Chapter 19

6.6K 150 1
                                    

Third Person's POV


3 years ago....


Magkasamang nag-enroll sina Yuri at Faith na mag-bestfriend simula pa nung high school. Nag-decide na silang kumuha ng kursong Engineering kasi yun naman talaga ang pangarap nila.


"Medyo mataas yata yung pila bestie" reklamo agad ni Yuri.


"Okay lang yan bestie at least makakapag-chikahan pa tayo" sagot naman ni Faith.


May pumila naman sa kanilang likuran.


"Kayo ba yung last sa line Miss?" tanong ng blonde na babae.


"Oo, Miss" sagot naman ng nakangiti ni Faith.


Natapos na sila sa pagbayad ng tuition fee at lahat ng kailangang bayaran para makapag-enroll. Pareho din lahat ng schedule ng mag bestfriend.


"Maglibot-libot muna tayo bestie para naman alam na natin yung mga rooms natin" suggestion naman ni Yuri.


"Sige go ako diyan" si Faith.


Habang naglilibot sila, napansin naman nila yung blonde na girl na nakasunod sa kanila. Naisip din nila na siguro magiging classmate nila ito dahil pareho din naman yung course nito.


"Hi Miss, mukhang magiging magkaklase tayo nito, freshman ka lang din ba?" tanong ni Faith.


"Ah..oo, mukha nga" nahihiyang sagot nito.


"By the way ako nga pala si Faith at ito naman ang bestfriend kong si Yuri" pagpapakilala nito sabay abot ng kamay.


"Ako naman si Hailey" pagpapakilala din nito at pagtanggap sa nakalahad na kamay ni Faith at hindi niya inaasahan ang kuryenteng naramdaman niya ng maghawak sila ng kamay. Bumitaw agad siya at nagtaka naman ang mag-bestfriend sa reaksyon niya.


"Ah...nice meeting you both, pero kailangan ko nang mauna" nagmamadaling paalam ni Hailey.


"Sige, ingat ka" naisagot nalang ni Faith.


Nang dumating nga yung pasukan, magkaklase nga ang tatlo sa lahat ng subjects at naging close na ng dalawa si Hailey. Naging magbestfriend silang tatlo at magkasangga sa isa't isa.


Isang araw nagkwentuhan ang tatlo tungkol sa mga naging karelasyon nila.


"Para sa akin si Nathan ang the best bf ko" sabi ni Yuri.


"Paanong hindi magiging the best yung ex mo siya lang naman kasi naging bf mo" pambabara naman ni Faith kay Yuri at tawa ng tawa naman si Hailey.

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon