Chapter 27

6.3K 161 5
                                    

Hailey's POV


Tahimik lang akong nakasunod kay Yan hanggang sa maihatid ko na siya sa harap ng pinto ng apartment.


"Hmmm..Yan gusto ko sanang mag-sorry at magpaliwanag tungkol sa nangyari nung isang gabi" panimula kong sabi dito habang ito naman ay kasalukuyang binubuksan ang pinto ng apartment.


"Well, hindi na kailangan Lee. Alam mo naman na nakasakit at nagkamali ka. Nakapagisip-isip na din ako, medyo nawala na naman din yung sakit at hindi mo na kailangang magpaliwanag Lee dahil pinapatawad na kita, gusto ko na ding magsimula tayong muli" nakangiti niyang sabi sa akin.


"Talaga? Okay, hmmm..hi miss ako nga pala si Hailey, Lee for short. Maari bang makipagkaibigan sa'yo?" biro ko dito sabay lahad ng kamay ko.


"Sira!, sure..ako naman si Lilian, Yan for short sabay tanggap sa kamay ko at ngiti din nito. Nagtawanan lang kami pagkatapos, ang saya lang pakinggan muli ang tawa niya at hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.


"You really look good tonight Yan" pagpuri ko dito. Namula naman ito sa papuri ko at masaya akong unti-unti na kaming bumabalik sa dati.


"Salamat Lee" nahihiyang sagot naman nito.


"Sige, mauna na ako Yan at salamat sa pagtanggap muli sa akin. Masaya akong Lee na ulit ang tawag mo sa akin, hindi mo lang alam kung gaano ko namiss ang pagtawag mo sa akin sa ganyang  pangalan" pagpapaalam ko dito.


"Namiss ko rin naman kung anong meron tayo dati Lee" sagot naman nito.


"Sige Yan, good night at sweet dreams" sabi ko ng nakangiti.


"Goodnight din Lee" sagot niya. Nagkatitigan lang kami habang may ngiti sa aming mga labi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag-lean ako palapit sa kanya ng dahan-dahan. Hindi naman siya umatras o gumalaw man lang.


Nang palapit na ng palapit ang mukha ko sa kanya at naaamoy ko na ang mabango niyang hininga, pumikit naman ito. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa at idinampi ko na ang labi ko sa labi niya.


Wala akong makuhang reaksyon sa kanya pero nakapikit parin naman ito at tsaka ko naalala, ako nga pala ang first kiss ni Yan kaya napangiti naman ako dahil dun.


Unti-unti kong ginalaw ang labi ko sa labi niya at sinabayan naman niya ito. We tilted our heads into different direction and we just feel the amazing moment of our first kiss, yes indeed this is our first kiss dahil hindi ito basta aksidente lamang.


Naramdaman lang namin na at this very special time ay special ang nararamdam namin para sa isa't-isa. Napansin ko in between our kiss na kinakapos na siya ng hininga so ako na ang nagtapos ng halik namin at pinagdikit ko lang ang mga noo namin. Nakapikit parin siya at pansin ko din ang pamumula ng mukha niya.


"You can open your eyes Yan, huwag kang mahiya sa akin. I'm sorry, pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na halikan ka but I don't regret the kissed that happened. I like you Yan, I really do" pag-confess ko dito.


"I like you too Lee" confess din nito.


Dahan-dahan nitong minulat ang mata niya at ngumiti ng matamis sa akin. Gumanti din ako ng ngiti dito.


"Magpahinga muna tayo ng maaga at mag-uusap tayo bukas" sabi ko dito habang hawak ko ang mga kamay niyang sobrang lambot.


"Sige, gabi na. Magda-drive ka pa" sang-ayon naman nito.


"Goodnight Yan" sabi ko dito sabay kiss sa forehead niya.


"Goodnight Lee" sagot naman nitong nakangiti. Humiwalay na ako sa kanya at pinigilan ko siyang ihatid pa ako sa kotse.


"Mag-ingat ka sa daan at sa pagdrive" paalala naman nito.


"Yup naman po, mag-iingat ako para sa'yo" wave ko dito sabay kindat.


"Aba! Dapat lang, dapat buo pa kitang makausap bukas" biro naman nito.


"Ba-bye"


"Bye"


Masaya naman natapos ang gabi ko..Sana ito na nga talaga..



***



Maaga akong gumising kinabukasan para makapag-prepare ng breakfast para kay Yan, dinamihan ko na rin baka nandoon din si Joy. Nagprepare ako ng pancakes, cookies, ham, hotdog at sandwich at inilagay ito sa maliliit na container.


It's 6:30 in the morning so, dapat exactly 7am nandun na ako kina Yan naisip ko.


Good morning Yan, dapat tapos ka ng maghilamos at magtoothbrush pagdating ko diyan.
Text ko dito, napangiti naman ako. Siguradong magtataka yun hahaha..pero baka hindi pa din ito gising.


Matapos maihanda ang lahat. Umalis na ako at nagdrive na papunta kina Yan. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naidudulot sa akin ni Yan. Hindi ko pa ito naramdaman. Kahit na kanino, kahit kay Faith.


Tumigil muna ako sa pagdrive dahil nakared light na. Lumingon ako sa katabi kong red car, isang babae ang may-ari nito na naka-aviator glasses.
Naka white top ito at maikling shorts pero biglang tinanggal nito ang glasses niya at para naman akong namutla sa nakita ko si Faith! ngumiti pa ito sa akin bago nagdrive ng mabilis. Napatanga naman ako at tsaka ako nahimasmasan sa malalakas na busina ng mga sasakyang nasa likod ko.


Nagdrive na ulit ako at parang wala sa sariling nakarating sa apartment nila Yan. Kinuha ko na yung paper bag kung saan nakalagay yung mga food sa container. Nag-door bell na ako at binuksan naman agad ito ni Yan.


"Good morning" bati niya agad sa akin sabay halik sa cheek ko.


"Good morning din, naghilamos at nagtoothbrush ka na ba?" biro ko dito.


"Sira! syempre naman, nahiya kasi ako sa beauty mo" ganti din nito.


"Biro lang, ito nga pala naghanda na ako ng breakfast natin. Nandito na ba si Joy?"


"Wala pa si best, mukhang seryoso yung naging lagay ng asawa ng tita niya. Hindi pa din siya tumatawag o nagtetext man lang hanggang ngayon" sagot naman nito.


"Teka, bakit nag-abala ka pang magprepare nito? Nagpapa-impress ka ba? At ang dami naman nito!" puna niya sa dala ko.


"Ah..hmmm...ka-si.." nauutal kong sabi at feel ko na namumula na ako.


"Oh, namumula ba si Ms. Hailey Delos Reyes? ha?" tukso nito sa akin.


"Eh..kasi na-man.. Yan eh!..huwag mo nalang tanungin, gutom na ako. Kumuha ka na ng plates" palusot ko nalang.


"Hahahaha..epic yung mukha mo, sige na nga. Kulay kamatis na yang mukha mo pwede nang lagyan ng tuyo at suka..hahaha.." tukso pa din nito.


"Ah..ganun.." pero bago pa siya makatakbo hinapit ko na siya sa bewang at kiniliti ito, namumula naman ito sa pagpipigil ng tawa at sa hirap huminga.


"Pl-ea-se...so--rr--y..n--a...." pakiusap niya naman at tumigil na nga ako. Nagkatitigan lang kami habang nakahawak pa din ang mga kamay ko sa waist niya. Gaya ng dati hindi ko naman napigilan at hinalikan ko siya. Parang nasa isang spell talaga ako pag nagkakalapit kami at nakatitig ako sa mga mata niya. Tumugon naman siya sa halik ko, unti-unti natututo na ding humalik itong si Yan. Naramdaman kong ngumiti siya in between our kisses at hindi ko inaasahan ang gagawin niya, ako naman ang kiniliti niya. Kaya pala! may evil plan pala ito, what a beautiful temptress and seductress!.


*****

A/N: Yun oh! Bati na at sweet na sila. Biglaan ba? hehe ;)
Nagpaparamdam na din si Faith, ano kaya mangyayari sa next chapter? Ending na kaya?

Thanks sa reads at sa consistent voters. You're the best :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon