya na binabantayan niya ito at tumayming naman din kasi ang pagkaroon niya ng LBM hahaha' kahit ano kasi sinusubo niya, ayun tuloy naghalo-halo na yung pagkain sa tiyan niya at nagkaroon ng chemical reaction sa tiyan niya hahaha'


"Hoy Liliana, anong nginingiti-ngiti mo diyan?" ay nandito na pala ang bruha.


"Wala kana dun" taray ko sa kanya.


"Wow, ang taray te?"


"Pwede ba best, huwag ako yung pansinin mo, nandyan na bf mo oh!" turo ko naman kay Richard na nakangiting palapit sa amin.


"Pasalamat ka best, pero mag-uusap tayo mamaya" pinal na sabi nito.


Humalik naman agad sa pisngi ni best si Richard, ang sweet naman pala nito. Wala sa itsura nito na may pagka-emo look pero malinis siyang tingnan, kung titingnan mo naman din kasi sila ay napaka-opposite. Si best naman kasi ay kikay look yung itsura.


"Hi Lilian, manonood ba kayo ng practice namin ni babe?" bati at tanong naman nito, wow babe!.


"Syempre naman babe, para naman ganahan ka sa practice niyo" sagot naman nitong si best, wow ha! ang hangin..


"Yun naman pala babe, gagalingan ko para sa'yo at ng maipag-malaki mo ako"


Eh di sila na sweet, kala mo naman contest yung sasalihan nila at tsaka practice lang naman yun hello?


Pumunta na kami ng studio nila at nakita naming kumpleto na silang lahat. Huli lang ng dating netong si Richard.


"Oh, nandito na pala si Lover Boy" biro agad ni H kay Richard.


"Anong lover boy" halos sabay sabay nilang tanong dito.


"Kasi naman itong si Richard, hindi man lang tayo sinabihan na may nobya na pala siya at may nabingwit na magandang chick" sagot naman nito.


"Anong ibig sabihin niya Richie?" nakataas na kilay naman na tanong ni Yuri.


"Pwede ba Yuri, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo akong tawaging Richie, tingnan mo nga looks ko? Hindi bagay yung palayaw, nakakasira sa image ko at nandito pa man din ang girlfriend ko" sabay akbay naman nito kay best at ngiti. Nakita ko naman na nagblush si best, wow lang ha! marunong pala mahiya si best, nakatungo na kasi ang ulo nito sa sahig.


"Oh my gosh! Pinatulan mo to?" exaggerated na reaksyon ni Yuri.


"Wow, thanks ha? Salamat sa support, feel na feel ko" sarcastic na sagot naman ni Richard.


"Paano ba yan bro, sa amin na lahat ng chicks ngayon" pagsabat na biro naman ni Nelson.


"Oo nga bro, don't worry we can handle them" sabat din ng pinsan ni Harold na si Mike. Speaking of that guy, hindi na siya nagpaparamdam sa amin ni best pero last na text niya sa akin magiging busy daw ito sa project na gagawin nito.


"Sa inyo na yung lahat mga bro, basta itong babe ko naman walang katapat sa thousands na fans natin. She's one of a million" banat naman nito at kindat kay best na nagpablush na naman dito.


"Wooh!! hoo!!! yun oh!!!" sigaw naman ni Andy.


"So, this calls for a celebration right? Kailangan mong manglibre ng dinner Richard okay?" sabat naman ng seryoso pa din na mukha ni Oliver.


"Hayy..kaya nga ayaw ko ipaalam sa inyo eh, mamumulubi ako pero para kay babe ko, sige na nga" sang-ayon nalang nito.


"Yesss..." sigawan nilang lahat. Lumapit naman si Yuri sa akin at nakipag-kamustahan na parang hindi naman kami nagtitext kanina. Ang sweet talaga ng babaeng ito minsan nga lang inaatake ng pagkatigre pero hindi niya naman ginagamit sa akin yun.


"Maari ko bang hiramin sandali si Lilian mahal na prinsesa?" biglang sulpot at tanong nito kay Yuri.


"Ano naman ang kailangan mo sa kanya aber?" mataray na sagot agad nito.


"Sa amin nalang yun no, may secret affair kasi kami" biro naman nito kay Yuri pero ako naman kinabahan sa joke na yun.


"Hoy H huwag na huwag kong malalaman na nilalandi mo tong si Lil ha? makakatikim ka talaga sa akin at hindi ako boto sa'yo para sa kanya, hindi kayo bagay" hard na sagot naman nito.


"Ouch naman, bakit naman hindi ka boto sa akin? ang loyal ko pa naman pag-nagmahal at ibibigay ko lahat sa kanya mapasaya lamang ang taong mahal ko pero don't worry Yuri hindi naman ako ang gusto nitong si Lilian eh!" kindat naman nito sa akin na nagpablush at iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya.


"Oh my gosh Lil! Sino? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" tampu-tampuhan naman nito sa akin. Tiningnan ko naman si H at nakita ko ang apologetic na expression sa mukha nito.


"Hindi naman Yuri, wala pa akong nagugustuhan. Nagbibiro lang si H at kung may magugustuhan man ako, ikaw ang unang makakaalam" assure ko naman sa kanya.


"Talaga Lil ha? Promise mo yan ha?, sige mag-usap na kayo at sasabihan ko na ang mga boys na magset-up na" ngiti na nito sa akin. Tumango nalang ako at ngumiti din sa kanya.


*****

Thank you for reading and I hope you like it :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon