Chapter 5

10.9K 249 0
                                    

Lilian's POV


"Pwede ba best, hinay-hinay ka lang, hintayin natin si Harold. Paano tayo makakalapit sa kanila kung wala siya at siya kaya ang magpapakilala sa atin sa kanila."


"Oo na best, basta huwag muna akong tuksuhin pag andyan siya ha?" sagot naman nito.


"Sige na nga best, basta huwag mo din ako tuksuhin sa kanya, deal?" lahad ko ng kamay sa kanya. At ang lola nag dalawang-isip pa, batukan ko kaya to.


"Sige deal" nagshake hands kami at sinabayan niya naman ng nakakalokang ngiti. Hmmm..mukhang may binabalak na naman itong bruhang ito.


"Oh girls, akala ko naman iniwan niyo ako" ngiti nito sa amin.


"Paano ka naman namin iiwan Harold, ikaw kaya ang free pass namin para makalapit sa HARMONY" prangkang sagot naman ni best, hay! malala na talaga itong si best.


"Ganun ba? so yun lang talaga silbi ko sa inyo?" tampu-tampuhan naman itong si Harold.


"Hay naku Harold, huwag munang pansinin si best, kung gusto mo tayo nalang dalawa. Iwanan natin yan manggagamit yan" sabay ko naman sa biro niya.


"Ako pa talaga ang manggamit sa lagay na yan best eh, gusto mo lang masolo yung buong banda" exaggerated talaga itong si best.


"So, tayo na girls I'm just fooling around," ngiti niya sa amin.


Naglakad na kami papuntang studio ng banda, marami ding papunta doon, halatang maraming gustong magpakilala sa kanila. Para na talaga silang celebrity. Kung tutuusin pwede naman talaga, kasi naman puro sila good looking.


Nauna nang pumasok ng studio si Harold habang nasa likod lang kami ni best. Nakakahiya naman kasi baka sabihin nila nakiki-close lang kami sa kanila at tsaka bago lang namin nakilala itong si Harold.


"Oy bro" bati sa kanya nung drummer ng banda, ito siguro yung pinsan ni Harold. Nagkamustahan silang lahat at ginawa yung mga moves ng mga lalaki pag nagkikita, hindi ko alam ang tawag dun eh. Kasi naman sa babae beso-beso, kiss sa cheeks or hug lang.


Pansin ko lang wala pa yung dalawang babae sa banda. Si best naman nakikipag-chikahan na sa Richard na yun wow si best! ang bilis, hindi pa nga kami pinakilala ng pormal ni Harold eh.


"By the way guys, meet my new friends si Mar--ay mean si Joy na nakita niyo kanina at ngayon sinosolo na ni Richard hahaha' at ito naman si Lilian. Lilian si Mike my cousin, si Oliver, si Richard na kasama ni Joy ngayon, si Nelson at si Andy" huli kong nakapag-kamayan si Andy at masasabi kong siya ang pinakagwapo sa kanilang 5 na lalaki. Mukha nga lang chick boy which is hindi ko talaga type at halatang nakikipag flirt ito dahil sa malagkit na tingin niya sa akin at hindi pa din talaga niya binibitawan yung kamay ko.


"Ahemmm" napabitaw naman ako sa kamay nya, kasi nabigla talaga ako sa tinig mula sa likuran ko.


"Andy dumadamoves kana naman" biro nito sa kabanda niya.


Nagtawanan lang lahat sila at ako parang mahihimatay na sa kaba. Relax ka lang Lilian, relax lang.


"Syanga pala Lilian si Hailey at yung vocalist nila si Yuri" pakaswal na pakilala ni Harold, bakit kasi hindi ako tumulad kay Harold, chill lang.


Humarap ako sa kanila at nabigla nalang ako kasi bigla nalang ako niyakap ni Yuri.


"Hi Lilian, ang ganda mo ma naman, ganda din ng hair mo girl. Saan ka nagpasalon? gusto ko yung hair color mo." Sabay sweet na ngiti niya sa akin. Wow! ito ba yung babae kanina? Akala ko ba malatigre ito? bakit ang sweet naman niya ngayon o baka naman bipolar to!.


Ngumiti nalang ako sa kanya sabay lahad ng kamay ko sa kanya.


"I'm Lilian" tinanggap naman niya yon pero bigla naman may humablot sa kamay ko at bigla akong nakuryente.


"Hello I'm Hailey, huwag ka masyado dumikit ng matagal dito kay Yuri baka mahawa ka sa sakit nito, sayang yung ganda mo" ngiti at biro niya sa akin.


Binatukan naman siya nito, hahaha' nakakatuwa naman sila.


"Ahem, H baka gusto mo naman bitiwan yung kamay ni Lilian, ikaw ha para-paraan lang" tawang-tawa naman si Yuri.


Binitawan naman niya agad ito at nakita ko medyo nagblush siya sa biro nito. Anong ibig sabihin nito? hay...hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa paligid ko.


"Hey best, mukhang kailangan na natin umalis, medyo late na at antok na ako."


Mmmm..tiningnan ko ang paligid ko, kaya naman pala nagyaya na umuwi si best kasi wala na ang apple of her eyes. Palusot pa itong si best, binigyan ko siya ng look na alam ko yung tunay niyang rason pero tumango na din ako.


"Ahmmm..guys nice meeting you all pero kailangan na naming umuwi ni best, medyo late na kasi" hinging paumanhin ko sa kanila.


"Hindi pa naman, 10:30pm pa lang naman Lilian, baka pwede kayong sumabay sa amin magdinner at magcelebrate sa successful performance namin" aya naman ni Andy.


Tumingin ako kay best pero mukhang wala na talagang gana si best.


"Sorry Andy pero hindi talaga pwede ngayon" tanggi ko sa kanya.


"So, hindi pwede ngayon pero pwede next time? sabat naman ni Yuri na nakangiti sa akin.


"Sure" yun lang ang sagot ko.


Nagpaalam na kami ni best at hiningi talaga ni Yuri number ko para hindi ako makatanggi sa next time na sinabi niya. Masyado namang mabait tong si Yuri kakakilala lang namin naisip ko nalang. Hinatid kami ni Harold sa apartment namin at hiningi din niya number namin ni best. Mukhang magiging kaibigan na talaga namin itong si Harold. Well, okay lang naman sa akin, mabait naman talaga itong si Harold at magaan na agad ang loob ko sa kanya. At si Hailey..hay...

*****

Thanks for reading :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon